"Now you're answering my question with another question." Napahawak si Regina sa ulo. Masakit ang ulo n'ya. Lasing s'ya pero nasa tama pa s'yang pag-iisip.
"Tama lang naman na ako ang unang magtanong n'yan, 'di ba? You are the one who's married."
Ikinumpas n'ya ang kamay sa ere. "Enough, Narda. I'm dizzy. Just take me home, okay?"
Ipinikit na n'ya ang mata n'ya at sinubukang matulog sa byahe. Ni hindi na rin ito umimik pa at hinayaan nalang s'ya.
"Rej? Gising ka na. Andito na tayo." Nagising s'ya ng yugyugin s'ya nito ng makarating na sila sa hotel.
"Um... Thank you. Bye, Narda. Thank you for bringing me home." Kaagad n'yang kinalas ang seatbelt at akmang lalabas ng kotse nito ng hawakan s'ya nito sa braso.
"I'm sorry about what I said earlier. Sobrang naging unfair ako sa'yo. I went off the limit. Alam kong hindi madaling gawin sa'yo ang pinapagawa ko. I was asking for too much. Sorry."
Napabuntong-hininga si Regina. Ang unfair rin n'ya dito. Nagtatago pa s'ya sa likod ni Noah para iboost ang natitirang pride para sa sarili. Ayaw n'yang magmukhang kaawa-awa sa paningin nito kapag nalaman nitong sa kanilang dalawa, s'ya pala itong hindi pa nakakamove-on at hindi nakahanap ng iba. Ayaw naman n'yang maging dahilan ito para makonsyensya si Narda at iwan nalang bigla si Elle kapag nalaman nitong hindi naman s'ya talaga nagpakasal kay Noah.
"No. Ako ang dapat magsorry. I asked you first. Ako ang naging unfair. Dapat nakontento na lang ako sa pagiging secret lovers natin."
Dumukwang s'ya at hinalikan si Narda sa pisngi. "Goodnight, love. I'll see you tomorrow. Just needing some time alone tonight. Sana maintindihan mo."
Hindi na n'ya hinintay na sumagot pa ito. Lumabas na kaagad s'ya sa kotse at pumasok na sa hotel ng hindi na ito nililingon.
"Damn, Regina! Bakit ba hindi mo s'ya magawang unahin kaysa sa ego mo?" Paninisi pa n'ya sa sarili habang nakasakay sa elevator.
"Hay!" Napasandal na lang s'ya sa elevator at hinintay itong bumukas. "I miss her but I lose the chance of being with her tonight dahil sa mga drama ko. Ang tanga ko talaga!"
Nalungkot s'ya bigla at nakaramdam ng sobrang kahungkagan habang naglalakad papunta sa kwarto n'ya.
"Huh? Am I still drunk? Bakit parang may tao sa room ko? Isa kaya sa mga staffs ng Bratty na nagdadala ng dresses para sa akin?" Tanong n'ya sa sarili habang binubuksan ang pinto.
She readied her bag at kung sakaling masamang tao ang nasa loob ipupukpok n'ya na lamang ito dito.
"Mabuti naman at nandito ka na." Halos mapatalon s'ya sa gulat ng marinig ang boses na 'yon. "I waited for almost 7 hours now, pero hindi ka pa nakakauwi dito."
"Sino ba nagbigay ng pahintulot sa'yo na umakyat dito sa room ko? You should have waited sa lounge. That's the 'proper' place for visitors." Sagot n'ya dito ng makabawi mula sa pagkagulat.
"I'm your dad, Regina! You know me, kahit saan makakapasok ako."
"Alam ko. Makakapasok ka nga kahit saan mo gusto. Makakapanggulo ka pa, lalong-lalo na sa buhay ko, hindi ba?"
"Damn it, Regina! Hanggang ngayon ba ganyan ka pa rin kung makitungo sa akin? I just did the right thing na ipakasal ka kay Noah."
"I'm a bit drunk, dad. Pwede ba sa ibang araw nalang tayo mag-usap? I need to rest." Akmang tatalikuran n'ya ito ng hawakan s'ya nito sa braso.
"No! Hindi ka matutulog hangga't hindi tayo nakakapag-usap!" Singhal nito sa kanya.
"It's past midnight. Why don't you go home and take a rest, yourself? Nakakaistorbo ka na sa lakas ng boses mo, dad."
BINABASA MO ANG
BEHIND the SCENES (DarLentina version)
Fiksi PenggemarMy first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella