Annyeong!! Pasensya ngayon lang nag-upload ng story.. hahahahahaha Writer's Block!! Hahah XD
Sorry medyo sabaw! XD
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
“BIITAAWWAANNN MOO AAKKOO !!!” sinigawan nya ako. Namumugto na yung mga mata nya halatang kanina pa sya umiiyak.
“Daniella..” kalmadong tawag ko sa buong first name nya. “Dang” kasi ang madalas kong tawag sa kanya ehh.
“Pwede ba Gian! Umalis ka na! Wala nang kwenta ang buhay ko! Kaya tama lang na mawala na ako!” Umakyat na naman sya dun sa may.. anung tawag dun. Basta yung harang. Nagbabalak na naman tumalon. Kakababa ko pa lang sa kanya ehh. Ano ba kasing nangyayari sa babaeng ‘to ?!!
“Dang, masama yang gagawin mo! Sa tingin mo ba magiging masaya ka dyan sa gagawin mo?” Hinawakan ko yung braso nya.
“Alam kong hindi.. Pero kapag nawala na ako mababawasan ‘tong sakit na nararamdaman ko.” Tinignan nya ako sa mata. “Gian, masama ba akong tao?! Bakit Niya ako ginaganito?! Kinuha na nya lahat! Pati siya! Kinuha na nya sakin… wala na.. wala nang natitira sa akin…” Nanghina na si Dang kaya napaupo sya.
Oo nga pala. Nandito kami ngayon sa rooftop. Nakita ko kasi sya ditong umiiyak at nagbabalak na tumalon.
“Bakit Dang.. Nandito pa naman –“ hindi ko matuloy yung gusto kong sabihin. Na.. Na nandito pa naman ako para sa kanya.
“Nandito ka pa naman? Yun ba yun Gian? Pero hindi naman kita boyfriend eh. Ni Hindi rin kita kaibigan. Lagi nga tayong nag-aaway eh.” Ouch!
“Edi.. Edi maging magkaibigan tayo..” nagulat ata sya sa sinabi ko kasi nanlaki yung mga mata nya at parang bumalik ulit yung mga luha nya sa mata nya at.. at .. Nagpout sya ??!!
“Kainis ka naman, Gian ehh !” Pinunasan nya yung luha nya tapos hinampas ako. May kinuha syang papel. “Wala yan sa script! Hello?!! Gumagawa ka nang sarili mo? Ang sasabihin mo dapat.. ‘Edi. Edi mahalin mo ako!’ nubayan?!! Panira ng moment!” Tapos umalis na sya. Pero bago yun.
“BEEHHLLAATT XP”
TEKA !! SO.. ACTING LANG YON ?!!! O_O
P@@@@KSSHH****TTT !!!!
“HHOOYY !! DANIELLA!” Hinabol ko sya.
“Just call me, DANG, honey.” Nag-init ata mukha ko dun ahh! Sh*t! Ang bakla >///<
“Psh! Bakit ba lagi mo akong pinagtrtrip-an tuwing nagprpractice ka? Nakakainis !”