Chapter 32

8 0 0
                                    

Retreat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Retreat

“Hindi ka bebe time?”

My forehead formed a knot. Kumuha ako ng barbeque na inihaw namin at isinubo iyon.

“Bebe time? Wala naman akong bebe,” sabi ko habang ngumunguya. Nakataas sa upuan ang paa ko. I hugged it as they poured the soju on the cup.

“Edi bee ef ef time. Hindi ko yata nakikita ah?”

“Paano mo makikkita, e busy? Ako nga rin ‘di ko nakikita.” Deretsahan kong ininom ang shot na punong puno sa shotglass. Kung ganito ang taas ng iinumin namin, mabilis kaming makakaubos.

Nakailang buntong hininga ako habang umiinom. I was reflecting of what I’ve acted these past few days. Hindi naman iyon tama. He didn’t know that I came to see him and I shouldn’t be feeling and acting this way.

I need to say sorry.

Iwinaksi ko ang lahat ng nasa isip sa gabing iyon at nakipag-utuan na lang muna sa mga kaibigan.

Sej, after a few shots was already red. Para siyang kamatis sa sobrang pula.

“Hindi ako makahinga,” sabi niya after niyang magshot.

“Baka highblood ka,” saad ni Ishi, nanlalaki pa ang mata.

Si Anni ay tawa nang tawa, siguro ay tinamaan na ng alak o talagang normal state niya lang iyan. Hindi pa kami nakakarami pero nakakakaba naman na ang nangyayari kay Sej.

“Totoo ba?” tanong ko, hindi makasabay sa tawanan. Kinakabahan ako. Ito ang unang beses naming magharap at hindi pa hard liquors ang iniinom namin pero hindi na ayos sa kaniya.

Dapat nag taste test muna kami kanina para alam namin kung ano ang epekto ng alak sa bawat isa.

“Oo nga,” tumatawa niya ring saad, nahahawa na sa kakabungisngis ni Anni.

Nangunot ang noo ko, she shouldn’t be laughing. Mas mahihirapan siyang huminga.

“Inom ka ng madaming water.” Hindi ko alam ang gagawin. Ang tanging alam ko lang ay ang painumin siya ng maraming tubig para kahit papaano ay matalo non ang alak sa sistema niya.

Kahit na nahihirapan pa rin sa paghinga ay nagpatuloy sila ni Anni ng tawanan. Hindi ko na tuloy alam kung makikisabay ako o magseseryoso dahil baka kung ano na ang mangyari sa kaniya maya maya.

When we went inside to Ishi’s room, I went to the bathroom to brush my teeth. Ganoon din ang ginawa ni Anni at Sej. Si Ishi ay humiga na as soon as she saw her bed. Akala mong malakas kanina pero tutumba rin pala.

Bukas ang bathroom kaya natatanaw namin si Ishi sa labas. Nagulat ako nang nagmamadali siyang pumasok sa bathroom. Akala ko magt-toothbrush lang din. Diretso pa ang lakad niya at bukod sa namumula niyang mukha ay hindi mo aakalaing lasing.

Entangled Series: PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon