Hindi ko maintindihan kong anong nangyayari.
"Chelsea?"
"Lumayo kayo.." sabi ko tapos tumakbo na ako. Tumakbo ako palabas ng bahay na 'yon. Sakto namang may napadaang taxi kaya pinara ko na.
"Kuya bilis.." sabi ko lang.
"Chelsea!" sigaw nung dalawang babae.
"Anak, saan ka pupunta?!" narinig ko ring sigaw nung matandang babae tapos nakita kong naubo pa ito. Inalis ko na yung tingin ko sa bintana.
"Ah.. Ma'am saan po tayo?" tanong ni manong driver.
Sinabi ko yung address nung mansion namin.
Nung makarating na kami, narealize kong wala akong pambayad.
"Ah haha manong pwedeng utang?"
"Baba!" sigaw ni manong kaya bumaba na ako kaagad ng Taxi. Ayos lang kasi nandoon na ako sa mansion. Promise kapag nakita ko ulet si manong tapos naintindihan ko na ang lahat, babayaran ko siya. Pero sa ngayon, kailangan ko munang maintindihan kong anong nangyayari.
Papasok na sana ako sa gate ng bigla akong sigawan nung guard namin.
"Sino ka?"
"Manong baste ako po ito, si Mandy."
"Pwede ba wag mo nga akong lokohin, tyaka paano mo nalaman yung pangalan ko?!"
"E kasi nga po manong ako po si Mandy."
"Siguro nakatakas ka sa mental no.. Alis!" sigaw ni manong at itinulak pa ako palayo sa gate.
Nakakainis! Bakit ba kasi nasa ibang katawan ako?!
Pinagsisipa ko yung mga batong malapit sa'kin, hanggang sa may maisip ako. Aha!
Pumulot ako ng bato, tapos pumunta ako sa ibang bahagi ng pader sa labas ng mansion tapos binato ko. bumato ako ng bato hanggang sa may narinig akong nabasag.
"Sino 'yan!" narinig kong sigaw ni Kuya baste na guard namin, bago siya umalis ng pwesto niya. Ayos!
Pumasok na ako ng gate. Nagtago ako hanggang sa makarating ako sa garden. Dito ako huling pumunta e, baka nandito din yung-
Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko yung katawan kong nilalabas doon sa pintong pinanggalingan ko kanina. Nilagay sa stretcher yung katawan ko, tapos nakita kong nakasunod sina Christian at Tiffany doon.
"T-teka.." biglang umikot yung paligid ko tapos napunta ako sa loob nung maliit na kwarto. Lumapit agad ako sa pinto at pinihit ko yung doorknob pero ayaw nitong bumukas.
"Hindi mo 'yan mabubuksan.." narinig ko ulit yung boses ng pamilyar na lalaki. And when I turn around siya nga. He's in his usual wear. White v-neck at black pants.
"Ano bang nangyayari? Katawan ko 'yun diba?" naiiyak na 'ko. Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari.
"Relax okey?"
"Relax?! You're telling me to relax?! Paano ako magrerelax kung nasa ibang katawan ako?" umiyak na'ko.
"Teka, wag kang umiyak.." sabi niya tapos lumapit siya tapos hinawakan niya yung dalawang pisngi ko at pinatingin niya ako sa kanya.
"Makinig ka sa'kin okey." Sabi niya tapos nagbuntong hininga siya.
"Ang pag-iyak ay hindi makakatulong okey, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat pero titigil ka na sa pag-iyak okey?" tanong niya tapos pinanasan niya gamit yung thumb niya yung luha ko. Sheet! Lumayo na siya at umupo sa may dayami.
Tinapik niya yung side niya na sinasabing umupo din ako doon, at 'yon ang ginawa ko.
"Ang gobyerno ay nagsasagawa ng mental development test para matuto ang mga kabataan na maging mabuti sa mga magulang nila."
"Test? Ibig sabihin may pumapasa at hindi?"
"Oo. Sa test na ito. Kailangan mong maipasa ang tatlong buhay na ipaparanas sa'yo."
"Paano kapag hindi?"
"Basta, alam kong mapapasa mo ito. " nakangiti niyang sabi tapos tumayo na siya kaya tumayo na rin ako.
"Te-teka, matagal na tayong nag-uusap pero hindi ko pa rin alam kung anong pangalan mo." Tanong ko at napakamot siya sa ulo niya.
"Oo nga pala, Ako nga pala si John Clifford Mendez." Sabi niya tapos inabot niya yung kamay niya at syempre tinanggap ko 'yun.
"Mandy Clevers.." ngumiti ulit siya. "Ang gwapo.." bigla siyang natawa tapos nilapit niya yung mukha niya sa'kin
"Thinking Out Loud?" nakangiting sabi niya at tinulak ko palayo yung mukha niya.
"Che! "Doon ko kanga namalayang nakangiti na rin pala ako. Kainis! Napalakas ba sabi ko nun?
"Tara na.." tanong niya sa'kin at tumango ako tapos kinuha na niya 'yung kamay ko tapos tumayo na kami sa harap nung pintuan. "Teka, may ibibigay muna ako sa'yo." sabi niya tapos may nilabas siya sa bulsa niya. Isang bracelet. Sinuot niya 'yun sa'kin.
"Lucky charm 'yan kaya wag mong wawalain huh?" nakangiting sabi niya tapos hinawakan na niya ulit yung kamay ko tapos yung isang kamay naman niya ay nasa door knob.
"Sandali lang," umpisa ko tapos binitawan ko muna 'yung kamay niya. "Magkikita pa ba tayo ulet?" tanong ko sa kanya.
"Ano ba 'yan, hindi pa nga tayo naghihiwalay namimiss mo na 'ko kaagad" sabi niya tapos kinuha na niya ulet yung kamay ko ng hindi man lang sinasagot 'yung tanong ko.
Binuksan na niya yung pintuang kahoy at malakas na liwanag ang sumalubong sa mata ko kaya napapikit ako.
"Chelsea? " bigla kong nakita yung matandang babae sa harap ko. Niyakap niya ako saglit tapos nilayo niya ulet yung sarili niya sa'kin. "Salamat at bumalik ka anak.." sabi niya tapos niyakap niya ako ulet. Tumingin ako sa kaliwa ko. Wala na siya. Wala na.
"Chelsea!" sigaw ulit nung dalawang babae na biglang sumulpot sa pinto ng pink na kwarto. Pumasok sila sa pink na kwarto at niyakap nila ako. Niyakap ko na rin sila.
Lihim kong tinignan mula sa likod ng dalawang kayakap ko yung bracelet na binigay sa'kin ni JC. May silver bracelet na may pulang stones sa paligid.
Magkikita pa kaya, tayo ulit?
BINABASA MO ANG
The Other Side Of The Door
Fiksi Remaja"Ang gobyerno ay nagsasagawa ng mental development test para matuto ang mga kabataan na maging mabuti sa mga magulang nila." "Test? Ibig sabihin may pumapasa at hindi?" "Oo. Sa test na ito. Kailangan mong maipasa ang tatlong buhay na ipaparanas sa'y...