"NORIKAAAA!!!!" Malakas na sigaw ni Ricca at kumakawaykaway pa.
"Bunganga sis ah daig pa megaphone" naiiritang sabi ko kay Ricca. Pano ba naman kase sa may gilid ng tenga ko nagwangwang ang bunganga nya.
"Ay sorry ah" walang modong sabi nya.
Nagtatampo kasi tong babaknit na'to dahil hindi ako pumayag na sumama sa gimik nila ngayong gabi. Ang dami kong gagawin na projects at mag-aasikaso pa ko ng ibang gawain sa bahay kaya it's a big NO sa gimik nila ngayon. Nandiyan naman si Norika at iba pang kaibigan namin, sila na lang muna.
"Rinig na rinig maski sa kabilang building boses mo Ricca." Sabi ni Norika ng makalapit kami sa kanya.
"Sama ka? nomi tayo" yaya ni Ricca habang nagpupuppy eyes kay Norika.
"Hard pass sis HAHAHA may nakabakod sakin ngayon eh."
"Ay wow gumaganon na si anteh, parang noon lang ikaw pa mismo nag-aaya ah." Mapang-asar na sabi ni Ricca habang tinutusok nya ang bewang ni Norika kaya lumalayo ito sa kanya.
"Ano kaba? Syempre dapat good girl tayo para plus ganda points."
Nag-asaran pa silang dalawa kaya napapailing na lang ako sa mga pinagsasasabi nila. Minsan hindi ko maisip kung bakit naging kaibigan ko sila madalas kase parang mga anak sa kanto yung ugali eh.
"Sila Addi at Mark na lang aayain ko. Nakakainis kayo hays." Nagtatampong sabi ni Ricca habang sinisipa yung bato na nasa harap nya.
"Walang girls?" Maiksing sagot ko sabay lingon sa kanya.
"Wala pero sure ako may isasamang mga babae yung dalawa. Hindi naman nauubusan ng babae yung mga yun eh."
"Mmm- babawi na lang kami sa susunod. Talagang busy kasi ako ngayon eh tsaka ikaw din naman ah ang dami nating gagawin pero mas inuuna mo pa yang nomi mo."
"Pampawala lang ng stress. Bukas ko na lang uumpisahan yung mga projects clouded pa utak ko ngayon."
"May problema ba?" Biglang singit ni Norika
"About lang naman sa family." nakayukong sagot ni Ricca.
Minsan talaga yan ang ginagawa nya bilang stress reliever kaya pati kami nadadamay sa stress reliever nya na yan pero ngayon talagang pass kami ni Norika kaya yung dalawang boys na lang ang aayain nya. Bihira na lang din namin yun makajamming. Busy din kasi sila sa mga school works nila at balita ko may nililigawan si Mark kaya si Addison ang lagi nyang sinasama kasi kung kami ang kasama nya baka hindi sya sagutin nung nililigawan nya.
"Sige mauna nako sa inyo, andito na si honey bunch sugar plum ko eh." malanding paalam ni Norika samin. Nagflying kiss pa nung nakalayo na.
"Juscolored kaya siguro ayaw sumama kasi magpapadilig tsk." naiiritang sambit ni Ricca at napahampas pa sa noo.
Natawa na lang ako sa sinabi nya. Niyaya ko na lang syang pumunta sa cafeteria kanina pa ko nagugutom eh. Pagkarating namin pinahanap ko na ng mauupuan si Ricca habang ako naman ay umoorder na ng kakainin namin. Bumili na lang ako ng tatlong iba't-ibang klase ng donuts at dalawang coffee jelly. Nung isang araw pa 'ko nagc-crave sa donut kaya yun ang binili ko, bahala na si Ricca choosy pa ba sya ako na nga nagbayad lahat ng 'to.
Nakita ko si Ricca na sa may tabi ng bintana sa lamesang napili nya. Naglakad na'ko palapit at ng inilapag ko na ang pagkain namin ay napangisi na lang ako sa naging itsura ng kanyang mukha nung makita kung ano yung binili ko.
BINABASA MO ANG
You Are My Everything
RomanceThis story is for the two person who deeply inlove with each other. Everything around them is perfect and they don't even feel fear if there's a problem that would came to their life because they know how to survive for it. The chemistry between the...