Chapter 14

466 19 7
                                    

Belle's POV

Napaatras ako dahil nakahalata yata ang dalawang tao na nag uusap sa gilid na may iba pang tao rito. Kaagad akong nagtago sa isang sulok at tinakpan ko gamit ang dalawang kamay ang aking bibig. Ayokong makagawa ng ingay dahil pag nakita o narinig nila ako ay siguradong papatayin kaagad nila ako. Halos atakihin ako sa puso ng lumampas ang isang lalaki sa gilid ko at laking pasasalamat ko dahil hindi nya ako nahalata. Napapikit na lang ako dahil pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang kaba.

Kung totoong may mga bomba sa paligid, hindi ba't sinabi ng isa na sasabog ito sa loob ng ilang minuto? Ngunit ilan? Kahit naman yata magsisigaw ako sa labas na may bombang sasabog ay wala silang pakialam dahil busy sila sa kani kanilang gawain. Pinagsisisihan ko na lang na hindi ko dinala ang bag ko dahil nandon ang cell phone ko. Pano ko sasabihin kay Vincent -

"AAAAAH!"

Pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa sobrang gulat ng may humatak sa kanang kamay ko palabas ng sulok na pinagtataguan ko. Hinihintay ko na lamang na paputukan ako ng baril o kaya naman ay saksakin ng patalim sa kahit anong bahagi ng aking katawan ngunit wala akong naramdaman. Kahit pakiramdam ko ay mapapaluhod ako sa takot, pinilit ko pa ring buksan ang mata ko at dahan dahang tumalikod.

Halos maiyak ako ng makita ko si Vincent sa likod ko. Marahil sa sobrang pag iisip ay naiyak na lamang ako at mahigpit na yumakap sa kanya. "Shh Belle. What are you doing there? Damn you scared me. Ang tagal tagal mong mag c.r. tapos nandun ka lang pala sa gilid. Why are you crying? Hey!" inangat nya naman ang mukha ko at pinunasan ang aking mga luha ngunit wala rin iyong silbi dahil napapalitan ito ng bago. "What happened? Damn. May nambastos ba sayo? Tell me-"

May narinig kaming sigawan sa malayo kasunod ng isang malakas na putok. Nanlaki ang mga mata ko. "T-totoo nga."

Napatingin sakin si Vincent habang nakakunot ang noo. "What? Anong totoo? Come on Belle. Tell me." Hinawakan ko ng mahigpit ang t shirt nya.

"Kailangan na nating umalis dito Vincent. M-may narinig ako kanina na nag uusap tungkol sa pagpapasabog ng mga bomba sa paligid. Hindi sila nagbibiro kailangan na nating umalis dito." Nagulat naman sya kaya agad kaming tumakbo palabas ng corridor habang magkahawak ng kamay.

"FUCK!" he cussed loudly. Dahil siguro nagkakagulo na rin ang mga tao sa paligid. May nagsisisigaw din kasi na may bomba kaya halos lahat ay naguunahang makalabas sa maliit na pinto sa dulo. Hinapit naman ako palapit ni Vincent sa katawan nya at hinawakan ng mahigpit at sabay kaming nakipagtulakan sa mga tao. Nahihirapan ako dahil bukod sa maliit ako ay natatapakan na rin ako. Natatakot ako sa mga mangyayari. Imbis yata na mapalapit kami sa pinto ay lalo kaming napapalayo dahil iba ibang direksyon ang natatahak ng mga tao dahil sa labis na pagsisiksikan.

Nagsigawan na naman ang lahat ng may sumabog muli at mas malakas na ito kaysa sa una. Marahil ay malapit na ito kaya palakas ng palakas. Dahil sa takot ko ay napatungo ako at di ko namalayan na napabitaw na pala kami ni Vincent sa isa't - isa. Nag panic ang buong sistema ko at sinubukan kong tumayo ng may makadali sa akin sa mukha kaya naman muli akong napaupo. Ramdam ko na ang unti unting pagsakit ng aking katawan dahil nasisipa at naaapakan na ko ng mga tao sa paligid. Ngunit hindi ako papayagan na manatili sa baba kaya naman kahit ilang beses pa akong masiko sa iba't ibang bahagi ng katawan ay sinikap ko pa ring makatayo.

"BELLE!" parang kulog ang pagkakasigaw ni Vincent sa paligid. Bahagya ring napatigil ang mga tao ngunit agad din silang bumalik sa pagkakagulo ng may sumabog pang muli. Inikot ko ang aking paningin ng may makahampas sakin sa ulo. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa lakas non dahil nasundan pa iyon ng ilang pagkakadali. Sinikap ko pa rin na lawakan ang aking paningin at nagkaron ako ng kaunting pag asa ng makita ko ang malaking bulto ni Vincent sa di kalayuan. Sakto ito dahil napatingin sya sakin at dali dali nyang hinawa ang mga tao sa paligid kahit nakakasakit na sya basta makaabot lang sa akin. Sinikap ko rin na itaas ang aking kamay habang nakikipagsapalaran sa mga tao upang madali nya kong maaabot.

When a Gangster Becomes a Real One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon