"Yes, Babe! Malapit na ako. Naipit lang sa traffic. Please don't be mad," malambing na sabi ni Dalton sa modelong kasintahan na si Abby.
"Bakit ba kasi na-late ka? Alam mo namang importante ang rehearsal ko ngayon. Dapat hindi ka na lang nangako kung hindi mo rin tutuparin," nagtatampong sagot ni Abby.
"I'm so sorry, Babe. It's Lola Ria's 40th day in heaven. I stayed in the cemetery early this morning. You know how I missed her,"
"Lagi na lang tayong ganito, Dalton. Three years in a relationship with you is not easy. Noong nabubuhay pa ang Lola mo kahati ko na siya sa atensyon mo. Ngayong wala na siya, kahati ko pa rin siya. Kailan ko ba mararanasan na ako naman ang priority mo?"
"Babe--"
"It's fine. Umuwi ka na lang, Dalton. Sasabay na lang ako kay Harry. Tutal, lagi naman siyang andiyan kapag wala ka."
"No! Huwag kang sasabay sa lalaking 'yan. Baka kung saan ka niya dalhin. Hintayin mo ako. Ako ang maghahatid sa'yo sa studio," mahigpit na tutol ni Dalton.
"Later na lang tayo mag-usap. Bye!"
Nahampas ni Dalton ang manibela nang patayin ni Abby ang tawag niya. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan nang maka-alis siya sa traffic. Naabutan pa niya ang pagsakay ni Abby sa kotse ni Harry. Sunod-sunod siyang bumusina para kunin ang atensyon ni Abby pero, nagpatuloy pa rin ito sa pagsakay. Bumaba si Dalton sa kanyang sasakyan para habulin si Abby ngunit umandar na ang kotse.
"D'mmit!" inis na reklamo ni Dalton. Kinuha niya ang phone. Tinawagan niya si Abby pero hindi nito sinasagot.
Bumalik si Dalton sa kanyang kotse pero napaatras siya nang makita ang papalapit na motorsiklo. Mabilis ang takbo niyon. Tinutumbok ang direksyon niya. May hawak na tubo ang lalaki sa hulihan ng driver. Nakahanda para hatawin siya.
Natigilan sa kinatatayuan si Dalton. Inaasahan na niya ang sakit na lalapat sa kanyang katawan ngunit nakaiwas siya nang may humila sa kanya. Natumba siya sa semento kasunod nang pagtaob ng motorsiklo sa kung saan.
"Aguy! Ang likod ko," daing ng isang tinig sa likuran ni Dalton.
Nagmamadaling tumayo si Dalton nang makita ang matanda. Kaawa-awa ang lagay nito habang nakadapa sa semento.
"Lola, ayos ka lang ba?" Inalalayan ni Dalton ang matanda. Kinuha niya ang tungkod at ibinigay rito.
"Ikaw na bata ka! Sa tingin mo ba'y magiging ayos ang matandang tulad ko na mabuwal sa semento? Sus, ginoo patawarin ka. A-aray ko. Nabalian yata ako ng buto. "
"Pasensya na po Lola. Hindi ko po sinasadya na masagi ka. Nagulat lang po ako sa motorsiklo. Dadalhin na lang po kita sa ospital,"
"Hindi na. Magagastusan ka lang. Malapit na rin akong mawala sa mundo. Hindi na hahaba ang buhay ko kung pupunta pa ako sa hospital." Mahinang naglakad palayo ang matanda kay Dalton. Tumingin naman si Dalton sa mga lalaking nagtangkang saktan siya kanina. Hawak na ito ng mga tauhan ng kanilang pamilya.
He's Dalton Villareal, one of the young Billionaires in the world. Simula nang mamatay ang kanyang Lola Ria, napunta lahat ang kayamanan nito sa kanya. Simula rin nang araw na 'yon, kaliwa't kanan din ang nagtatangka sa buhay niya. Maraming tauhan ang kanyang pamilya. Nagmamasid lang ang mga ito sa paligid para bantayan siya. Ayaw niya ng laging may bumubuntot kaya malayo ang distansya ng mga tauhan sa kanya. Nagtataka lang siya kung sino ang humila sa kanya gayong wala namang tauhan na malapit sa pwesto niya.
Sinundan ni Dalton ang matanda. Kahit imposible, iniisip niyang ito ang sumagip sa kanya.
"Lola!"
"Ay, tinola!" gulat nitong sabi. Bumaling ito sa kanya at hinataw siya ng tungkod. "Ikaw na bata ka, papatayin ko ba ako sa gulat?"
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomRead full Story every chapter. 1.) Pestering her Boss 2.) In Love with your Photograph 3.) My First Love Gift 4.) Billionaire's Substitute Bride 5.) CEO's Lady Bodyguard 6.) My Annoying Assistant 7.) My Gay Housemate 8.) The Runaway Bride meets Badb...