I

43 5 0
                                    

Ang hirap mag mahal lalo na pag alam naman nyang nandyan ka pero mas ginusto pa rin nya siya.

Lagi kang naka antabay sa kanya pero iba ang gusto nya.

Tuwing nasasaktan siya sa babaeng yon, saka lang sya lalapit sayo.

SWEET sya kungbaga . Pero hangang kailan? Saglit lang pag nagka ayos sila.

Hindi ako makapag reklamo kahit na FIANCÉ ko pa sya , kasi simula't sapul hindi na nya ako gusto.

Ginusto ko ito , sinabihan ko ang daddy ko na gusto kong sa kanya makasal. Pumayag naman agad ang Daddy nya dahil lugi na din ang kompanya nila.

Pero , ilang taon na nga ba kaming engage? 2 years na ! Hindi matuloy tuloy ang kasal dahil lagi syang nagmamaka awa.

Nasasaktan ako , hindi lang dahil ayaw nya sakin , dahil nasasaktan din sya.

Nahuli ko na minsan yung babae nya na nakikipag flirt sa iba sa loob ng elevator.

Sinabi ko sa kanya yon pero mukhang ako pa ang napasama. Hindi ko kayang magbulagbulagan kahit kelan lalo na't kung masasaktan sya.

Ginagawa ko to dahil alam kong matutulungan ko siya . Kaso tuwing may gagawin ako , iba ang impresyon nya. Na ginagawa ko yon para matuloy na agad ang kasal.

Kaya napagdesisyunan ko nang wag ng ituloy itong kasalan. Kinausap ko na si Daddy at ang Daddy nya . Pumayag naman sila dahil kahit papaano ayos na ang kompanya nila.

Nag iwan na lang ako ng note sa kwarto namin

Dear Charles,

   Sana maging masaya ka na . Alam kong nasasakal kita kasi hindi mo siya mapakilala sa lahat. Sana ingatan ka niya at wag kang papabayaan. Mahalin ka sana nya ng higit sa pagmamahal ko sayo. Malaya ka na . Sana lumipad ka hangang saan mo gusto kaso wag kang lalayo . Hindi porket itinigil ko na ito , hindi na kita mahal. Mahal kita , mahal na mahal higit pa sa inaakala mo . Kaya nga narealize ko na , baka nga hindi talaga ako ang happiness mo . And I will set you free .

                                                  -Phimie

Pagkalagay ko ng sulat agad ko ng kinuha ang bagahe ko at umalis na. Sobrang bigat pa din ng puso ko kahit na naiyak ko na lahat kagabi .

Hindi lang naman luha ang nagpapabigat ng nararamdaman ko kundi yung puso kong dati ng durog na nadurog pa ulit.

Ipinadala ko sa driver ko yung mga bagahe ko dahil didiretso muna ako sa bar. Kaylangan kong uminom kung hindi lalo akong mababaliw sa sakit ng nararamdaman ko .

Habang umiinom ako may isang lalaking lumapit sa akin. Hindi ko siya kilala pero halata sa itsura nya na isa syang gangster.

"Miss tara makipag sayaw ka sakin " sabi nya sa akin at hinila nya ang kamay ko.

"A-ayoko . A-ayokong magsayaw kaya bitiwan mo ko " dahil kahit papano ay nakaramdam na ako ng kaba kaya nautal ako.

"Miss , ako ang hari dito sa bar na ito kaya lahat ng babaeng nandito akin ! " sabi nya at kinaladkad nya na ako sa dancefloor.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pala nagbigti o kaya naglaslas na lang ako.

Bukod sa wala na nga sakin ang taong mahal ko , natatakot pa ako dito sa mukhang gangster na ito .

Hinawakan nya ang mukha ko at hahalikan na nya sana ako ng may biglang nanuntok sa kanya.

Sa mga sandaling yon napayakap ako agad sa taong nanuntok sa kanya. Pero laking gulat ko na sya pala yon

"Phimie , ayos ka lang? May ginawa ba sya sayo? " tanong nya sa akin ng puno ng pag aalala.

"Ayos lang ako , Charles " habang nakatingin sa akin si Charles dahil nakatalikod ang pwesto nya sa lalaki ay bigla itong bumunot ng baril at papaputukan sana si Charles kaya lang , sinalo ko.

"PHIMIE! Wait ! Tatawag ako ng ambulansya " sabi nya kaso pinigilan ko sya.

Ang gwapo nya talaga , yung maganda nyang kumikislap na mata biglang may tumulong luha. Lalo tuloy akong nasasaktan . Yung matangos nyang ilong namumula na ngayon. At yung mapupula nyang labing hindi ko kaylan man naranasan madampian.

"C-charles , mahal na mahal kita " sabi ko habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa mata nya.

"Phimie , kaylangan mong lumaban. Bakit kung kailan nahanap ko na sa puso ko yung mga kasagutan. Tama ka hindi nga talaga ako mahal ni Sandra . Kaya nga sana lumaban ka ... kasi ikaw pala'y mahal ko " sabi nya sa akin.

Kaso hindi ko na kaya . Halos tumagos na sa puso ko yung bala . Pero para ding agad itong naghilom dahil sa mga sinabi nya. Sa wakas. Binalingan nya na din ang pagmamahal ko. Kaso huli na sya.

"M-mahal na mahal kita Charles " hindi ko na talaga kaya . Kaya napapikit na ako.

END

A/N: Napaginipan ko lang yan . Sana wag basta kopyahin. Or what. Magpaalam ha o kaya lagyan ng credits kasi original story ko to. Yun lang thank you. Read , Vote and Comment.

Sana Kasi Nilingon Mo AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon