Chapter 31

6 0 0
                                    

Overnight

It felt like I couldn’t find a time except for the Saturday bond with Shone. Sobrang sikip ng schedule, halos hindi na ako makahinga.

I can handle my school works prettily but I am annoyed of how packed the schedule is.

“Libot nga tayo sa Saturday,” Sej said as she slams her book at the rock table. Tuluyan niyang isinara iyon at inilagay na sa kaniyang bag. 

Saturday… It was our time to be together…

“Kaya nga. I miss our libots na,” si Anni na nakapangalumbaba na.

“Saan naman tayo?” si Ishi na nilakihan ng mata ang dalawa. 

Pero okay lang naman siguro kung sa isang Sabado ay ang mga kaibigan ko muna ang kasama ko.

“Overnight tayo sa inyo, Ishi.”

“Parang pinapayagan naman kayo.” Mapang-asar niyang saad at saka kami nginisihang lahat.

“Papayagan na ako. College na nga ako oh,” mayabang kong balik kahit na hindi ako sigurado.

Sana naman hindi sabihin ni Papa na may bahay naman kami at hindi ko na kailangang makitulog sa iba dahil kung ganoon ay baka gumawa ako ng sariling powerpoint presentation para payagan nila ako.

“College college. Pag ‘di ka pinayagan ni Tito, iyak ka.”

“Ah talaga ba, Ishi?” sarkastiko kong saad. Talagang iiyak ako kung ‘di ako papayagan.

This will be the first gala without Ian. Kung pwede lang siyang mag teleport na lang, gagawin namin dahil ito rin ang unang pagkakataon namin na mag-overnight.

We video called Ian so she could know what is happening in our lives, para pang-inggit na rin dahil hindi siya kasama.

“Pag ‘di kayo pinayagan, sabihin niyo may research tayong tatapusin,” sabi ko. Talagang niready ko na ang mga possible excuse para payagan ako.

“We don’t advocate lying here,” sabad ni Ian sa akin.

I gave her a peace sign. Grabe ang sinungaling ko talaga minsan. Hindi ko mapigilan dahil gusto ko lang namang payagan sa overnight.

“Sorry na. Nireready ko lang. In case of emergency.”

Mali talagang nagsisinungaling pero sabi nga nila, ang taong gipit sa patalim kumakapit.

“What if movie marathon tayo?” suggest ni Anni.

Talagang p-planuhin muna namin ang lahat kahit na hindi kami sigurado na papayagan. Ganoon kami kalakas.

“Anong movie naman? May alam ka bang magandang k-movie? Maganda sana ‘yung kahanay ng 21st Century Girl para iiyak tayong lahat.” Parang trip ko umiyak kaya kahit na sa movie lang ay magawa ko.

Entangled Series: PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon