ᴄʜ 𝟷𝟼

30 22 0
                                    

Araw ng Sabado, alas sais ng umaga nagising si Irina since nasa tabi niya ang kanyang selpon habang nararamdaman pa niya ang bigat sa kanyang buong katawan. Ang braso't-hita ni Ivan ay nakapatong sa kanyang katawan habang balot si Irina ng kumot, maliban kay Ivan na walang kumot sa katawan. Dahan-dahang hinarap ng dalaga si Ivan saka hinalikan sa baba nito pero hindi nagising.

"Bangon na bansot, tanghali na eh," mahinang boses na maktol ni Irina.

Wala siyang nakuhang responde kaya sinigurado niyang nahinga ito at tinatapik ang pisngi ni Ivan pero kahit unggot nito'y wala siyang narinig. Dahil kahit masarap ang tulog ng isang tao dapat uungot ito kapag naiistorbo. Nang idinikit ni Irina ang kanyang ulo sa dibdib ni Ivan nasagap ng kanyang ilong ang amoy na gusto niya, at tumingin kay Ivan na nakapikit pa.

"Naman ihh! Bakit parang bagong lagay ka lang ha? At naglagay ka talaga ha?" iritang tanong na ni Irina.

"Ivan!" hiyaw na ni Irina.

Namulat na si Ivan saka, "Ang aga mong magising at uminit ang ulo ha?"

"Eh, kasi naman bakit naglagay ka ha?"

Ngumisi si Ivan, "Ano bang mayroon sa cologne? Ayaw mo ang amoy o ayaw mong malulong sa amoy?" tanong nito na ikinayuko lang ng dalaga.

"Irina," tawag ni Ivan sa kanya pero hindi na sumagot si Irina kaya bumangon na siya pero pumaibabaw siya kay Irina.

Inalis niya ang kumot na ibinalot niya rito pero hinihigit ng dalaga pabalik.

"Hoy teka, ano'ng gagawin mo?"

"Kapag hindi mo sinagot ang tanong ko, alam mo na mangyayari sa iyo."

"Teka, ah! Iyong ayakong malulong sa amoy. Grabe ang banta mo aba!" tugon ni Irina na tumigil si Ivan at umalis sa kanyang ibabaw na nakangisi siya nang umalis.

"Kakatakot ba?" tanong ni Ivan.

"Medyo, oo, malamang lalaki ka ano'ng kaya ko kahit bodybuilder ako iba pa rin ang lakas pisikal ng lalaki sa babae." Paliwanag ni Irina.

"Halika na at magluto na muna tayo." Yakag niya kay Irina.

"Tapatan lang ang kusina eh!" Maktol ni Irina.

"Gusto ng chef katabi ka, halika rito." Utos nito na bumangon na rin si Irina saka binuksan ang refrigerator.

"Wow! Ang yaman ng bansot!" hiyaw ni Irina habang nakangiti.

"Parang first time mong--"

"Laging laman ng ref. namin ay pangbentang frozen goods! Wala kaming mga ganito, naks! Yaman mo Dre," saad ng dalaga na nagutla si Ivan sa sinabi ng dalaga.

"Para kang tropa ko kung magsalita ah,"

"Ah? May iba ka pa bang tropa maliban kina Bernie?"

"Oo, mga taga-Lumban kong tropa noon," tugon ni Ivan.

Kinuha ni Irina ang yakult at inalog niya muna bago buksan. Ini-abot niya kay Ivan ang binuksang yakult.

"Para sa mga pamangkin ko iyan," wika ni Ivan.

"Kahit matanda need din nito. Hindi lang ito pangbata noh!" Maktol ni Irina.

"Sige mamaya," saad ni Ivan pero nakatapat pa rin sa kanya ang yakult na binuksan ni Irina.

Napatingin siya sa gawi ni Irina na naluluha na ang mga mata, "Pambihira ka," saad niya saka ininom ang yakult na inabot sa kanya ng dalaga.

Inintay talaga ni Irina na maubos ni Ivan ang buong yakult saka itinapon sa basurahan ang bote habang ang dalaga'y nakatingin lang sa ginagawa ni Ivan ay napansin niya ang buong mukha ng kaklase hanggang sa katawan nito. Naitago niya ang kanyang labi habang nakatitig kay Ivan na ang niluluto niya'y itlog, sa tagal lang nilang hindi nagkita'y hindi niya aakalain na magiging ganito ang pangangatawan ng kaklase.

Naupo muna si Irina sa sofa habang nakatingin sa salamin ng kanyang sarili. Napansin ni Irina na walang radyo o kahit ano'ng puwedeng tumugtog na bagay saka siya napatingin kay Ivan na katatapos lang magluto saka kinuha ang tinapay na slice bread mula sa ref, na doon ay inilagay sa toast ang tinapay na napangiti si Irina.

"Next time papakainin kita ng tamang breakfast," saad niya.

"Parang sinabi mong hindi tama ang akin ah!" tingin ni Ivan sa kanya.

"Well, iyong itlog mo lang ang okay na fresh."

"Itlog ko?"

"Iyong niluto Ivan, kainis ka!" kunot-noo na sabi ni Irina.

Napangiti si Ivan, "Oo na iyong itlog na niluto ko."

"Kailan mo ako papakainin ng tamang breakfast ha?" tanong ni Ivan na nagpalaman na ng itlog.

"Puwede tayong mamili ngayon if, gusto mo. Puwede naman bukas na lang since may umagahan na tayo."

"Gusto ko sana," tigil ni Ivan, "Sinigang kakamiss lang ang luto ng Nanay," wika niya.

"Saang luto?"

"Anong saang luto? Mayroon pa ba iyon?" tanong ni Ivan.

"Sa isda, bayabas, gabi o orihinal na sampaloc,"

"Hindi ko pamilyar ang sa gabi,"

"Gusto mo?" ngiting tanong ng dalaga.

"Bakit nakangiti ka?"

"Favorite ko eh, malamang!" tugon niya na tumango na lang si Ivan.

"Sige iyong favorite mo at matikman ko rin," wika niya.

"Tara bihis ka na at samahan mo akong mamili." Yakag niya.

"Ayakong lumabas kaya mag-order na lang tayo."

"Tamad mo aba," wika ni Irina na naka-upo sa kama.

[larawan ng kusina ni ivan ng condo]

Kinuha ni Ivan ang selpon niya at tumabi sa kanya si Irina para makapamili sila ng grocery online, nakikipindot si Irina sa mga kailangan na nakikita niya habang inii-scroll ni Ivan ang kanyang selpon.

"Sure ka bang need natin iyong tvp?" tanong ni Ivan.

"Sa ibang putahe iyon kaya orderin mo na rin,"

"Ano ba iyon?" kunot-noo na tanong ng binatilyo.

"Suprise na lang," ngiting tugon ni Irina na nakapatong na ang kanyang ulo sa kanang braso ni Ivan.

Hinahayaan na lang ni Ivan na si Irina ang mamili ng oorderin nila habang ina-amoy na niya ang tuktok ng ulo ng dalaga habang abala pang mamili. Nang tumingin si Irina'y nagtama ang parehang mukha nila ni Ivan.

"Na-uh, napalapit na pala ang mukha ko saiyo," ngiting sabi ni Irina saka inihiga na ang ulo sa unan.

"Wala akong problema,"

"Kasi type mo," saad ni Irina at kinuha na lang ang selpon ni Ivan.

"At ayaw mo?" tanong pabalik ni Ivan na itinuon niya ang kanyang kanang siko sa kama.

"Hindi naman kaso sa iba pupunta ang ganoon," sabi ni Irina saka niya iniharap ang selpon ni Ivan sa kanya, "Orderin ko na ba?" tanong niya rito.

"Oo,"

"Eh, nasa limang daan agad sure ka?" tanong pa ng dalaga.

"Orderin mo na at baka mamayang gabi iyan dumating," wika ni Ivan at doon inorder na ni Irina.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄ƷɪxɢʜƸ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon