"Napoleon, may bagong assignment ang grupo mo." Pahayag ni Chief Alvaro kay Captain Allister Napoleon, ang lider ng Special Investigation Task Group. Inilapag ng matanda ang folder na puti sa mesa nito.
"Chief, pwede po bang ibang departamento muna ang humawak sa kasong iyan. Kulang po ako sa tao ngayon dahil sa dami ng hawak naming kaso. Anim na buwan na po kaming straight sa trabaho."
"Hindi pwede. Ang grupo mo lang ang makakagawa niyan."
"Pero, Chief. 24/7 na po kaming nagtatrabaho. Ang iba sa amin, hindi na nakakauwi sa pamilya. Nangako ako sa grupo na bibigyan ko sila ng break ngayong weekend."
Galit na bumaling si Chief Alvaro kay Allister.
"Are you disobeying my order, Captain Napoleon? This is your responsibility. Maximize your people to finish their job early as possible. Hindi makapaghihintay ang trabahong 'yan."
"Chief, alam ko po ang responsibilidad ko bilang pulis. Ang sa akin lang, bigyan n'yo rin po kami ng oras para makapagpahinga. Hindi naman po malaking bagay ang hinihingi ko."
Malakas na hinampas ni Chief Alvaro ang mesa. Bahagya namang umatras si Allister. Ayaw man niyang galitin ang opisyal ngunit ayaw din niyang mawalan ng tao dahil sa sobrang pagtatrabaho.
"Walang puwang ang reklamo sa aking departamento, Napoleon. Panindigan n'yo ang pinasok n'yong trabaho. Kung walang tao na gagawa niyan, ilagay mo sa field ang nasa opisina mo. Wala na tayong pag-uusapan pa. You're dismissed!"
Walang nagawa si Allister. Kinuha niya ang folder na naglalaman ng panibagong assignment. Sumaludo muna siya sa opisyal bago lumabas sa opisina nito.
Pagbalik ni Allister sa sariling opisina, binagsak niya sa mesa ang folder. Pabagsak din siyang umupo at hinilot ang kanyang sentido.
Chief, Alvaro left him with no choice. Bilang nakakataas sa kanya, kayang-kaya nitong tanggalin ang sinuman sa posisyon kasama siya. Ito rin ang naglagay sa kanya roon kaya wala siyang pagpipilian kundi gawin ang trabahong iyon.
Naramdaman ni Allister ang paglapit ni Cristonette sa kanyang mesa kaya tumingin siya rito. Si Cristonette ang laging naiiwan sa opisina kapag may operasyon ang grupo. Karaniwan nitong trabaho ay gumawa ng reports, tumanggap ng tawag at magsilbing lookout gamit ang security system nila. Hindi niya ito sinasama sa mga operasyon dahil babae ito. Tipikal na babae na mas mahalaga ang ayos ng buhok, magandang kasuotan at kulay ng kuko kaysa maghabol ng kriminal. Kagaya ngayon, alam niyang may sasabihin ito pero mas nakatuon ang atensyon nito sa kuko. Parang iyon ang pinakamahalagang bagay sa buhay nito. Maayos naman magtrabaho si Cristonette kaya hindi niya ito tinatanggal sa grupo niya. Ayaw lang niya sa sobra nitong pag-aayos at maarteng pagsasalita.
"Captain, I received a call from Jerome. Mission accomplished na ang trabaho niya. Kung pwede raw umuwi muna siya ngayon sa bahay nila. Birthday daw kasi ng bunso niya. Pumayag naman ako kasi deserve ng bata na makasama ang Tatay niya sa mahalagang araw sa kanyang buhay. Kung may violent reaction ka sa ginawa ko, punish me na lang. I'll accept it wholeheartedly," sambit nito habang pinagmamasdan ang kuko.
Bumaling ang tingin ni Cristonette sa kanya nang hindi nito narinig ang sagot niya.
"Captain, is there something wrong with me?"
"Nothing."
"Then, what's with your look? You're making my knees tremble with your hotness again. Please stop acting hot in my eyes, Captain. Don't make me fall if you can't catch me." Matamis itong ngumiti na hindi niya pinansin. Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang pagiging bukas nito sa damdamin para sa kanya. Hindi rin niya alam kung totoo iyon o trip lang nito na asarin siya. Ang naaalala niya lang ay nasanay na siya sa mga madamdamin nitong pananalita. Minsan, nagiging tampulan na rin sila ng tukso sa opisina dahil sa mga sinasabi nito.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomRead full Story every chapter. 1.) Pestering her Boss 2.) In Love with your Photograph 3.) My First Love Gift 4.) Billionaire's Substitute Bride 5.) CEO's Lady Bodyguard 6.) My Annoying Assistant 7.) My Gay Housemate 8.) The Runaway Bride meets Badb...