Secret 24

11 2 0
                                        

"Ano ba namang klaseng tanong 'yan Tanya. Siyempre magbest friends pa rin tayo noh."

"Talaga lang ha. Kasi kung sakaling parehas kayo ng nararamdaman, magiging close kayo. Tapos makakalimutan mo na ako."

Sus. Ang drama naman neto. Meron bang ganun?

"Grabe. Kung sakali lang naman 'di ba. Tsaka aamin lang ako, hindi ko na hihintayin pa ang sasabihin niya."

"Hmm."

"Pangako ko sayo Tanyalita, friends pa rin tayo, kahit anong mangyari."

"Nako. Bininyagan pa ako ng bagong pangalan. Ay oo nga pala, sabi ni Nanay Lisa, iuwi mo daw muna sainyo si Carina. Tapos daw papasukin mo sa Day Care bukas."

"Sige."

At umuwi na nga si Tanya. Ako naman, pumunta ng Day Care at sinundo si Carina. Kailangan ko na rin magbeauty rest kahit wala naman akong beauty. Habang naglalakad kami ni Carina pauwi, tuwang-tuwa siya kasi pupunta na naman siya sa bahay. Marami kasing mga laruan doon. Kaso mga panlalaki pero okay lang, alam niya naman siguro 'yun.

"Kuya Carlo, ang daming stars oh."

"Ha? Hindi pa naman madilim ah. Paano mo nalaman?"

"Hindi po. Dito po sa braso ko, nilagyan ako ni Teacher. Sabi niya kasi, ang galing ko raw."

"Ay talaga? Very good ka talaga."

At nakangiti pa siya habang sumasayaw sa daan. Kumakanta din siya ng mga pambatang kanta na tinuro sa kanya ng teacher nila. Binilhan ko din siya ng kendi nang mapadaan kami sa isang tindahan para naman mapasaya ko siya. Pagdating namin ng bahay, tuwang-tuwa naman si Mama na makita si Carina.

"Sabi daw po ni Nay Lisa dito muna siya matutulog."

"Ay talaga? Mabuti naman. May kasama na ako dito sa bahay."

Tinanggal kaagad ni Carina yung sapatos niya at naupo sa sofa. Binuksan niya rin ang bag niya at kumuha ng lapis at booklet.

"Mag-aassignment po muna ako. Mamaya na po."

Tinuruan din siya ni Mama sa homework niya at kung paano magsulat. Binasahan din siya ni Mama ng mga bedtime stories at nagkwento ng iba pang alam niya. Sabay din silang nanood ng balita habang nagluluto ako ng ulam.

"Wow Kuya Carlo ang bango naman ng niluluto mo!"

"Ah. Talaga?"

"Opo! Paborito ko yan!"

"Niluto ko kasi alam kong paborito mo. Gusto mong tikman?"

Kumuha ako ng kutsara at pinatikim ang sabaw.

"Wow, mas masarap! Paborito rin po ito ni Ate Nicole!"

Ha? Ibig sabihin, pare-pareho ang mga paborito namin?

"Paborito niya rin ang Bistek Tagalog?"

"Opo. Pero sabi niya daw po, mas masarap yang luto mo."

"Halina po! Kumain na po tayo!"

At siya na rin ang naglagay ng mga plato, baso at mga utensils sa kainan. Navolunteer din siyang kumuha ng tubig sa ref at kumain na kami ng hapunan. Gusto niya sanang maghugas ng mga pinggan kaso hindi ako pumayag. Sabi ko ako nalang. Pero sa sobrang kakulitan niya, tulungan niya na lang daw ako.

"Kuya Carlo, may gusto lang po akong itanong sainyo."

"Ginagawa niyo rin po ba yung ginagawa ni Ate?"

"Ang alin?"

"Yung pumipitas ng bulaklak. Tapos bubunutin yung mga petals. Tapos may sinasabi na loves me, loves me not."

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon