Chapter 16. . .

42 5 1
                                    

Rex POV


Tignan niyo tung babaeng to. Kunting landi lang nadadala na. Hindi niya ba napapansin na pinag tritripan ko siya. Kawawa naman. Ginagawa ko lang naman to para sa kapakanan ng kambal ko.

Ang tigas kasi ng ulo. Sabing iwanan na si Red, hindi naman nag papaawat. Ayaw ko naman na hindi makamit ni Red ang gusto niya dahil lang sa babae na to.

Hanggang ngayon nga hindi pa maka recover sa paghalik ko sa likod ng palad niya. Im a good player, kaya confident ako na mawawala ang attensyon niya kay Red.

"Baba na tayo Mae, I think naka luto na si Patrick. Kain muna tayo."

Tango lang yung tinugon niya sa akin.

Hindi ko alam kung dapat ba ko ba talaga tong gawin, kung dapat ba na paglaruan ko si Mae. Pero kasi naman eh.


Nasa hapag kainan na kami. Si Mae nakatulala pa rin, tapos yung mga kasama ko nagbubulungan, pero hindi kasali si Kevin. Sa trip niya bitter kasi eh.

"Oh Mae kain ka naman, masarap yan," sabi ni Patrick at nilagyan ang pinggan ni Mae ng pancit. Ramihan mo ang kain ha."

Tapos bumalik na si Mae sa kanyang katinuan. At nag simula ng kumain.

Ako tinitignan ko lang ng mabuti si Mae.

Paano kung mahuhulog talaga siya sa akin? Iiwan ko na lang ba siya sa ere pag nagkataon na maka balik na si Red sa semenaryo? Pero ayaw ko siyang masaktan.

Oo mahirap man paniwalaan pro hindi ako nananakit ng damdamin ng isang babae, kahit nga mga ex ko humihiwalay kami na hindi sila galit at walang sama ng loob sa nangyari sa amin.

"Hoy Red, inlove ka na kay Mae ha, kanina ka pa nakatunganga sa kanya."sabi ni Ivan. Tapos yung iba naki kantyaw na rin, maliban ulit kay Kevin. Bitter nga diba.

Tapos si Mae namula. Kakaumpisa ko pa nga lang sa plano ko, nahuhulog na siya.


Mae's POV

Nasa bahay na ako at naka higa sa kama, katabi ko nagyon si Mex. Yung pusang binigay ni Boss.

Sheyt bakit ko ba nararamdaman kay Boss ang ganong mga bagay, dapat kay Baby Red lang yun.

1:30 na ng madaling araw pero heto pa rin ako hindi maka tulog.

Eh kasi naman eh. Ano naman kasing kaluluwa ang sumanib kay Boss at pinag gagagawa niya ang mga yon.

Akala ko ba ayaw niya sakin para kay Baby Red, eh bakit ngayon parang siya yung nagpaparamdam sakin. Hindi nag paparamdam na parang multo ha. Yung ibang paramdam, hihihihi nag lalandi ata ako.

Pero totoo naman eh, hindi yung landi thingy ha, yung paramdam thingy ang ang totoo.

Pero wait, hindi kaya dahil ginagawa niya to dahil para hindi na si Baby Red ang pagnasahan ko, ng sa ganon pwede ng bumalik si Baby Red sa semenenaryo, at pagkatapos non iiwan na niya ako.

Napabangon ako sa hinihigaan ko at nabitiwan si Mex.

Ohhh Noooo, hindi maari yun. Kung meron lang sana akong magawa para maging kami na ni Baby Red at sa ganon hindi na kami mapaghihiwalay ni Boss.

Napa smile ako sa naisip ko. Kahit kailan pala nagagamit ko utak ko. Akala ko accessories ko lang to. Mabuti na lang at maganda ako.

Pero wait. Ano naman ang gagawin ko para maging kami na ni Baby Red.

Mr. Missionary and MaeWhere stories live. Discover now