ONE SHOT, ONE CHANCE. A one-shot story written by: fckin_ghetto
03/09/13
_____________________________________________________________________________
"Aly!" bulong sa'kin ni Mia,
"Nakatulala ka na naman! Hindi mo ba narinig? Mapapagitnaan natin yung crush ko! Sheeet! :3" ay, oo nga pala, inaayos kasi ni Sir yung seat plan namin.
"So what? Oo, bestfriend kita. Pero hindi ko siya trip. 'di naman gwapo, tch."
"Oyyy! Grabe 'to! Ang gwapo niya kaya, titigan mo langgg."
"Ay? Kelangan titigan pa? Ayaw, time is gold baka pumuti pa mata ko kakatitig sa kanya."
"Ayy, grabe naman 'to! Mamaya kainin mo yung sinabi mo ha!" sabay pout at iwas nito ng tingin.
"Hindi ah, ayan si Rayne ah? Yan ang tunay na gwapo, isang tingin pa lang, nakukuha na yung atensyon mo."
"Rayne, dun ka sa likod ni Mia." sabi ni sir. oh sht. Malapit lang siya sa'kin! Kita mo nga naman :3
"Mia, lumipat ka sa tabi mong upuan at paupuin mo na si..." sabay tingin ni sir kay....
"Gelle po sir." sabi nito sabay ngiti nang bahagya.
"Okay, Gelle dun ka sa gitna ni Aly at Mia. Simula ngayon, 'yan na ang seating arrangements 'til the end of school year." Jusko, if I know mahuhubad na lahat ng suot ni Mia dahil sa sobrang kakiligan.
Ah basta! Rayne, Rayne, Rayne. Ang gwapo mo Rayne :'>
*****
PERO MALI PALA AKO....
Malapit nang magbakasyon, oo. Ang bilis pala. At akalain mong sa loob ng halos 10 months...
May gusto na si Mia kay Rayne?
Ano bang ineexpect niyo? Na magagalit ako? Masisira ang friendship namin ni Mia? Na aagawin ko si Rayne? Hahaha.
Hindi.
Dahil.....
Si Gelle na ang gusto ko ngayon.
Oo crush ko lang si Rayne, pero kasi may pagka mayabang siya kaya hindi nagtagal 'yon.
Si Gelle? Gentleman, mabait, tahimik. Makikitawa lang sa klase pero hindi mayabang. At eto pa... Nagpractice kami sa bahay nila para sa isang performance at...ang yaman pala nila.
Down to earth siya. Hindi arogante o ano pa. Kagroup ko siya sa MAPEH kaya everytime na may performance nagkakasama kami. Katabi ko siya at lagi kaming nagkakausap, isama mo na ring lagi kaming nagkukulitan.
*Flashback*
"Gelle!"
"Aly, hi!" sabay ngiti nito sa'kin. Shetttt ang gwapo niya talaga ano ba. MIA KINAKAIN KO NA LAHAT NG SINABI KO! KAHIT MAMUTI ANG MATA KO KAKATITIG SA KANYA WALA AKONG PAKE!
"Happy birthday!"
"Haha, salamat Aly" Lalong lumapad ang ngiti niya at ayyyy *___* na-under na naman ako sa mahiwaga niyang majika.
Ngumiti ako pabalik sabay abot ng isang box. "Gift ko ^_^"
"Aly? Haha, nag-abala ka pa."
BINABASA MO ANG
One shot, one chance
Short StoryONE SHOT- kung ikaw si Aly, mahuhulog ka rin ba sa hindi inaasahang tao? ONE CHANCE- at kung oo, gagawin mo ba ang lahat, basta mahulog din siya sa'yo?