Hundred things I'll miss about Highschool. :">

98 2 4
                                    

2 WEEKS. Dalawang linggo nalang at matatapos na ang buhay ko bilang highschool student.

I need step out of my comfort zone and start facing reality.

Kailangan na maging mas matured, kailangan na maging independent, magising ng maaga ng walang nagsasabing, "Anak gising na, malelate ka na." Kailangan matuto na magbudget, matutong maglinis ng bahay, matutong bumili ng damit na walang pinagtatanungan ng, "Ma, bagay ba?" Kailangan nang maligo ng mabilis at masanay na wala nang kumakatok na parang masisira na yung pinto ng banyo habang sumisigaw ng, "ATEEeeeEE!!!! BILISAAAaaaAAAN MOOOOooooOOOOO!!!!" Kailangan masanay na hindi inuuwian yung bahay niyo kasi mahigit 200 miles na ang layo nito sayo. Kailangan matuto kang lumapit sa mga tao, kasi sa college, hindi sila ang lalapit sayo. Kailangan matuto kang gumawa ng requirements mag-isa. Andaming kailangan, nakakabanas. Nakakaiyak.

Pero ano nga ba ang pinakamamimiss ko sa pagiging highschool at ang inakamaaalala ko tungkol sa nagsilbing pangalawang bahay ko for the ast 4 years? (No Specific Arrangement)

1. Mga bangag kong kaklaseng wagas maka-PDA, (Public Dislay of Abnormality).

2. Mga tunay na kaibigan kong kahit na nagmumurahan na, tawanan parin.

3. Mga teacher kong wagas makapagpagawa ng requirements.

4. Doxologies, prelaud, tableus, etc. tuwing may program.

5. Reports, Drawing interpretation, copy quiz sa Social Studies. Extemporaneous speaking pa. na kailangan 5 minutes para maka-100.

6. Yung friday devotion ng mga 4th year students para sa plus points sa exam sa Social.

7. Yung morning assembly at national anthem jamming sa assembly area.

8. Yung barag na microphone sa stage kaya walang maintindihan na announcement.

9. Yung Angelus tuwing 12:00 NN, 3:00 prayer at Memorare pag 5pm.

10. Classroom namin na BH1, 101, 201 at 302 na madalas sinasabihan ng dugyot ng mga teachers.

11. Mga teachers na kwela at masaya kasama.

12. Mga teachers na sinisingit ang sermon in between lectures.

13. Mga teachers na kwento ng buhay nalang nila ang itinuro.

14. Yung canteeners sa canteen.

15. Yung pagkain sa canteen.

16. Yung baklush kong seatmate ngayong 4th year (Peace tayo, girl!)

17. Yung arm chair ko na puro butas kaya pag exam, puro butas din test paper ko.

18. Yung famous line tuwing may announcement na, "I demand complete silence."

19. Mga first friday masses.

20. Yung chapel naming kasinlaki ng simbahan.

21. Yung mga guard na daig pa ang prefect of discipline kung makapanita.

22. Yung pagkuha ng late slip sa P.O.D. office.

23. Yung taas palang ng kilay ni Ma'am English e alam na. >:-)

24. Yung pagpapalit ng P.E. uniform sa classroom na mismo kasi nakakatamad pumunta ng cr.

25. Yung Jurassic books sa library.

26. Yung mga computer sa comp lab 1 & 2 na punong puno ng virus. :D

27. Mga sira-ulo kong kaklase na walang magawa sa buhay.

28. Yung mga crush ko na tinitilian ko tuwing makakasalubong ko.

29. Paghingi ng one whole, 1/2 crosswise o lengthwise, 1/4 at 1/8 sa mga kaklase mo.

Hundred things I'll miss about Highschool. :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon