HANGGANG SAAN TAYO AABOT?
Isa, dalawa, tatlo, hanggang sampu at marami pang taon.
Nasusukat nga ba ang relasyon sa haba ng panahon na tayo'y magkasama?
Sapat na nga ba ang tagal na ginugol upang umabot ang tayo sa dulo?
Kung sa hinaba at tinagal ng ating relasyon bakit kailangan pang maranasan muli ang mag-isa?
Hayst tagal na nating magkasama no?
Nangako tayo sa isat isa na sabay nating haharapin ang mundo.Naalala mo noong masaya tayong nagtatakbuhan at naglalaro sa isang malawak na parke na nadaanan lang natin.
Pati yung pag breakdown nating dalawa. Sabay nating tinulungan ang bawat isa at sa aking pagkaligaw sa ibang dimensyon ay ikaw ang daan pabalik.
Simula no'n napagtanto kong okay pa lang maligaw ng kasama ka. Masaya pa lang maligaw ng may kasama.
At paglipas lang ng ilang taon ay nagpunta muli tayo sa isang lugar na hindi tayo pamilyar.
Habang pilit kitang pinapatayo sa harapan ng mga makasaysayang gusali upang kuhanan ng litrato ay biglang may tumawag sayo.
Nung narinig ko ang tawag niya sayo at kung paano niya banggitin ang pangalan mo, natakot ako. Ibang pagkaligaw ang nangyari sayo.
Totoo ang hinala ko kaya simula non tulad ng paglabo ng aking mga mata dahil sa mga luha ay unti-unti na ring lumabo ang relasyon nating dalawa.
Hindi naging madali para sakin na pakinggan ang mga eksplanasyon mo at lalong hindi madaling patawarin ka.
Hindi ko lubos ma isip na habang pagmamay ari pala kita ay pagmamay ari ka rin ng iba.
Pero kahit ganon pinatawad pa rin kita kase nung umalis ka at naligaw, ako yung nawala.
Oo nagsimula tayo ulit, ginawa nating mas makulay at mas mainit ang samahan nating dalawa na kahit ang lamig ng tagaytay ay hindi umubra
Ngunit bakit ba ganon? Kahit na ang dami na nating napagdaanan at mga alaala ay hindi pa rin sapat upang hindi ka muling maligaw?
Sa nakalipas na maraming taon ay wala akong ibang ginawa kundi ang unawain ka sa lahat.
Ikaw ay naligaw at muling pinatawad,
Naligaw at patatawarin, pinatawad at naligaw,
naligaw at patatawaring muliPaulit-ulit kang patatawarin
Nakakapagod kang unawainPero sa kabila ng iyong pagkaligaw ay bakit hindi ko magawang mapagod na ika'y mahalin?
Mahal nga ba talaga kita o ayaw ko lang ng pakiramdam na ako yung maligaw?
Mahal pa nga ba kita o nasasayangan lang ako sa mga taong ginugol nating magkasama?
Hindi ako isang rebulto na maaari mong iwanan ng paulit-ulit at asahang nandito pa rin sa iyong pagbalik.
Ubos na ko, parang isang kandila na nalulusaw dahil sa patuloy na pag apoy nito.
Wala na, hindi na kayang burahin pa ang ang mga sakit na dinulot mo.
Pagod na ang puso ko na pakinggan at intindihin ang mga rason mo.
Okay na, sige na, umalis ka na dahil simula ngayon magkaiba na ang tatahakin nating direksyon.
Hanggang dito na lang , Hindi talaga tayo ang para sa isa't isa.
Patawad kung ngayon pa ako napagod, patawad kung hindi na kita kayang patawarin pa.
Hindi lahat ng nagtatagal ay panghabang buhay at hindi lahat ng maraming napagdaanan ay magtatagumpay.
Laging piliin ang sarili, huwag intindihin kung ikaw man ay maligaw at kung gaano kayo katagal.
Maghihilom din ang sakit at makakahanap ka rin ng daan pabalik.
Kaya sa susunod na magmamahal muli ay hindi ko na iisipin ang tagal, ang gusto ko na ay kung gaano mo ako kamahal.
----------------------------------------------
Hindi basehan ang tagal ng panahon sa isang relasyon. Pumili ng "tamang tao sa tamang panahon". Nagtatagal tayo dahil sa pagmamahal hindi yung nagmamahal para lang magtagal.
luxcelimene 🤍🤍