Siguro nga ganyan talaga pag in love (one shot)

46 1 0
                                    

~~~~~~~

"Ms. Santos!"

"Jenica!!!" tawag sa akin ng kaibigan kong si Mia

"Jenica, gising, tinatawag ka ni Ma'am." pabulong na pag-gising niya sa akin.

Agad ko naman itinaas ang ulo ko at humingi ng pasensya kay Ma'am.

"Okay, pero wag mo nang uulitin, ano bang nangyayari sa'yong bata ka? Di ka naman ganyan dati ah." malumanay na sagot ni Ma'am na halatang nagaalala para sa akin

"Sorry po Ma'am"

"Osya, sagutan mo na lang 'tong problem sa board."

Pumunta ako sa harap ng pisara at sinagutan yung problem tapos bumalik na ako sa upuan.

"Jenica, ano ba talaga ang problema? Kaninang umaga ka pa matamlay, may nangyari ba kagabi?" nagaalalang tanong ni Mia.

"Wala ng nangyari, napuyat lang ako kagabi kakahintay sa tawag ni Daniel..."

"Ha? Eh ano nangyari? Tumawag ba yang boyfriend mo?" medyo iritableng tanong ni Mia

"Mia naman, kung makaboyfriend ka, parang kamuhimuhi naman si Daniel," pagdedepensa ko para sa boyfriend ko.

"Hay, eh kamuhimuhi naman talaga yang boyfriend mo e! So ano nga? Tumawag?"

"Hindi nga eh..."

"Ha? Eh kaninang umaga? Tumawag ba?"

"Hindi nga rin eh..."

"Ha? Ano ba naman yang boyfriend mo!!! Hindi man lang nagtext para magsorry o magpaliwanag?"

"Hindi eh, pero nagtext siya!" medyo nakangiting sabi ko.

"Oh anong sinabi?"

"Yung lunch ko ah!" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ha? Hinintay mo yung tawag niya magdamag tapos hindi man lang siya nagsorry o naggood morning???" naiiritang tanong ni Mia

"Haha, ano ka ba! At least nga nagtext eh! Tsaka di niya naman sinabing tatawag siya!" natatawang sabi ko

"Hay, simula nung naging kayo, ganyan ka na, di mo napapansin yung mga maling ginagawa niya, wala ka rin paki kahit na taken for granted ka! Hay nako, iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig oh!"

"Haha, sinasabi mo lang yan kasi wala kang boyfriend, tsaka wala naman talaga siyang ginagawang mali eh!" muling pagtatanggol ko sa boyfriend ko.

"Hay nako, kung ganyan lang din naman ang mangyayari sa akin, hindi na lang ako magboboyfriend, ayoko ngang maging tangang sunudsunuran sa boyfriend niya! Ang gusto ko maging girlfriend na minamahal hindi alipin na inaalipusta!" galit na sambit ni Mia.

"Haha, Mia talaga!"

"Bahala ka nga diyan! Bakit ba naman kasi.... Ay! Ewan ko sa'yo!!"

Tumunog na ang bell at dinismiss na kami ni Ma'am. Break namin ni Mia ang sunod at alam kong break na din ni Daniel ngayon. Kaya naman sinabi ko kay Mia na hanapin namin si Daniel. Engineering student kasi siya at Accounting students naman kami.

Nagkakilala kami ni Daniel sa isang charity event na dinaluhan ng parents namin, 6 months ago, at three months na kami ngayon. Ano kaya gagawin namin ngayon? Usually kasi kumakain lang kami sa bahay ng dinner tapos uuwi na siya, sana naman this time iba na, para may thrill! Haha. Naeexcite na akong batiin siya!

"Bakit parang excited na excited ka?" tanong ni Mia sa tabi ko.

"Hmm, 3rd monthsary kasi namin ngayon!" medyo giddy na sagot ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Siguro nga ganyan talaga pag in love (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon