Chapter 2

138 6 0
                                    


Two.

The art of saying no is not included in my vocabulary. Ang hirap kayang tumanggi. You might get them feel bad. Takot na takot talaga akong makarinig ng opinion ng iba sa akin. Takot na takot akong masabihan ng masasama.

Ang hirap sabihin ng salitang 'ayaw ko'. I hate being misunderstood. Lagi kong naiisip ang puwede nilang masabi sa akin. Lagi kong naiisip ang puwede nilang maramdaman kapag tumanggi ako. I have been misunderstood perhaps more than anyone else ever... and I hate that feeling.

During the last day of foundation week, everyone got excited. Nakapagpahinga rin ako noong araw na 'yon dahil wala na kami masiyadong ginagawa. Ang facilitator na ay ang mga naka-assign sa bawat strands at ibang junior high. Each of the sections has their own booth and the teachers are their supervisor.

So I was just killing my time in our room. Gustuhin ko mang libutin ang school, masiyado namang tirik na tirik ang araw sa labas. Magha-half day lang ako ngayon dahil marami akong dapat gawin sa bahay. I still need to think about the expenses and the money that I need for next week.

Nasira ang katahimikang aking natatamo nang bigla na lamang akong nakarinig ng mga hiyawan sa labas. I got curious so I quickly went out of the room. Nagkalat ang mga estudyante sa hallway at naroon ang karamihan sa aking mga kaklase.

"Speaking of the secretary!"

My forehead creased when I noticed their stares at me. Nakapalibot ang mga tao at may isang lalaki sa gitna, may dalang heart shaped box at bouquet of flowers.

"Gago, beh. 'Yong crush mo, si Godric, nandito!"

"Ano? Saan? Saan?"

"May dalang bulaklak! Agoi! Sino kayang bibigyan niyan? May girlfriend na pala siya?"

"Wala! Single si Godric!"

The group of girls beside me are gossiping about him. Napagtanto kong si Godric nga 'yong pinalilibutan ng mga tao. Akala ko naman kung ano na. Papasok na sana muli ako sa room ngunit natigil ako nang biglang may tumawag ng aking pangalan.

"Paris..."

Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. I was confused when I looked at Godric, the one who called my name.

"May meeting ba raw?" I asked him.

He's also an officer of the student government. I know him since he's the top one of the whole STEM. Kaming dalawa lang ang naghahabulan ng average kahit noong Grade 11... Sadly, he can't outclass me.

Umiling siya sa akin. Mas lalong kumunot ang aking noo dahil wala naman palang meeting. Ano pa ang tinatawag-tawag niya sa akin? Naiinis na ako dahil ang sikip-sikip at ang init-init. I just want to have silence and peace.

"I'm sorry if this will make you uncomfortable but I can't find a right time and my friends here are pushing me to do this..." he said while staring at me.

Nagtaas ako ng kilay. Oh, anong ganap ko rito?

"I have feelings for you, Paris... matagal na," he started walking towards me. "And I can't hide it anymore..."

Napangiwi ako.

Ano'ng sabi niya?

"Hindi na nakatiis si Godric, Paris, nang marinig niya ang kanta mo!"

Sobrang lakas ng naging hiyawan ng lahat ng mga nakakita ng kaniyang ginawa. Napansin ko ang mga tingin ng iilang babae sa akin. Their gazes are making me feel bad about myself. My heart beats rapidly and because of that, mixed emotions started to enveloped my system. Naiinis ako dahil para saan 'to, at nako-conscious din ako dahil sa tinging iginagawad nila sa akin. Mas gusto kong iwasan ang ganitong klaseng pangyayari.

Ocean of Fears (Panacea Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon