ASHLEY CARRACIO
"Ashley, gumising ka na dyan." Tawag ni Mama sa akin. Pero inaantok pa talaga ako.
"Five minutes."
"Anong five minutes? Eh ten minutes nang nag aantay dyan si Rade ha!"
"Si Rade la-" Omg Rade daw?! "Okay maliligo na." Sabi ko kay Mama tapos diretso na sa Cr, mamaya ko na liligpitin kama ko.
Para akong si Flash, as in. Kasi naman nakakahiya kay Rade. Nakakahiya na paghintayin ko pa sya. Nag paalam na kami kay Mama na aalis na kami.
"Rade, sorry ha? Nag antay ka pa." Sabi ko. Totoo naman e, nakakahiya. Mamaya ma-turn off to sakin.
"Nako wala 'yon, basta ikaw." Ano daw? Basta ako? Ayie! K-kwento ko 'to kay Bes!!
Nung maka-labas kami ng Gate, pinag buksan nya pa ako ng pintuan. Rich kid talaga si Koya, kasi ba naman kaka-wala lang nung phone nya may bago na ulit sya. At take note ako lang ang number na naka save sa phone nya. Kyaaaaah! Kilig much. Hehe.
Nung makarating naman kami sa school hindi ko maiwasang mailang, paano ba naman lahat ata ng mata naka-sunod sa amin. At kami na yata ang bagong Campus Issue! Ugh.
"Hala girl, sya na ba yung bagong Girlfriend ni Rade? Hindi sila bagay." Sabi nung mukhang hipon na babae!
"Oo nga no. Ex sya ni Ethan diba! Ano ba 'yan, lahat nalang." Pag sang-ayon pa nung isa.
"Don't mind them, Ash. Wala naman silang alam diba?" Sabi ni Rade sa akin tapos ginamitan nya nanaman ako nung ngiti nyang nakakapagpa-lusaw.
Nung makarating na kami sa room nandon si Gabbie nakikipag-usap sa mga lalaki naming classmates kaya naman hindi nya ako napansin.
"Hoy!" Tawag ko sa kanya.
"Oh guys nandito na pala ang Love birds." Pang-aasar nya, wrong move, "kamusta ang date nyo bes?"
"Date? Ano ka ba, parang sinundo lang o. Bes para kang tanga!" Pag dipensa ko naman.
"Shong shong nito! Ganon na rin yon!" Ah guys, shong shong means shunga or tanga okay? Word ni Gabbie yan e.
***
"Bes pano ba yan, bukas wala nang pasok. Tapos sa isang bukas graduation na." Malungkot na sabi nya. Part of me is excited kasi makukuha ko na yung Diploma ko. Pero malungkot pa rin ako syempre. Paano ba naman aalis na ako sa school na 'to!
"Okay lang yun bes! Para namang ang layo ng bahay nyo samin no!!" Pagc-cheer up ko sa kanya.
"Sabagay, pwedeng pwede akong sumugod don at bantayan kayo ni Rade, mahirap na no. Baka walang baon na proteksyon yun."
"Gago!"
"Joke lang bes. Ikaw masyado kang ano ha, proteksyon sa mata baka mag movie marathon kayo e. Diba."
Haaaay utak talaga nito o.
"Ah by the way bes, bukas ngayon na pala lumabas yung result nung sa BulSU." Ani ni Gabbie, na mula na namang nagpa kabog sa dib-dib ko, "Tignan natin bukas dun ha."
"Okay bes. Sasabihin ko kay Mama." Sabi ko naman.
And again nag practice kami ng full program ng Graduation. Wala ako sa mood para mag practice, paano ba naman ang init init at saka nakikita ko nang madalas yung mga taong nag wasak sa akin.
Nung uwian ako lang mag isa ang umuwi ang mag pinsan kasi na Rade at Gabbie may lakad daw. So ako loner again, nag aabang ako ng Jeep pero halos lahat nang dumdadaan punuan na. Tsk!
Gotcha! May isang dumaan na wala gaanong sakay. Pero pag sakay ko I almost curse, naka sakay lang naman dito yung Ex-MU ko! Err, si Joseph. Pero mas sanay akong tawagin syang Otep! Nakakausap ko 'to hanggang 4am ganon tapos pinapunta na ako nyan sa kanila tapos, tapos sabi nya friends nalang daw kami kasi mahal nya pa yung Ex nya! Paasa diba?!
~~
1 year ago..
Basaksyon nanaman. At wala na akong sakit sa ulo, kasi wala na akong boyfriend o ka-MU. Isang linggo lang akong babad sa Facebook, Twitter, Instagram at Wattpad. Ganon lang ako araw-araw pero isang araw may nag chat sa akin sa Facebook.
From: Joseph Dela Cruz
'Hi, Ashley.'
Pero bago ko sya replyan ini-stalk ko muna yung profile nya. At lumaglag yata yung panty ko sa gwapo nya! Jeez ang pogi nito! So nireplyan ko naman sya. Pahinhin effect.
'Hello, Joseph.'
Napadalas yung pagcha-chat namin hanggang sa madalas na kaming nagkaka-text at nag-kakausap. At ayun nga umaabot kami ng mga 3am or 4am na magka usap. Talking about random things. Tapos one time sinabihan nya ako ng 'I love you, Ashley.'
Nung mga panahon na yun hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya speechless ba, dala na rin siguro ng sobrang kilig. Kinwento ko kay Gabbie lahat yon at sinuportahan naman nya ako. Mga 3 months kaming ganon ni Otep tapos sinabihan nya ako na ipapakilala nya ako sa Parents nya, at ganon nga. Ang babait nila sa akin. Kaya nung minsan na nag Group message ako sya ang signature ko.
'Good evening, super saya ko this day. Thank you sayo :) #Otep<3'
Tapos bigla nalang nawala yung communication namin as in parang sa isang snap wala nang calls, texts or chats mula sa kanya. Ako naman si Tanga! Text ng text, chat ng chat at tawag ng tawag kay Gago.
After 2 weeks, tumawag ako sa kanya at ang sumagot ay yung Girlfriend nya.
'Hello? Otep?'
(This is Joseph Girlfriend.) Sagot nung nasa kabilang linya.
'Huh? Sino ka?'
(Ako ang dapat nag-tatanong nyan sa 'yo. Sino ka?)
Hindi na ako naka sagot sa Girlfriend nya. Kasi para sa akin sapat nang dahilan yon para sabihin na pina-asa nya lang ako.
~~
Present
"Hi Ashley." Bati sa akin ni Otep. I gave him a small smile as my reply.
"Para po." Pumara na ako sa may kanto namin, gusto ko na kasing bumaba dito sa jeep na 'to e, dine-demonyo na naman ako e.
Nang maka uwi sa bahay, wala akong kinausap kahit isa kahit si Baby Marie hindi ko na na-tignan e. Bigla akong nawala sa mood, dumiretso lang ako sa kwarto ko. Kahit may text sa akin si Rade at Makoy parang wala pa rin ako sa mood.
Hindi lang ma-absorb ng utak ko na bakit lately lahat ng nanakit sa akin nag-papakita sa hindi ko inaasahang pagkakataon? Pinag lalaruan na naman ba ako ng tadhana?
BINABASA MO ANG
Break Free
RomanceAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...