Nakaramdam ka na ba nang Takot?
Ako, OO!!
Ung tipong gabi-gabi parang may nakamasid sayo?
Na wari bang gustong Humingi ng Tulong sayo?
Na sobrang ma babaliw ka!
Ako nga pala si Shaira Cruz,24 taong gulang,isang college student.
Patay na mga magulang ko,kaya simula noon,natuto na akong tumayo sa sarili kong paa.
Eto pala ako ngayon sa Canteen ng Eskwelahan na pinapasukan ko.Di ba nga sabi ko wala na akong magulang,kaya nag makaawa ako sa Namamahala sa Canteen na maghuhugas ako ng mga pinggan tuwing Recess o Lunch.Buti naman at pumayag sya,pantulong narin sa pag-aaral ko.
''O,Shaira kaw na bahala jan sa mga hugasin dyan aah! Uwi na ako.'' Sabi ng babaeng namamahala sa Canteen.
''Sige po.'' - ako
''Umuwi ka na pagkatapos mo jan huh?'' - ma'am
''Opo.Ingat po kayo sa pag-uwe.'' Ani ko.
Hinugasan ko na ang mga pinggan na pinagkainan lang naman ng mga maaarteng estudyante dito.
''Pssssstttt''
''Sino yan?''
''Pssssttt''
''Ano ba? Sino ka ba? Wag ka nga magloko.''
Binilisan ko na lamang ang paghuhugas ko dahil sa takot ko dahil marami ding kwento kwento na talagang may something dito.Ano ba yan! Wag naman ngayon.
''Hay salamat at tapos na.Makakauwi na din.''
Nang biglang .......
''Huhuhuhuhuhuhuhu''
May umiiyak na bata.Jusko tulungan nyo ko.
''Huhuhuhuhuhuhuhu''
Nag init ang buong katawan ko.
Mula Paa hanggang ulo.
Agad kong kinuha un mga gamit ko
At tumakbo na ako.
Andito na ako sa bahay,kasama ko ang Pinsan ko.
Sinabi ko sa kanya ang nangyari sakin.
Ang sabi nya magdasal nalang daw ako.
Nagising ako ng mga bandang alas dos.
''Oh,bakit bukas ang ilaw? Sayang ang kuryente.'' Sabi ko sa sarili ko
Umihi muna ako atsaka pinatay ang ilaw.
Maya-maya...
''Huhuhuhuhu tulungan mo ako''
Tinakpan ko nalang ang mukha ko nang unan para kunwaring ako'y tulog na pero...
Umiyak na naman at nag-init ang buo kong katawan.
Takot na takot na ako,ginawa kong gisingin ang pinsan ko pero ayaw nyang magising.Nag dasal nalang ako.
Pero maya-maya, may humigit sakin ginawa kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sakin. Gusto kong himingi ng tulong,pero wala..Wala!
Pagkamulat ng mata ko,nakita ko ang isang bata,duguan at na ka Girl Scout.
Pinikit ko ulit ang aking mga mata.
At pag kamulat ko,
Ang mukha nya ay nasa mukha ko na ..
Habang ang bibig nya ay may natulong dugo na nalalaglag sa
Aking leeg.
''Papatayin kita.''
''Wag po,maawa po kayo.''
''Oy gising!'' Ginigising ako ng isang babae
''Sino ka?'' Tanong ko
''Ano ka ba? Pinsan mo to,ano bang nangyayari sayo?''
Pinsan ko daw sya pero wala akong maalala basta ang alam ko,may katabi akong bata at bulong ng bulong sa aking mga tainga nawaring may sinasabing patayin ko daw ang mga lahat ng babaeng nag aaral sa aming eskwelahan.
The End..
--------------
Sorry panget ng story ko ! Alam ko nd ka natakot pero salamat at sa pagbabasa.Haha walang thrill.
Vote.Comment
Wag naman sanang negative comment !
BINABASA MO ANG
creepy girL scout girL in my house and in the canteen
HorrorDid you ever feel scared ? Napapaisip ka ba minsan kung bukas ang ... THIRD EYE MO?