SOPHIE'S POVSakay kami ngayon dito sa van ng school. Papunta na kami sa Xiavery Academy dahil doon gaganapin ang battle of the bands.
"Ayos na ba ang lahat? Kumpleto na kayo?" Tanong ni Sir Mendoza sa amin, ang siyang tumatayong ama ng banda.
"Yes Sir!" Sabay sabay namin sagot. Katabi ko si Erin at Eros. Sa likod naman namin ay sina Vince, Zia at Nathan. Si Sir Mendoza naman ay sa unahan uupo. Nakaready na ang lahat. At excited na kami! This is it! Yeah!
Pinaandar na ni Manong driver ang van. "Susunod daw doon sa Xiavery ang buong Junior Star Section kasama si Mrs. Perez at ang Student Council para sumuporta sa inyo." Masayang balita sa amin ni Sir Mendoza. Buti na lang! Akala ko walang magchecheer sa amin eh! Hahahaha.
"Ayos!" Sagot naman ni Vince.
"Guys nagdala ako ng payong kung sakaling umulan mamaya. Alam nyo na, kakanta si Eros." Pagbibiro si Nathan na nasa likod namin. Hahaha. Adik talaga to. Palagi ng pinagtripan si Eros. Maganda naman ang boses niya e.
Agad naman siyang pinanlisikan ng mata ni Eros kaya naman lahat kami ay napatawa sa reaksyon niya.
"Ulul! Baka nga mamaya ma LSS ka pa e." Lahat kami tawanan dito. Hahaha. Mga loko loko talaga!
"Hoy Eros. Siguraduhin mo lang na hindi ka magiging kahiya hiya dun ha! Boses mo ipapalit sa akin kaya umayos ka! Ha? Kung hindi babalatan kita ng buhay!" Pagbabanta ni Erin sa pinsan niya. Grabe naman to masyadong brutal. Hahaha. Sabagay, si Erin yan e. Ano pa bang aasahan mo sa Amazonang conyo? Haha.
Masaya ako na nagiging okay na si Erin. Hindi na siya matamlay tulad noon. Patuloy lang siya sa pag inom ng niresetang gamot sa kanya.
"Aba Erin baka nakakalimutan mong magpinsan tayo? Nananalaytay sa dugo ng Martinez ang ginintuang boses!" Pagmamayabang naman ni Eros! Edi wow! Hahaha. Ang saya saya dito sa van. Tawa lang kami ng tawa pati si manong driver at si Sir Mendoza hindi mapigilang hindi tumawa e.
Napangiwi na lang si Erin at inirapan niya pa si Eros.
"Uy Erin. Diba sa Xiavery nag aaral si Tristan? Yieeeee! Magkikita kayo no? Ikaw ha! Lumalandi ka na naman e!" Pang aasar ko kay Erin kaya agad naman siyang umiwas ng tingin na para bang nahihiya na ewan. Kita ko naman ang pamumula ng pisngi niya! Yieee. Tatanggi pa e halata namang kinikilig ang bruha!
"Wag kang maingay Sophie! Nakakahiya!"
"Baboy bakit ba tumatawa?" Tanong ni Eros sa akin ng mapansin niyang nagpipigil ako ng tawa.
"Wala wala. May naalala lang akong nakakatawa. Hahaha!"
After 10 minutes nakarating na kami sa Xiavery Academy. Yung ibang mga participants nakikita ko na din na nagsisidatingan na. Samantalang yung iba naman ay nagreregister na.
Kinuha na namin ang mga gamit namin at nagregister na doon sa may entrance.
Pagkatapos ay dumiretso na kami sa covered court ng Xiavery. Mayroong naghatid sa amin doon. Ang laki laki kasi dito e.
Napansin ko naman na palinga linga si Erin sa paligid. Hmmmn. Mukhang may hinahanap siya ah.
"Huy Erintot! Hinahanap mo si Tristan no? Yieee." Pang aasar ko sa kanya. Sinundot sundot ko pa ang tagiliran niya. Hahaha. May kiliti pa naman siya doon.
"Wag ka nga Sophia Coreen Madrigal! Manahimik ka na lang diyan!" At bumalik na uli siya sa paglinga sa paligid. Hahahha. Gotchaaa!
Pagkadating namin doon, pinabunot na ang leader ng number kung pang ilang kami magpeperform. Si Vince na ang pinapunta namin tutal siya naman ang tumatayong leader namin e. Madami din palang kasali dito sa battle. Walo kaming lahat na maglalaban laban. Nakakakaba na! Shete!! Bro kayo na po ang bahala sa amin!
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Teen FictionNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.