ASHLEY CARRACIO
Maaga akong pumasok ngayon kasi nga absent na ako kahapon. At bago ako umalis tinignan ko muna kung may isang text manlang ba sa akin si Rade, pero wala pa rin e. Tsk!
"Bes, good morning. Nakapag Landi ka ba dun?" Gandang pambungad non bes. Ha-ha-ha.
"Gaga! Nakita ko nga dun si Chris e." Tapos biglang naging red yung mukha nya, hindi sa kilig pero sa galit. Ewan ko ba galit talaga sya dun e.
"Oh anong nangyare?" Kinwento ko naman sa kanya lahat ng nangyare, "HAHAHAHAHAHAHA! Isa kang alamat bes." Humalakhak lang naman sya after kong mag kwento. Haaaaay this is Gabbie.
Pumasok na kami ni Gabbie sa may library sabi kasi dun daw kami ngayon e. Chaka mas okay dun dalawa ang AC malamig lamig. Mehehehe! Lumabas ako para mag CR pero may nakita akong hindi kanais nais.
Nakita ko lang naman yung Ex ko na pinerahan lang ako.. Si Ken, na-drop sya nung 3rd year kami. Nag loko kasi sya e, ewan ko ba kung bakit! Tapos ngayon may inaayos nalang daw 'to sa school, courtesy of Gabbie pa rin. Galit din sya dito e.
~~
2nd year...
After nang break-up namin ni Chris. Mga limang bwan yung lumipas naging kami na ni Ken. Nung una masaya talaga kami, puro ka-sweetan, puro kulitan at tawanan.
Absent si Gabbie kaya kila Bakla'ng Reign ako naka sama. I can consider Reign as my coolest and funniest close friend. Hindi kasi lilipas ang isang araw ng hindi ako tatawa sa kanya e. Ang saya nya kasi kasama.
"Teh, sorry sa sasabihin ko pero pineperahan ka lang ni Ken." Matatag na sabi sa akin ni Reign. Pero hindi ako naniwala sa kanya.
"Reign, pwede ba. Wag mo kaming guluhin ni Ken. Wala kang pruweba! Masaya kami at alam kong mahal ma mahal nya ako. So leave us alone, okay?"
"Ano ba Ashley? Papaka tanga ka nanaman ba? Alam mo ba kung bakit umabsent si Gabbie ha? Kasi na-frustrate sya nung malaman nyang pinaperahan ka lang ni Ken!" Sabat ni Georgina, totoo kaya? Pero sabi sa akin ni Gabbie masama yung pakiramdam nya e.
Unti unti nang namumuo yung luha sa mga mata ko, dahil unti unti na rin nila akong napapaniwala sa mga suhestiyon nila. Sakto namang pumasok si Ken with Austin. I confronted him.
"Ken totoo ba?!" Tanong ko sa kanya at malapit na talaga kong maiyak.
"Ano 'yun Ash?" Nakangiti nya pang sabi sa akin.
"Sagutin mo totoo ba? Pineperahan mo lang ba ako?!"
"Oo, Ashley. Masyado ka kasing gullible e. Masyado kang nagpapa uto!"
PUTANG INA..
"So totoo nga, thank you ha." Sarkastiko kong sabi kay Kean.
Akmang sasagot na sya pero sinapak sya ni Reign.
"Huy bakla tigil mo na yan!!" Sigaw ni Georgina.
"Reign, tama na!" Awat naman ni Jan.
"Beh, tama na yan. Hayaan mo na sya." Pagkakalma ni Paoline.
"Hindi. Gago 'to e! Pinerahan yung kaibigan ko! Gago ka!" Sapak sya ng sapak pero pinag tulungan na sya nila Austin, at ang hindi ko matanggap ay pati si Ken nakikisapak na rin.
Totoo nga niloko at pinerahan nya lang ako. Great just great isa nanamang pagpapaka-tanga Ashley! Slow clap for me.
Naawat lang sila nung dumating na si Ms. Casimiro. Hindi ako maka galaw, nanginginig yung buong katawan ko pati yung tuhod ko nanghihina.
~~
Present
"Ashley!" Uh-oh, umiiwas na nga ako e. Tawag sa akin ni Ken. In fairness ha gumwapo sya.
"Hi?" Sabi ko habang naka ngiti.
"Kamusta na?" Tanong nya.
"O-okay lang, oh pano Cr na muna ako ha!" I said and then I wave my hand.
Anak naman ng tupa oo! Kahapon si Chris, ngayon naman si Ken! Ano 'to? Meeting with the Ex? Shet lang..
Pagka labas ko nang CR para akong ninja na patingin tingin sa paligid baka kasi kung sino nanaman ang makita ko e! Leche lang.
"Anong ginagawa mo?" R-rade? Puta nagpa ramdam ka din.
"W-wala, ginagaya ko lang 'to sa napanood ko. Bakit?"
"Sorry, Ashley. Nawala kasi yung phone ko e. Alam kong galit ka sa akin kasi ni isang text wala kang nare-receive from me." Ayun nanama pala e, nawala relieved. Haaaaay!
"O-okay, hindi naman ako n-nag hahanap ng mga texts mo no! Feeler." Pakipot daw sabi ni Mama sa akin. Well!
"Nakita mo si Ken kaya ka ganyan." Diretsahang sabi ni Rade sa akin.
"Oo, pero I'm not affected anymore. Ayoko lang muna sigurong makakita ng ex's ko. Stop muna." Sabi ki kay Rade sabay upo naman ako sa bench.
"Ex's so sino sino pa ang nakita mo?" Tanong ni Rade.
"Si Chris." Tapos nakita kong nalungkot sya base sa mga mata nya, "Pero hindi ko naman na sya binigyan ng chance e." Tapos biglang nag liwanag na naman yung mata nya.
"Okay, ahm. Ashley. Sorry talaga ha?"
"No worries, Rade. I understand!"
***
Umuwi na ako sa bahay ng maaga bilin kasi ni Mama ngayon daw pupunta sa bahay yung mag susukat ng Kimona at Saya ko, para sa Graduation namin. Yes parang pang college yung outfit namin sa Graduation e! Mehehehe. Sosyalen.
Pagka dating ko sa bahay, nandon na yung mag susukat sa akin. Nyay! Ang aga naman nya.
"Ash. Bihis ka na sa taas tapos susukatan ka na," sabi ni Ate sa akin. "Bilisan mo ha."
"Okay Ate." Pero bago ako umakyat kiniss ko muna si Marie, hehe miss ko na 'tong pamangkin ko!
Umakyat na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Tapos bumaba na agad agad baka kasi ma-high blood yung mga tao sa baba e.
Dalawa kaming sinukatan ako at si Kelly. Ga-graduate na rin kasi sya ng Elementary. Sad to say pero inabutan sya ng K-12.
After non, sabay sabay din kaming kumain. Ang saya'ng tignan na masaya kayo kahit madalas kayong nagkaka problema hindi pa rin kami nagkaka watak watak.
Ilang araw na lang ang bibilangin at makaka-tung tong na ako sa college. Kinakabahan ako, kung paano tatakbo ang buhay kolehiyala ko.
BINABASA MO ANG
Break Free
RomanceAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...