"Tara, may dayo. Hinahamon tayo." anyaya ni Jeric
"Angas hah, tara pakainin natin ng alikabok" pagmamayabang ni Chester
"oo nga eh 4V4 daw tapos 5k daw price''
Kaya ba natin un?" anthony
"ako pa, I'm the king of that game hahaha, ihanda na nila ang pera nila at tatalunin ko sila" pangtatrash talk ni jaysam
"so tara na" Jeric
Sa araw na iyon, ay may laban ang apat na magkaibgan.
Bakbakan na magaganap sa computer shop. Ang larong dota. DOTA ang kinaaadikang laro ng mga bata at pati matatanda.
ang laro na kung saan ay mag uunahang ma itulak o masira ang teretoryo ng kalaban.
Bawat manlalaro ay may kanya kanyang herong gagamitin na may kanya kanyang abilidad (skill).
Pagalingan ito sa pagbuo ng item para sa hero at palakasan ng hero.
At ito ang larong kinaaadikan ng apat na magkaibgan.
Matagal na silang naglalaro ng dota at dahil dito kung bakit sila magkakaibigan ngayon.
"san ba daw maglalaban Jeic?" tanung ni Anthony
"sa hell shop daw malapit dun sa kanto yung may 8 com"
Sakto lang para satin" sagot ni Jeric
"bakit dun sa hell shop, andilim kaya dun at unti lang ang tao" reklamo nila chester at jaysam
"bakit na babakla ka na naman chester? Cge umuwi na kayo, kami na lang ni Anthony ang lalaban" asar na sagot ni jauin
"sinung bakla. Lalaki kami nu diba sam!" sabay akbay kay jaysam
Nagkatinginan na lamang sila Jeric at anthony sabay tumawa. Nagtataka lamang sila jaysam at chester.
Nakarating sila sa hell shop
Medyo dapit hapon pa lamang pero napakadilim sa loob ng shop, animu ay gabi na.
Napabulong tuloy si jaysam kay Jeric kung tutuloy pa ba sila
At dahil matapang si Jeric kaya tumango siya
Pumasok sila sa loob at dun nakita ang mga makakalaban nila.
Medyo naweirduhan sila sa mga kasuotan ng mga makakalaban nila. Naka black silang lahat na animu ay mga kulto.
Pero hindi na lamang nila ito pinansin.
"so paano ang pustahan, 5000 sa mananalo diba?" tanung ni anthony
"5000 pag kyo ang mananalo pero pagkami ang nanalo kayo ang kabayaran." sagot ng pinuno ata ng grupo ng klaban.
Nagtaka ang apat.
Hindi nila maintindihan ang pustahang magaganap.
Nag usap usap muna ang apat.
"Anung ibig sabihin ng mga yan? Tayo ang gusto" si anthony
"baka naman bakla ang mga yan. Ui hindi ako bakla hah." depensa ni jaysam
"ako rin" si Chester
"wala naman kaming sinabi hah. Masyado naman kayong defensive. Pero parang iba ang kutob ko sa kanila"
"ano ba kayo. Ang duduwag niyo. Hindi niyo ba narinig na 5k ang premyo pagtayo ang nanalo at pagsila tayo, pero napaka imposible nun, alangan ibenta natin sarili natin" pagkukumbinsi ni Jeric at dahil sa mga sinabi ni Jeric kaya npapayag silang tatlo.
Nagsimula na ang laban sa madilim na shop.
Sa simula ng laban ay panalo sila at parang imposible ng talunin sila pero parang may himala at bumaligtad ang laban. Nanalo ang klaban nila.Nalungkot sila pero natakot sila na singilin sila.
lumapit lamang ang leader nila at sinabi
"kukunin namin ang mga kaluluwa niyo" sabay Nagsitawanan silang apat.
"diba sabi ko sa inyo walang mawawala satin," si Jeric
Iba parin ang kabang nararamdamn ni anthony, ngunit hindi na lamang nya pinaalam.
Pagkaraan ng isang linggo ay nabalitaan nila namatay si Chester.
Hit and run ang nganap sa kanya.
Nagluksa ang tatlong natira. Wala pang isang linggo ng natagpuang bangkay na lamang si jaysam.
Napagtripan ito at tsaka pinatay.Kinausap ni anthony si Jeric.
"hindi ka ba nagtataka, sunod sunod ang pagkamatay nila jaysam at Chester" si Anthony
"anung punto mu?" tanung ni Jeric
"hindi kaya may conection ang pagkatalo natin nung nakaraang linggo dun sa mga nakaitim" sagot ni anthony
"alam mo imposible yan.Dahl iba iba ang nakapatay sa kanila.
Tinatakot mo lang sarili mo." salaysay ni Jeric.
Tumango na lamang si anthony.
Ngunit pagkatapos ng usapan nila. Kinaumagahan ay natagpuang patay si Jeric apartment na tinutuluyan niya.
Pinasok daw ito ng magnanakaw tsaka pinatay. Desidido si Anthony na may kinalaman ang pagkatalo nila.
Kaya nagsearch sya sa computer.
May nakita sya website na kung saan ay may larawan ng dota
Pero mas napansin nya ang mga larawan ng nagmamay ari sa website na yun.
Parehas na parehas ang itsura ng mga nakalaban nila.
Binasa nya ang description ng grupo ng nakalaban nila.Ang black org ay isang kulto na nananalig sa demonyo. Lumalaban sila sa mga usong laro sa mga kabataan.
May mga kondisyon din sila at pagnatalo ang kaluluwa mo ang kabayaran.
Natakot si Anthony sa nabasa niya. Ang ibig sabihin ay may connection nga ang mga nagaganap na kamatayan ng mga kaibigan niya.
Ngunit mas nagimbal sya sa nakita niya.Nabuksan nya ang folder ng website na kung saan nandun ang mga larawan ng mga natalo nila.
Ngunit hindi simpleng larawan lang.
Mga larawan ito kung paano namatay ang mga taong natalo ng kultong ito. Nasindak rin siya sa nakita niya ng nandun ang larawan ng mga kaibgan nya.
Nakalagay duon kung paaano sila namatay.
Si chester ay halos hindi namakilala ng lamugin ng mga sasakyan.
Si jaysam ay puno ng pasa sa pagbug bug sa kanya.
At si Jeric na naliligo sa sariling dugo.
Ngunit ang mas pumukaw ng atensyon ay ang larawan na kung saan ay putol ang ulo at ang ulo nito ay hawak hawak ng isang tao.
Hindi niya masyadong maaninag dahil masyadong malayo.
Ng pinindot nya ang zoom ay nanhilakbot sya sa nakita nya. Sya ang pugot na ulo. May naramdaman syang kaluskus sa likod nya. Ng lingunin nya.
Ay may nakita siyang lalaking nakaitim. At may hawak hawak.Pagkalipas ng ilang sandali. May naramdaman siyang talim sa leeg niya
Nagdilim ang buong paligid ni Anthony...
-END-
Property of: @YoungWild&Free
BINABASA MO ANG
Dota Hell
HorrorAng kinaadikang laro na magpapasok sa kanila sa mundo ng KABABALAGHAN - A short horror story