Chrisen
Akma na akong kakain ng hawakan ni Porcia ang baba ko at ibaling nito ang mukha ko sa kanya. Napatingin tuloy ako sa maganda nitong mukhang hindi nakakasawang titigan. Ito ang tipo ng babaeng mamahalin ng tunay kahit hindi nito kayang suklian ang pagmamahal mo.
"May dumi ba ako sa mukha?" Hindi ko maiwasang tanungin ng kumuha ito ng wet wipes.
Nagsalubong ang maayos na kilay nito habang nakatitig sa akin at pinunasan ang kaliwang pisngi ko.
"That little uncircumcised boy put a virus in here when he kissed you!"
Napanganga ako. Tama ba ang dinig kong sinabi nitong supot si Cael? Paano nangyari iyon e natuli nga ito noong elementary pa lang kami. Natatandaan ko ng hindi namin ito makalaro ni Cindy dahil sinabi ni Tita Xyline na natuli nga ito.
"What? I know Cael, he's cir-"
"Shut the ef up Chrisen."
Ng matapos nitong punasan ang pisngi ko ay saka ito umupo sa tapat ko para kumain. Imbes na simulan kong kumain ay natulala na lang ako sa kagandahan nito. She look so young, so elegant, and so lovely. She's just so perfect in my eyes.
Pero nalungkot ako ng maalalang hindi pala ito sa akin at hindi pwedeng maging kami o magkaroon ng kami.
"I don't want to eat. Nawalan na ako ng gana." Mahina kong tinulak papalayo sa akin ang pagkain matapos kong bitawan ang kutsara at tinidor.
Kung seryoso akong makalimutan ang nararamdaman ko para dito. Kailangan kong lumayo. I can risk anything for her pero si Porcia iyong kapag nagdesisyon ay huli na talaga iyon.
That means there's no chance for us.
"Eat Chrisen."
Tinitigan ko ito ng deretso habang nakatingin rin ito sa akin ng matiim.
"Why are you doing this Porcia? I thought-"
"It's ninang Porcia for you."
"It doesn't matter. We kissed old woman."
"I told you not to disrespect me brat!"
"I made myself clear to you that I don't ever want to be with you but here you are trying to feed me. I don't get you Porcia."
"Don't start with me kid." Malamig ang boses nito.
"Then end up with me old woman. Ayaw kong binibigyan ako ng halo halong paramdam."
"You're just assuming Chrisen."
"Oh. am I?" Pinagkrus ko ang aking mga braso sa aking harapan. "You know I love you right?"
"Fuck sake Chrisen, ayaw kong pag-usapan."
"Why? Natatakot ka Porcia?"
Nakikita ko sa mukha nitong malapit ng mawalan ng pasensya o nawalan na nga dahil sa pamumula nito. She's not mad, she's calm yet deadly.
"I am not afraid-"
"But you know how much I love you right?" Putol ko sa sasabihin nito.
"You know it's forbidden for you to love me. I am your mom's best friend and your godmother-"
"Ok shush Mommy." Itinaas ko pa ang isa kong kamay para pigilan ito sa pagsasalita. "You know it's forbidden for you to kiss me because I am your goddaughter and your best friend's only daughter, but why did you still responded to my kisses before?"
"I am not answering that so shut up and let's just eat."
"Well, I need to know." Pamimilit ko rito.
"It was a mistake."
"Oh ok." Tumayo ako. "Then loving you is my biggest mistake. Huge mistake!"
Nakita kong may dumaan na emosyon sa mga mata nito pero saglit lang.
"I hate you." I blurted. Hindi ko mapigilan dahil nasasaktan ako. How can she not know the reason kung bakit ako nito hinalikan?
Akma na akong aalis ng pigilan ako nito sa kamay. Sinubokan kong bawiin ang kamay ko pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa akin.
"I don't want you to hate me just because I can't return your feelings, Chrisen. You know how much I love you as my goddaughter and I want it to stay that way."
Lumingon ako rito. Sa loob loob ko ay parang pinipiga ang puso ko pero hindi ko hahayaang makita ako nitong iiyak sa harapan nito. Hindi ako ipinanganak na mahina.
"If you want to stay that way then be it. Huwag mo na lang akong kakausapin pa kahit kailan. I've told you before: stay away from me. Stay out of my life, Porcia."
"Stop acting you brat! You're not even born yet when I am meant to be in your life already."
"Not anymore so let go of me before I will hate you more."
Pinilit kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak nito pero masyadong mahigpit. Sumunod na lang na namalayan ko ay nakadikit na ang mga labi nito sa akin. Naestatwa ako at parang nablangko ang isipan ko.
Sa pagkakataong ito ay ito na mismo ang humalik sa akin.
I can't return your feelings Chrisen..
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng umalingawngaw iyon sa isipan ko. Marahan ko itong naitulak sa akin palayo.
"Stop making fun of me Porcia. Stop playing your games on me! Hahalikan mo ako ng walang rason? Make up your mind old woman! I don't have time to play with you!"
"I don't like it when you're saying you hate me!"
"Pero ayaw mo rin kapag sinasabi kong mahal kita."
Napabuntong hininga ito.
"I don't know. Just stop arguing and eat with me dahil nagugutom na ako."
"You can enjoy your food without me. If you want pwede kong tawagan ang daddy mong walang mammeh."
"My dad is not here and I still have my mom."
Napairap ako. Putik, ang talino nito pero hindi nakuha ang ibig kong sabihin.
"Your daddy Aiken."
"You brat! He's not my dad."
"Ok. I'm leaving Porcia." Tuloyan ko ng nabawi ang kamay ko.
"Why don't we eat first then later on we talk about matters."
"What matters are you talking about? Everything doesn't matter to you Porcia."
"It's ninang Porcia."
Itinaas ko ang mga kamay ko sa ere. "You just kissed me awhile ago. I'm so done here."
Mabilis akong umalis sa opisina nito at nakasalubong ko pa si Aiken na mukhang hinahanap talaga si Porcia. Isa rin itong may katangahan. Literal talagang hahanapin nito si Porcia sa loob ng campus? Magsama sila.
"I can't find her." Wika nito ng makita ako.
"Tinangay na ng kapre ang mammeh mo."
"Ha?"
Napairap ako rito.
Parehas kayong scammer.