FIVE

551 24 1
                                    

Nagdaan ang mga araw mula nang magkasagutan sina Toni at Alex. Hindi na sila sabay pumapasok sa school at hindi na rin sila magkasama sa recess time. Iniiwasan ni Toni na pumunta sa mga lugar kung saan puwede silang magkita o magkasalubong. Maging sa bahay, laging nakasara ang kurtina ng bintana niya sa kwarto para hindi makita si Alex.

Isang hapon, narinig niyang may kausap si Alex sa gate. Papaalis na sana siya papunta sa bahay nina Trisha. Nanatili siyang nakatayo doon, hindi siya tumuloy lumabas lalo na nang marinig ang malakas na tawa ni Bea. Maging ang ina ay napansin na rin ang pag-iwas niya sa bestfriend niya. Sinabi niya na lang na nagkatampuhan sila.

Sa parte ni Alex, hindi rin naman ito nag-e-effort na suyuin siya. Mukhang masaya pa ito na hindi na siya ang kasama nito lagi, kundi si Bea na.

Isang umaga, araw ng Linggo, pagkatapos nilang magsimba kasama ang mga magulang, kinausap siya ng mga ito. Nasa loob sila ng coffee shop.

"Anak," simula ng ama.

Hindi alam ni Toni kung bakit tila napaka-importante ng sasabihin ng mga ito.

"Tinanggap na ang application na pinasa ko sa isang hospital sa California."

"Wow, Daddy, congrats. That's wonderful," excited niyang turan. Matagal nang pangarap ng ama makapagtrabaho sa California.

"Salamat, anak. At alam mo na siguro kung ano ang ibig sabihin nito, diba?"

Natahimik siyang bigla.

"Iiwan mo kami ni Mommy dito?" aniya mayamaya.

"Hindi, Toni, hindi ko kayo iiwan ng mommy mo. What I mean is, aalis na tayo ng Pilipinas. Kasama sa kontrata ang makasama ko kayo. Doon na tayo maninirahan habang doon ako naka-assign," paliwanag ng ama.

Now, that was a big shock for her.

Hinawakan ng ina ang kamay niya.

"Doon mo na ipagpatuloy ang pag-aaral mo, anak. We will be leaving next month," anito na lalong nagpagulat sa kaniya.

Next month? Eh kakasimula pa lang ng second year niya sa high school.

"I know na it will be hard for you, anak," anang ama. "But I want you to be tough. Para rin ito sa future mo. Sana, you will be ready by then."

Ngayon pa lang, naisip na niya ang buhay na iiwanan niya rito, ang mga kaibigan niya, mga kaklase, kapitbahay, teachers, si Trisha, at lalong-lalo na si Alex. At malaking adjustment ang mangyayari kapag nasa ibang bansa na sila.

But this is her father's dream, she should be willing to sacrifice for him too.

Sa ngayon, kailangan niyang sulitin ang mga natitirang linggo para makasama si Alex. Kailangan na nilang magkabati.

---

Humalik siya sa pisngi ng ginang.

"Madalang ka nang pumarito sa bahay ah. Masyado bang busy sa pag-aaral?" tanong ni Mrs. De Guzman.

"Medyo po, Tita. Si Alex po ba, nasaan?"

"Nasa kuwarto niya, pero may kasama."

Napakunot-noo siya.

"Sino po? Sunday po ngayon, dumating po ba si Tito Alvin?"

Isang piloto ang ama ni Alex, kaya madalas itong wala sa kanila.

"Bukas pa uuwi ang Tito Alvin mo. Ang kasama ni Alex ay iyong new friend niyo, si Bea."

Hindi pa nga maganda ang balitang binigay ng ama, ngayon naman mas nadagdagan pa.

"Ganun po ba? Sige po, Tita, next time ko na lang po kakausapin si Alex."

"Huh? Bakit di mo na lang akyatin sa itaas?"

Umiling siya.

"Huwag na po. May kailangan pa pala akong tapusing Science project, muntik ko na makalimutan. Sige po, Tita Mabel, uuwi muna ako."

Humalik uli siya sa pisngi nito at nagmadaling umalis. Hindi na niya ito nilingon nang tawagin nito ang pangalan niya.

Tuluyan na nga sigurong mawawala si Alex sa kaniya. Siguro, time na rin para sanayin ang sarili dahil mawawala na rin naman siya sa buhay nito after a month.

Dumiretso siya sa bahay nila, kumuha ng water bottle sa kusina, at umakyat sa kwarto. Lumapit agad siya sa bintana, at mula sa kinatatayuan ay kitang-kita niya ang dalawa sa kabila.

Tumutugtog ng gitara si Alex habang nakangiti naman si Bea habang pinapanood ito. Nang mapatingin sa dako niya si Alex, nagkasalubong ang kanilang mga mata at unti-unti itong tumigil sa pagtugtog. Nakita niya itong tumayo palapit sa bintana, pero hindi na niya hinintay na makalapit pa ito. Isinara na niya ang kurtina, at para na rin hindi pa marinig ang mga ito, isinara na rin niya pati bintana.

Binuksan niya ang ilaw ng kwarto at naupo sa gilid ng kama. Napatingin siya sa photo frame na nakapatong sa side table niya.

Siya at si Alex, sa kanyang elementary graduation. They looked so happy, dahil naalala niyang napakasaya nga nila that time dahil magkakasama na sila sa iisang school. But now that it happened, they are not happy anymore. Everything had changed since Bea came along in just a short period of time.

She cried again. She cried for losing her best friend. She cried because in a few weeks, they won't be seeing each other again. She cried because for the first time, she realized that she had a huge crush on her best friend.

𝐔𝐍𝐃𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon