Chapter 12: DECISION

292 15 50
                                    

"Aware ka naman sigurong buntis ka, Miss, kaya naman magdoble ingat ka kung ayaw mong lumangoy palabas 'yang baby mo." Paalala ng doktora kay Dreams matapos siya nitong suriin. "The baby is okay pero mag-iingat ka pa rin. Kailangan mong umiwas sa stress kung gusto mong maging healthy si Baby." Pagpapatuloy ng doktora na paalala kay Dreams.





Naroon sa gilid si Kaiden, naghihintay sa kung ano ang ibabalita ng kapwa doktor. Kakilala niya ito kaya hindi siya nag-antubili na doon dalhin si Dreams. Samantala, bumangon si Dreams sa pagkakahiga't inayos ang sarili. Nagkatinginan sila ni Kaiden pero hindi niya nagawang ngumiti manlang. Nakaramdam siya ng konting inis dahil sa ginawa nitong pangtutulak sa kanya.







Akma sana siyang aalalayan ni Kaiden pero dinedma niya lang ito. Bumasa siya ng mag-isa roon sa kama. Parang hangin niya na nilagpasan si Kaiden na nakahabang sa kanya upang sana alalayan siya. Napabuntong-hininga ng malalim si Kaiden at napahilot sa kanyang sentido. Ramdam na ramdam niya sa inaakto ni Dreams na nagtatampo ito sa kanya. Wala siyang ibang gustong gawin kundi bumawi rito. Hindi sa ganoong oras siya magmamatigas lalo na't buntis si Dreams at makokonsensya ng malaki kapag may mangyaring masama sa baby sa kanya man ito o hindi.





Kung pababayaan niya si Dreams ay para narin niyang pinatay ang baby.





"Wow! it looks like the gossip that is spreading here at the hospital is true Doc. Kaiden." Dr. Mia responded enthusiastically and her face showed her satisfaction with Kaiden. "Congratulations! You're really going to be a father." She clapped a little then jumped for joy.





"Yes/Maybe." Sabay na sagot nina Kaiden at Dreams kaya naguluhan si Doktora Mia na tumingin sa kanila. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa dalawang kaharap. Animo'y naglaho na parang bula ang mga ngiti ng doktora.





Pinagdilatan ni Dreams si Kaiden sa sinabi nito at ganoon rin ang ginawa ng binata. "Kaiden, sa'yo 'to." Pagpupumilit ni Dreams sa maawtoridad na tinig.





""Tsk! Here we go again." Kaiden whispered irritable but Dreams could hear it. She was about to speak to defend herself but Kaiden stopped her. "Doc, I want to do a paternity test so that we can make sure that the child is really mine. Maybe we can do that as soon as possible for the peace of mind of me and this girl." He looked at Dreams in a grumpy way.


"Sure, no problem, Doc."





Matapos pag-usapan ang date ng paternity test ay nagpaalam na sila. Pero bago iyon ay nakiusap si Kaiden na huwag ipagsabi ni Mia kahit na sino ang nasaksihan niya ng gabing iyon. Mia is his bestfriend kaya pinagkakatiwalaan niya ito ng sobra. Like Oheb, Mia also wants to agree to Dreams' wishes for the good of the child in her womb. Because Kaiden told everything that happened from the beginning when Dreams carved him. Mia gave Kaiden a little reminder especially when talking about the welfare of the child.






"Paano ka uuwi?" Tanong ni Kaiden nang nasa labas na sila ng ospital. Naunang naglakad palabas si Dreams sa kanya habang hinaharang 'yong slingbag na dala sa natagusan nitong suot pang-ibaba.






"Mag-aabang na lang ako ng jeep."





Nakuha niya kaagad ang ibig sabihin ng inaasta ni Dreams. Pinanood niya ang babae na naglalakad na papunta sa waiting shed malapit sa ospital. Papabayaan niya sana ito na magkusang umuwi pero nag-aalala siya sa kalagayan ng bata sa kanyang tyan. Naalala pa naman niyang masakit ang balakang ni Dreams sa pagkakatulak niya kanina. Hindi kakayanin ng konsensya niya kapag napahamak silang dalawa.





"Ihahatid na kita."





Napahinto si Dreams sa paglalakad pero hindi siya nag-abalang lingunin si Kaiden dahil naiinis pa rin siya rito. "Hindi na, kaya ko namang umuwi mag-isa. Tsaka, marami pa namang jeep dyan e, mag-aantay na lang ako."






"Concern lang ako kay baby kaya pumayag ka na."





Sa kalagitnaan ng byahe nila pauwi sa tinitirhan ni Dreams, tahimik lamang ito na nakasandal ang ulo sa headboard ng passenger seat. Nasa labas ng bintana ang kanyang tingin at hindi umiimik mula pa nong pumayag siyang ihatid siya ni Kaiden. Ramdam naman niyang bumabawi si Kaiden sa kanya pero hindi niya magawang matuwa dahil galit pa rin siya sa sagutan nilang dalawa kanina.






"Kahit dyan sa tabi na lang, maglalakad na lang ako papasok." Tinuro ni Dreams ang pwesto na bababaan niya kay Kaiden. Napansin ni Kaiden na nasa squater sila. Dikit-dikit ang mga bahay at naglakad ang mga tao sa paligid na animo'y may pyesta.






"Sigurado ka?"






Tumango ng matipid si Dreams at nang maihinto ni Kaiden ang sasakyan at dali-dali siyang bumaba ng sasakyan nito. Nagsitakbuhan ang ilang kapitbahay niya palapit sa magarang sasakyan ni Kaiden. Sinuway niya ang mga ito dahil nakakahiya kay Kaiden kung magasgasan ang kotse nito. "Hoy! Mas mahal pa 'yan sa buhay niyo kaya huwag niyong galawin.






Naglakad na siya papasok sa eskinita nila at nakasunod lang si Kaiden sa kanya. Hindi niya inaasahan na nakasunod ang lalaki na animo'y interesadong malaman ang estado ng kanyang buhay. Sa daan patungo sa tinitirhan ni Dreams ay naglakat ang mga tambay na nag-iinuman. May kumakanta pa sa videoke't may nagsasayaw na animo'y tinakasan ng katinuan.






"Himala, alam mo pa ang daan pauwi akala ko maglalagi ka na don kakahabol don sa..... Ay! Sorry." Biglang nahiya si April sa pagsasalita nang mapansin ang bisita ni Dreams. Kaagad niyang pinabangon ang nobyong si Pablo na nakahiga sa gilid. Sinenyasan niya itong magdamit dahil nakakahiya kay Kaiden. "Uy! Bakit kasama mo siya? Pumayag na ba?" Bulong na tanong ni April sa kaibigan habang abala itong nagpapalit ng sapin pang-ibaba.





"Ewan ko dyan." Sagot ni Dreams at inabala ang sarili sa pagpapalit. "Kaiden, pasensya na kung nagmumukhang bahay ng daga 'tong bahay namin ah." Nahihiyang segunda ng babae. "Pablo, paabot naman sa kanya 'yong monobloc."





At iniabot naman ito ni Pablo at ibinigay kay Kaiden para doon maupo. Habang nakaupo si Kaiden ay sinuri niya ang kabuuan ng kwarto na tinitirhan nina Dreams. Halong kusina at kwarto na ito, masikip at medyo magulo. Napapakamot pa ito sa kanyang balat dahil kinakagat siya ng lamok. Naririndi rin siya sa ingay ng paligid, mukhang nasa kabilang kwarto lang 'yong naririnig niyang naglalaro ng sugal. Nagpapaypay rin siya gamit ang palad dahil sa init na nararamdaman. Mukhang hindi niya kayang tumira o magtagal sa lugar na ito, paano pa kaya ang bata na nasa sinapupunan ni Dreams.





"Dreams, sakto ang punta ko, narito na 'yong order mong ihaw-ihaw. Ikaw ang VIP customer ko sa lahat dahil dinedeliver ko pa talaga 'yan sa'yo." Mungkahi ng isang baklang tindera na dumungaw sa pintuan. May dala itong plato na kung saan nakalagay ang ilang ihaw-ihaw na inorder ni Dreams kagaya ng isaw, barbeque, paa ng manok, ulo ng manok saka betamax.





"Sakto rin at gutom na ako." Kinuha ni Dreams ang iniabot ng tindera sa kanya. Nagpasalamat ito at umalis na ang tindera. Kumuha siya ng nakastick na ulo ng manok saka betamax saka iniabot kay April 'yong plato para iyon ang ulamin nila. Akma sana niya itong isusubo nang hawakan ni Kaiden ang braso niya upang patigilan siya.





"That's not healthy for baby." Kaiden snorted at the threatening voice and glared slightly at Dreams.





Inalis ni Dreams ang pagkakahawak ni Kaiden sa kanyang braso't pinagtaasan ito ng kilay. "Anong magagawa ko e ito ang gusto ni baby." Kumagat siya sa betamax na hawak niya.





"Tsk!" Kaiden snorted and shook his head slightly before standing up. He looked meaningfully at Dreams then bent slightly to whisper to her. "Get your stuff ready and come with me."






"At bakit naman ako sasama sa'yo?"





Dreams was about to bite the betamax she was holding again when Kaiden quickly grabbed her arm. "The child will not survive here."

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon