Marriage Booth-1

145 13 1
                                    


Hello po Sis Xyrene (@xyreneruthpascual), ito na po yung story, sorry po kung masyado kong matagal na napublished.. Nawala po kasi yung notebook na sinulatan ko nito. Sana po magustuhan niyo.

***************

Gumising ako ngayon ng maaga dahil excited ako ngayong araw. You know why?

Kasi Valentines Day at may program sa school. First time ko kasing maka-attend nang Valentines Day's Program sa school.

Nakipagdaldalan na ako sa inyo, eh di pa ako nagpapakilala. Hi everyone, I'm Xyreneruth Pascual. Xyrene for short. 13 years old. Grade 7 student from Haggai Christian Academy.

Masaya raw diyan sa sa school tuwing Valentines Day. Meron daw Marriage Booth, Love Arrest, Blind Date, at marami pang iba. Sabi ng bestfriend kong si Jey, girl po siya. Pinalista niya raw kami ni Darren sa Marriage Booth, kaya pagkatapos ng Kasal, magiging Espanto na ang apelyido ko. 'Xyreneruth P. Espanto', ganda no?


Chinichika ko na sa inyo si Darren, eh hindi niyo pa pala siya kilala. Darren Lyndon G. Espanto is my super crush sa school. Kasi chinito siya, matalino, magaling kumanta, gwapo, huh!! basta! nasa kaniya na ang lahat. Ako nalang yung kulang. XD

Nang pagkagising ko, ginawa ko kaagad ang pang-araw araw kong ritwal.

*ligo

*Suot ng uniform

*suklay ng buhok

*inayos ang mga gamit

*toothbrush

*kain

*kiss kay Mama

*Alis

Nagtaxi lang ako dahil mas maaga umalis si Papa kaysa sakin. Nang pagpasok ko sa campus, nakita ko agad si Jey, nag-aayos ng mga bulaklak sa Marriage Booth. Tumutulong rin sa pag-aayos si Darren. D-A-R-R-R-R-E-E-N?!?!?!?! Oh my ghad! napakagwapo niya ngayon, naka-taas yung buhok niya. Nagtatawanan pa sila ni Sis Jey. Tinuturuan pa siya ni Sis kung paano mag-arrange ng mga bulaklak habang hinahawakan ni Darren ang mga kamay niya na ngumingiti. Hindi kaya sila na? Ang sakit naman!

"Hi Sis! Goodmorning!" sabi ni Jey sa akin. Agad naman siyang tumakbo at nagbiso-biso. Ang lambing talaga ng bestfriend ko.

"Hi Sis! Saya niyo diyan ah!" sagot ko.

"Halika! Tulungan mo kami doon!" at hinila niya ako papuntang Marriage Booth. Sana hindi ako hihimatayin pagnagkatinginan lang kami ni Darren.

Nang nasa Marriage Booth na kami, agad naman hinila ni Darren ang kamay ni Sis at sinuotan niya ang daliri ni Jey ng

ng

ng

ng

ng

SINGSING?!

Agad naman niya niyakap si Darren. #Aray..

Baka sila na nga. Baka pinalista kami ni Sis sa Marriage Booth para sumaya ako kung makikita ko sila ni Darren. Gusto kong umiyak. #AngSakit.

"Hoy! Kayong dalawa! Tama na muna ang kasweetan niyong yan! Wala pang decoration ang nasa taas ng Booth!" sabi ni Kuya Jett.

" Kuya, si Xyrene po mas magaling pa sa akin magdecorate. Siya lang po ang magdedesign tapos ako lang po ang kukuha ng iba pang decoration kay Ate Cai." sabi ni Sis "Sis, ikaw nalang ang magdesign nang natira diyan hah" sabi sa akin ni Sis Jey at tumango nalang ako.

" Uy! Sama ako sa--"naudlot na sabi ni Darren.

"Darren Lyndon, huwag na! Alalayan mo dito Xyrene. Kapag iyan nahulog, lagot ka sa akin! Tatadtarin kita ng pino! Naiintindihan mo?"pagbabanta sa kaniya ni Jey.

Sis, hwag naman. Maawa ka sa akin, may pinagsamahan tayo diba? Sana naiintindihan mo ako.. Mahal na mahal ko siya. Lord, please naman oh. Sana hindi ako mahulog. Baka kasi mapatay nang bestfriend ko ang taong mahal ko.

#OA!

"Yes Madam!" sagot ni Darren at o_o ,,, inakbayan niya ako!

"Iingatan ko siya, aalalayan ko siya, at gagawin ko ang lahat, huwag lang siya masaktan." dagdag pa niya. Aww.. Ang sweet niya. Si Darren ba'to?

"Para di mo lang ako mapatay!" ah,, so ganun?!

Umalis na si Sis at kami nalang ng Fiance ko ang naiwan. Ang awkward nga eh. Walang may nagsasalita. Kahit isa lang sa amin. Pero di nakatiis si Darren, tinigil niya ang World Peace at nagsalita siya.

"Xyrene, bigay mo na yan sa akin ang bag mo." sabi niya.

"No Darren. It's okay. Kaya ko nato. Ang gaan lang naman nito." sagot ko

(AN: Sis, sana ito ang sagot mo: Huwag na Hon, Okay lang ako. Nagpapractice lang ako sa mga ito para masanay na ako pag magsama na tayo. Haha)

Huwag naman Sis,. Mamaya pa ang kasal namin. Nahihiya ako dahil Fiance palang ako. Haha.! Now proceed!!

Pinipilit niya parin ako na kunin ang bag ko. Huh!! Ang kulit niya!!

"Xyrene!! Bigay mo na yan sa akin! Paano kung mahulog ka diyan?! Ang hirap mo saluhin kung may bag ka!" sabi niya sa akin. Ay?! Galit lang??! Parang lalabas na siya sa katawan niya.

"Ah ganon! Winiwish mo pala na sana mahulog ako at kung mahuhulog ako, sasaluhin mo! Alam ko na yan eh! Para maka 1point ka! At saka pa! Nakakahiya pa kung ipapadala ko sayo ang bag ko!" sagot ko na para bang may kaaway.

Di nga ako makapaniwala na nasabi ko yun. Ang kapal naman ng mukha ko. Sinabi ko yun mismo sa CRUSH KO? Hindi ako makapaniwala!

"Xy,, totoo.. Baka nga mahulog ka diyan? Hirap mo saluhin kung may bag ka. Naninigurado lang po ako." paliwanag niya. Ow, concerned pala siya. Touched naman ako.

"Alam ko na Darren.!! Ikaw nalang ang umakyat at magdesign tas ako ang sasalo sayo kung mahuhulog ka. At hindi ka na mahirap saluhin dahil wala kang bag. Am I right?" sagot ko sa kaniya na parang matatawa na.

"Xyrene naman! Pilosopa ka pa! Last nalang to ha! Kung ayaw mo pang ibigay yang bag mo,, HAHALIKAN KITA!!" gawin niya!!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Mamaya sa kasal. Di pa ng tapos eh!!

******

Hello guys . Ayos po ba?? Mamaya nalang po ako mag-uupdate. Mag-uupdate rin po kasi ako sa isa kong story. Sana nagustuhan niyo po ito lalo na po yung isa.

Thanks a lot

-IamJeyEspanto

Marriage Booth (Darren Espanto Fanfic) -Short Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon