TFoA 17

477 15 6
                                    

Yawa ka talaga Garret!

Ang akala ko na ipapadalang pagkain yung order per pack ganun. Hindi naman niya sinabing food truck pala. Hinilamos ko ang kamay sa mukha. Talagang tumakbo ako rito sa open field ng sabihing may pinadala umano saking package.

I received a text from him.

Garret:

Have a Happy Lunch, Baby.

Pinirmahan ko yung sa recipient bago mag reply sa kaniya.

Me:

Sabay tayong mag lunch? If you're not busy.

Pinatay ko ang phone bago Ilagay sa bulsa ng aking palda. Tapos na ata ang klase namin dahil sukbit ni Jaster ang bag ko tapos dala naman ni Julio yung books namin.

Mangha ang nakita ko sa mata ng dalawa ng sabihin kong galing kay Garret yung food truck.

"Shit!  What does it take for a wise man to win someone's heart? " Tanong ni Julio.

Nagkibit balikat ako kasi hindi ko alam yung sagot. Tagisan ata ng talino.

"A fvcking food truck." Sagot ni Jaster.

Pumikit ako na may ngiti sa pisngi habang kagat ang ibabang labi na na-iling sa tinuran ng dalawa. Sa totoo lang gusto kong mag si-sigaw sa kilig pero nakakahiya naman sa mga tao rito.

Kung kita lang ng lahat kung anong nangyayari sa puso ko? Ay baka sumabog na ako sa saya't kilig!

Umakyat kami sa food truck para makita yung menu. Masayang binati kami ng crew. Hindi nawala sa listahan ang paborito kong burrito at carbonara. Halos western food pero halatang masarap itsura palang!

"Akin na mga bayad niyo." Birong singil ko sa dalawa na walang atubiling naglabas ng pitaka. Natawa ako kasi kung Gaga ako hinablot ko na yung crispy blue bills na hawak ng dalawang kumag!

Iniwan ko nga silang nakataas ang kamay sa ere.

"Joke lang uy!" Kinuha ko ang inabot saking pizza. Grabe ang sarap! Alam mo yung hindi ko na need ng lumabas para hanapin ang mga paborito kong pagkain kasi nandirito na sa harapan ko!

Walang hiya hiya sa dalawa at kumain narin sila. Kunti lang muna na portion kasi niyaya ko si Garret na kumain dito. Gusto kong sabay kaming busog.

Franco, Lanter and Wraz called me last night while I'm doing my assignments. It was a video call kaya kita ko sila hindi nga lang mahawakan. I told them how much I missed each one of their presence.

They tried to keep with up with me, sa mga kwento ko sa bawat pangyayari ng aking araw. Garret joined too but he have to do something important kaya he needs to disconnect the call. 

Naunang nakatulog si franco dahil nadin sa pagod ito sa trabaho hanggang sa pinanood ko silang tatlo sa screen na natutulog.

Ginanahan akong tapusin yung buo kong assignment dahil naisip ko na kahit pagod sila nagawa pa nila akong kausapin sa oras ng kanilang pahinga.

Imagine different time zone pa kami niyan.

Nahirapan man pero natapos ko yung mga problems sa accounting subjects. Inspired ata ako masyado kasi kahit yung assignment para sa susunod pa na linggo ang pasahan tinapos ko narin kagabi.

Para nga akong ewan kaka research kung paano masagutan lahat ng iyon! Kung literal na mag susunog ng kilay aba paniguradong abo na kagabi pa!

Kahit madaling araw na akong natapos hindi ko naramdaman yung pagod. Kaya heto puyat na pumasok may namuong itim sa ilalim ng mata.

The Four of Alejandra [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon