•Bestfriendzoned•

179 11 0
                                    


Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya pagkapasok ko pa lang sa kwarto ko, humagulgol na ko. Ang sakit! Pangalawang beses ko na silang nakikita na naghahalikan pero bakit ganun, ang sakit pa din. Hindi ba dapat immune na ko kasi  naranasan ko na to. Pinunasan ko na yung luha ko na kanina pa tulo ng tulo. Kinuha ko yung phone ko, tatawagan ko si Bes. Siya kasi yung mas nakakaintindi sakin at handa siyang makinig sa lahat ng sasabihin ko.

*ring* *ring*

"Janver Aeron, speaking."

"Jae-Jae"

"Oh, Ri-ri! Ikaw pala yan! Napatawag ka?"

"Ah, wala. Kamusta bes?"

"Sa tono ng boses mo parang may pinagdadaanan ka ah? Hulaan ko, kay gago yan no?"

"................"

"Silence means yes. Anong ginawa aayo ng gago na yun?! Inaway ka ba? Sinaktan? Binugbog? Pinahirapan? Inalipin? Minolestya? Ano bes, magsalita ka?!"

"OA mo bes, sunduin mo ko ngayon. Labas tayo, pwede ka?"

"Ngayon? Teka, check ko lang schedule ko."

"Eh?"

"Joke lang bes! Alam mo naman na basta ikaw, kahit sobrang busy ko, isisingit pa din kita sa sched ko."

"Kaya mahal kita e. Ha-ha"

"Plastik! Haha. Sana nga yung pagmamahal mo na yan, higit pa sa pakakaibigan e, para everybody happy!"

"Edi wow."

"Edi wow ka dyan! Send mo sakin address ng bahay ng gago na yan, papasunog ko."

"Loko."

"Joke lang, text mo sakin ah? Nakalimutan ko na e."

"Oo na po. Ligo ka ba, bye. Labyu."

"I love you too. Yiee. Kitakits!"

----------

*peep* *peep*

Mabilis pa sa alas kuatro na sinuot ko yung white dress na napili ko, medyo revealing nga lang dahil kita yung likod ko. Hayaan na, wala na kong oras pa magpalit e. Ang aga kasi ni Jae-Jae, masyadong excited. Pinatuyo ko lang yung buhok ko at sinuot yung clip na bigay sakin ni mama tsaka ako nag pulbos at nagapply ng lipgloss sa labi ko. Sinuot ko din yung sandals na binili sakin ni mama. Pinagmasdan ko muna yung sarili ko sa salamin bago ko lumabas. Tadaaaaa! Lalo akong gumanda.

Inlove ako kay Sungit (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon