Kung gaano tayo kasaya noon, grabe naman ang naging kapalit nito..
Mapaglaro nga talaga ang tadhana. Malalaman mo talaga ang ugali ng isang tao pagkalipas ng tatlong buwan. Dito ko narealize na sa una lang talaga masaya, habang tumatagal ay pasakit nang pasakit.
Nagkakaroon na tayo ng misunderstanding, lack of communication, tampuhan, iwasan, trust issue, and worst overthink. Dahil lang sa paligsahan ng parol ay nagsimula ang lahat ng nabanggit ko rito. Hindi ko ito inaasahan.. O sadyang ito talaga ang ating kapalaran?
Mahal kita, mahal na mahal.. Kahit sumasakit na ay mananatili pa rin ko sa iyong tabi. Kahit umabot sa puntong mapagod ka, hindi pa rin ako mawawala.
Akala ko aabot itong pag-aaway natin sa christmas party ng school. Hindi tayo masyado ayos, nagkakaroon na ng taasan na pride sa ating dalawa pero sinubukan kong kausapin ka ng maayos at hindi umabot ang away sa christmas party. Kasi ayun ang unang araw na may makakasama ako sa christmas party na lalaking tunay na nagmamahal sa akin.
Naalala ko na tinanong mo pa ako noon kung ano magandang iregalo sa pinsan mong libro dahil parehas kuno kami ng taste. Dun pa lang may kutob na ako kung sino nabunot mo. Pano ako hindi magkakaroon ng kutob kung lahat ng kaklase ko alam na sino nabunot nila at ako na lang hindi nakakaalam kung sino nakabunot sa akin. Hehe gusto ko man kiligin pero hindi ko magawa, baka kasi magexpect ako ng sobra tapos hindi rin pala ako ang nabunot mo, masakit lang talaga umasa..
Nung gabing 'yon, nadulas ang kaibigan mo kung sino nabunot niya. Sabi mo sa akin ikaw nakabunot nun, pero hindi pala. Kinagat ko pang ibabang labi ko nun para mapigilan lang ang kilig ko noon sa nalaman ko.
Mabuti na lang nagkaayos tayo nun agad, pasensya na kung nasasaktan kita. Sinubukan ko ayusin ang sarili ko noon para lang hindi kita masaktan.
Nung araw na bago magpasko, nagkita tayo nun hehe.. Sinundo kita sa Las Piñas para makasama kita kasi gusto kita makasama kahit huling araw lang bago kami umalis.. Sinulit ko ang buong araw ko na kasama ka, sadyang panget lang talaga ang araw kasi biglang umulan. Pero kinabukasan, nagkita tayo nung gabi dahil sabi mo nga magkita tayo sa rooftop ng sm. Pero hindi ko inaasahan na may ibibigay ka pala sa akin.
Isang kwintas na heart shape pendant na parang nasa barbie and the diamond castle. Masyado akong nahihiya sa'yo, dahil wala kang natanggap sa akin nung pasko kundi 'yung bracelet lang. Ang dami mo ng nagastos sa akin kaya hiyang-hiya talaga ako sa'yo. Dalawang libro na favorite ko, at kwintas ang binigay mo sa akin. Kineep ko ang librong bigay mo at lagi kong suot ang kwintas para kahit wala ka ay pakiramdam ko kasama lang kita.
Pagkatapos ng pasko, nagkita tayo at ito nanaman tayo, nagastusan mo ulit ako. Pero pagkain naman.. stick-o and yakult naman. Favorite ko pa, masyado na akong na spoiled mo lalo na mga favorites ko pa.
Napakaswerte ko dahil meron akong isang tao na handa akong gastusan ng ganiyan para lang mapasaya ako. Paumanhin kung wala ako masyado nabibigay sa'yo. Kahit sa ganito lang, nakakabawi ka na sa akin lalo na nung nagdaang araw na puro tayo away.
Pero pinakamemorable sa akin ngayong disyembre, nung 30 ng gabi na sabay nating pinanood ang fireworks na magkasama sa rooftop ng sm. Ang celebration ng new year, kasi alam nating hindi tayo magkikita sa new year dahil sa pamilya natin.
And i'm totally sure, ready na ako salubungin ang 2023 kasama ka sa bagong taon..
YOU ARE READING
PARA EL AMOR DE MI VIDA
Fiksi RemajaTwo people met and fell in love with each other, but because of some unexpected circumstances, they had to let go of each other. Both are hurt, miserable and full of false hope. Maybe they need to heal themselves and grow individually. Will their li...