ASHLEY CARRACIO
Mga 10am na ako nagising, tinext ko na rin si Gabbie na hindi ako makaka-pasok kasi a-attend kami sa kasal.
To: Bes-Ganda
'Bes hindi ako makakapasok ha. Paki sabi nalang sa mga teachers natin, okay?'
From: Bes-Ganda
'K, y?'
Walangya talaga mag reply 'to o!
To: Bes-Ganda
'A-attend kami ni Mama sa kasal.'
From: Bes-Ganda
'Sige, humayo ka at mag-Landi.'
Okay, it means ingat ka. Haaay Gabbie! Pero sanay naman na ako sa kanya e. Kaya keri lang!
After kong ligpitin yung kama ko, bumaba na ako kasi yung buwaya sa tyan ko nag wawala na. At hanggang ngayon wala pa ring texts sa 'kin si Rade. Ni isa ha! Leche ang tibay ni dude!! Tsk.
"Ashley kumain ka na dun, tanghali ka nanaman nagising bata'ng 'to talaga!!" Haaay kay aga aga sermon nanaman 'tong Nanay ko.
"Maaga pa Ma, wala pang 12noon." Pamimi-losopo ko sa kanya.
"Sige na kumain ka na dyan at maya maya e maligo ka na."
"Okay ma."
So naligo na ako nung mga bandang 12:30 na, pag tapos non simpleng lipgloss lang ang nilagay ko, hindi naman ako flower girl o ano e. Guest lang! Tapos sinuot ko yung dress na binili ni Mama, simple lang sya pero maganda. Mukha akong Lady in Red ditey!
***
Pag dating namin sa Reception madami dami na ring tao, tapos yung kinasal grabe ang bongga nung Wedding Gown nya. Astig!
Pero nakita ko dito si Chris, yung ex ko nung Second year na Past time lang daw ako. Tapos ngayon nakikipag balikan sa akin. Duh! Asa.
~~
2nd year..
"Bes, bes. Break na kami ni Chris." I said to Gabbie between my sobs.
"What?! Break na kayo? Why? What happened? Tell me! Or else I'll punch his fucking ugly face!!" Galit na galit na sabi sa akin ni Gabbie. Ayaw nya kasi si Chris para sa akin e. Nasobrahan daw kasi sa pag ka Care-free sa buhay.
"Bes grabe ka, ang gwapo nya kaya diba?" Sabi ko pa habang kinikilg kilig nang umiiyak. Pero biglang umeksena si Marlyn..
"Uy guys guys! Tahimik muna kayo may sasabihin ako." Sabi nya at saka tumayo sa may flat form sa harap nang classroom namin. "Alam nyo ba pinast time lang daw ni Chris si Ashley!!" Sigaw nya na para bang inaasar ako!
TANG INA..
At dun na akong nag simulang umiyak nang umiyak. Niloko na nga ako pinag sigawan pa? Puta.
**
3 weeks ago..
Calling: 09*********
Sino ba 'to? Kay aga aga istorbo!!
'Hello?!'
(Uh, Ashley? Si Chris 'to. Uhm, kamusta ka na?)
'Okay lang. San mo naman nakuha yung number ko at saka bakit ka naman napatawag?'
(Gusto ko lang sanang i-ayos yung lahat sa pagitan natin.)
'Chris. Wala na yung satin, tinapon mo na diba?'
Siguro moved-on na ako sa isang 'to, pero may galit pa rin kahit papano. Mga 0.5% siguro.
(N-no Ash. Gusto ko lang sabihin sayo na Mahal na mahal pa rin kita, na hindi nag bago yun. Nung nawala ka sakin nagka girlfriends ako pero wala e. Ikaw pa rin talaga. Pangako hinding hindi kita sasaktan. Pangako, just give me another chance Ashley.)
'Nakakatawa ka talaga Chris gas-gas na yun e maka ilang beses mo na nga bang sinasabi sa akin yan? Two or three time siguro ano. Pero siguro mas okay kung friends nalang tayo.'
Then I ended the call, I left him hanging. Anong akala nya? Papaloko ulit ako? Never!
~~
Present
"Hi Ashley." Bati ni Chris, gwapo pa rin naman sya pero, nung kami mas gwapo ko syang tignan. Hah!
"Hello." Matipid na bati ko.
"Uh tara pakilala kita kila Mama, napag paalam na din kita kay Tita." Mabilis nyang pag e-explain. Ugh Ma, why so bugaw?!
So, dinala na ako ni Chris kung saan nandoon yung Family nya. One big happy family din pala sila. Meron syang Kuya na may isang baby girl. Meron din syang little bro, he is the middle child pero nung kami pa super Papa's boy sya.
"Ma, Pa eto si Ashley." Ani nya sa mga magulang nya.
"Hello po. Good afternoon." Pa-dyosa kong bati sa kanila, turo sa akin ni Gabbie yan, wag kayong ano!
"Nako ang Gandang bata naman pala nito e. Ashley nga ba? Ija?" Tanong nung nanay nya.
"Opo." I said with a small smile in my face.
"Ang ganda mo naman, Ashley." Bati sa akin nung Papa nya.
"Ay, hindi naman po." Pa-humble kong bati hm, isa pa yan sa mga turo sa akin ng bestfriend ko!! Sinabihan kasi syang maganda nung tindera ng 'Japanes Cake' e kaya ayan inaraw araw!
"Nako nako, mamaya na yan kumuha na kayo ni Chris ng pagkain Ashley dito ka na rin kumain ha?" Ani nung Mama ni Chris. Grr so sasama pa talaga ako sa kanila? K. As if naman may magagawa pa ko diba?
Si Chris na yung kumuha sa akin ng pagkain, ang kulit e. Sya na daw sayang dadamihan ko pa naman sana tapos pipicturan ko para inggitin si Gabbie! Mehehehe, kaso na bulilyaso ang maganda kong plano dahil dito sa mokong na 'to!
Nung naka balik kami sa table nila katabi ko pa talaga ang Chris huh, kapal mga men!!
"Ang ganda nung kasal ano Mama?" Sabi nung kuya nya, na para bang pinariringgan yung asawa nya. "Gusto mo hon mas engrande pa dyan ang Dream Wedding mo?" Cheesy huh.
"Asus ikaw talaga, okay na sa akin yung kasal natin noh! Simple but Elegant." Sagot naman nung Asawa nya.
"Ikaw Ash? Saan mo gustong ikasal?" So, babanat din sa akin si Chris?! O-kay.. Barahin natin.
"Sa simbahan, eng eng nito!" BOOM!! Yung mukha ni Chris mukha talaga syang binagsakan ng langit at lupa. I won! Yeah. Gusto ko nang humalakhak pero mahinhin nga pala ako dito. Hihihi.
***
Mga 6:30 na kami naka uwi ni Mama sa bahay. Nandon na din si Papa, nag mo-movie marathon daw sila ng mga kapatid ko. Ay bigla ko yong na-miss ha.
Dali dali akong nagbihis at naki sali sa kanila, dahil Papa's Girl nga ako tumabi ako kay Papa para shoot! Nanonood kami ng 'Annabelle' yung horror movie. At ang nakakatawa ay sina Mama at Papa. Akala mo bumalik sa pagka bata kung mag react e. Nakakatuwa silang panoorin, actually hindi ako natakot natawa talaga ako sa pagiging sweet nilang dalawa. Kung naka sakay 'tong mga 'to sa jeep pagkaka malan 'tong mag Jowa! Hahahaha.
Sa isang araw pwede rin pala akong maging masaya kahit wala ang mga lalaki. Mga lalaking pwedeng mag paibig sa akin o mga lalaking pwede akong saktan.
BINABASA MO ANG
Break Free
RomansAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...