Chapter 55: The real culprit

180 9 2
                                    

"Hi! Pwede ka bang maistorbo saglit?"

Napatigil sa pagdrawing si Julia para tingnan kung sino ang nakatayo sa harap ng table n'ya.

"Boss Narda." Napatayo s'ya bigla para harapin ito. "M-may kailangan ka ba?"

Kinuha nito ang drawing n'ya at saglit na binistahan ng tingin bago ibinaba ulit sa table n'ya. "That's pretty good. I like it."

"Thank you po." 'Yon lang ang nasabi n'ya. Iniisip n'ya kung ano ba ang kailangan nito at bakit naisipan s'ya nitong puntahan sa cubicle n’ya.

"But what I don't like is that you were stabbing us from the back!"

Sinamaan s'ya nito ng tingin kaya napaatras s'ya saglit.

"B-boss, I didn't do anything."

"I know you were spying on me, Julia. I saw the cctv footages. For sure marami pang pagkakataon na nangyari 'yon."

Napalunok s'ya lalo na at nakikita n'ya ang sobrang inis at galit sa mukha ni Narda.

"May tanong ako, Julia."

"A-ano 'yon?"

"Aren't you happy with your own life? Masakit ba masyado sa mata na nakikita mong masaya ang kapwa mo? Bakit mo nga ba ginagawa 'to? Dahil ba bitter ka kasi hindi masaya ang lovelife mo? It's a choice you make for yourself, Julia."

"Wala akong alam sa sinasabi mo, boss. Masaya ako sa buhay ko ngayon."

"Kung masaya ka nga talaga, you should be happy for others too. Hindi 'yong naninira ka ng relasyon. Ano'ng makukuha mo after? Ipagpalagay na natin na Regina and I really parted ways because of your threats, sasaya ka ba ng tuluyan? Is that what self-fulfillment is about for you?"

She collected her drawings and put it inside her portfolio.

"As i've said wala akong alam sa mga sinasabi mo, boss. Nagtatrabaho ako ng maayos for my own future. 'Yon lang talaga ang ginagawa ko."

"You know why i'm here, Julia? Pwede naman akong manahimik nalang at pasundan ka rin kagaya ng ginagawa mo sa amin. Find something na ikakasira mo at ng pangalan mo so I can threathen you like what you're doing to us pero alam mo ba kung bakit hindi ko ginawa at hindi ko gagawin? Coz I believe na magbabago ka pa. Not that I want you to do it for you to spare us, but for your own good. Sana ayusin mo na ang buhay mo. Kung si Brian lang din naman ang dahilan ng lahat ng ito, try to find someone better. I'm sure mas marami pang lalaki d'yan ang deserving sa love mo. Don't lose yourself to someone that's not worth of all your sacrifices. Sayang lang. Sayang ka, Julia. You have the talent and the beauty. Magbago ka na. Gawin mo 'yan para sa sarili mo."

Mas pinili n'yang manahimik lang at hindi na sumagot pa.

"This will be my last warning, Julia. Kapag hindi ka pa tumigil sa panggugulo kay Regina at sa akin, pasensyahan nalang tayo. Ipapakulong talaga kita. Huwag mong sirain ang pangalan at buhay mo dahil lang sa lalaki. It's not worth it."

Basta nalang ito umalis sa harap n'ya at walang lingon-likod na naglakad palayo.

Napaupo na lang s'ya sa swivel chair habang nakakuyom ang mga kamao. Her words hit her. Bakit nga ba n'ya ginagawa 'to? Bitter nga ba s’ya? Para kanino nga ba itong paghihiganti n’ya?

"Brian..."

_____________

“Brian?” Tawag n’ya mula sa labas ng pinto ng kwarto nito. She’s hoping na nasa bahay ito para makapag-usap sila.

Napaisip s’ya sa mga sinabi ni Narda kahapon at narealize na mali na nga talaga ang mga pinaggagawa n’ya. Bigla s’yang nakaramdam ng awa sa dalawa at pagkadismaya naman sa sarili n’ya. Nilalamon s’ya ng konsyensya n’ya hanggang sa pagtulog n’ya kaya naisipan n’yang gawin ito. Balak n’yang kausapin muna si Brian bago n’ya puntahan sina Regina at Narda para humingi ng tawad. Kakausapin muna n’ya si Brian para magpaalam at makahingi ng tawad sa mga panggugulo n’ya sa buhay nito bago s’ya tuluyang lumayo.

BEHIND the SCENES (DarLentina version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon