PROLOGUE
Ang pag-ibig ay parang pep squad minsan mahuhulog ka ng di mo inaasahan,madalas akala mo may sasalo wala naman pala.In the end sumaya ka ng panandalian pero nasaktan ka.
.
.
Paano kung dumating yung panahon na nawalan kana ng pagasa na umibig? Paano kung takot at sawa kana masaktan ng paulit-ulit? Paano kung nagsawa kana maghintay sa the one mo? At naniwala kana na hindi na darating ang taong para sayo kasi napunta na sa iba.Magmamahal ka pa ba?
.
.
Ang unfair no? Kasi sa tuwing nahuhulog ako sa bitag ng pag-ibig akala ko sya na yung taong nakaabang sa pagbagsak ko at sasaluhin ako but in the end hindi pala.Ang lahat ng yun ay akala lang pala.Bakit ba kasi napakaraming paasa sa mundo? ( hindi naman kasi nila sinabing umasa ka!)
.
.
E basta! Ayoko na talaga! Palagi nalang akong sinasaktan ng mga punyetang lalaking yan!
.
.
Pero paano kung......
(Lagi nalang paano..)
.
.
Paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon muli na naman nahulog ang puso mo..
..
Sabi ng isip ko
..
magmamahal ka na naman tapos masasaktan ka ulit! Tama na!.
.
Sabi naman ng puso ko..
.
.
Pero mahal mo na sya.
.
.
Natatakot akong umamin sa kanya kasi baka paglaruan nya lang din ako.Tingin nyo worth it kaya kung sakaling sabihin ko sa kanya yung nararamdaman ko? o habang maaga pa mas mabuting umiwas na ko? Ayoko na kasing masaktan ulit!
.
.
Naguguluhan na ko ngayon, ano ba ang susundin ko ang sinasabi ng isip ko? O ang sinasabi ng puso ko?Ano ba talaga ang mas nangingibabaw sakin ang pag-ibig na hinahangad ko? O ang takot sa nakaraan ko?
.
.
Yan ang kwento ng buhay ko.Ako nga pala si Allyson Adams isang nerd na babae kung tawagin nila ay manang.Ako lang naman kasi ang nag iisang naka nerdy glasses at naka manang look sa school namin.Nakasanayan ko na kasi at hindi din naman kasi ako pala ayos, kung ano ang nakikita ng tao sakin yun talaga ko.Ang ikinasasama lang naman ng loob ko palagi akong bigo pagdating sa pag-ibig, palagi kasi akong iniiwan.Nang nagsawa na ko masaktan napagdesisyunan ko na hinding hindi na ko magmamahal..
.
.
kaya lang nabasag ang pinangako ko sa sarili ko kasi muli na naman akong nahulog.
..
At paano kung kailan handa na ako muling umibig ay biglang magbalik ang lalaking sobra kong minahal noon? Paano kung sa pagbabalik nya ay kasabay din ang pagbalik ng nararamdaman ko para sa kanya?
..
Ang mas lalo lang nagpagulo ng isip ko ay yung nalaman kong magkapatid pala silang dalawa..
.
Sino ba sa kanilang dalawa si The One?
.
.
Sino ba ang mas matimbang yung minahal ko noon o yung mahal ko ngayon?
..
Taunghayaan ang kwento ng buhay nya!___________________________________________________________
Please do not distribute ,transmit , display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way.Please obtain permission.
------------
Please read the story and I hope you'll like it.Don't forget to vote and comment.Thank you 😉
Sa mga errors, wrong spelling or grammar pasensya na po. 😊😊

BINABASA MO ANG
Tadhana: Ikaw na ba si The One?
Ficção AdolescenteSa maling tao parin ba ko nagmahal o sya na talaga si The One? -Allyson Adams