Kiss

31 2 0
                                    

Chapter 9

"THANK YOU, Mr. Zander. You can now sit!"

The teacher applauded me for answering her questions. I need to make a positive impression on teachers lalo na't unang araw ko ngayon sa klase.

And good thing ay hindi naman ako gano'n ka makakalimutin sa lessons dati.

Hindi rin katalihuan but not also poor in academics. Just average.

At matapos kong sumagot ay sinamaan naman ako ng tingin ni Margaux na may kasamang pag-irap. I can really sense that she hates my existence.

I hope I can find a way to fix it since I don't want someone to hold a grudge against me.

Natapos ang klase at umalis na ako sa room since hindi ko nakakayanan ang presensya ni Margaux na parang mangangain na ng buhay.

I walked along the hallway, and an unexpected moment happened. I bumped into someone... a familiar figure.

"Steel?"

"Pan-Pan?"

Walang pasabing bigla na lang kaming nagyakapan dalawa at tinapik ang aming mga balikat. This is unexpected.

"Dito ka pala nag-aaral? Good to see you!" pagsalita ko matapos ang aming yakapan.

"Ako rin. Akala ko kasi sa public school ka nag-aaral. Pupunta ka na ng work?"

Tumango naman ako, "Yes. Sabay na tayo."

"Ah, s-sige na nga." As he answered, I was quite confused since hindi siya gano'n kasigurado sa kanyang sagot.

"Bakit? May problema ba?"

"B-Baka kasi makita natin 'yong pinagkakautangan ko."

"Edi, tago ka sa akin. 'Tsaka libre ko ang pamasahe sa trabaho. And if ever makita ka niya, ako babayad sa utang mo."

"Naku! Huwag na. Nakakahiya naman."

"Okay lang naman sa akin. Kahit ilang buwan pa bago mo mabayaran. Magkano ba utang mo?"

He shyly scratched his nape and said, "Ah, mga higit sa dalawang libo na."

I smiled at him and said, "Okay. I can pay. Sabihin mo lang sa akin kung nandiyan na siya."

"Grabe, ang bait mo talaga, Steel! Hindi pa nga tayo close, pero pinapautang mo na ako."

"Ano ka ba? Tulungan ang kailangan tulungan..."

Hindi ko namalayan na nasa labas na pala kami ng university kakalakad. At nag-aantay na lang ng masasakyang tricyle.

Mabilis kong nakagaanan ng loob si Pan-Pan dahil na rin siguro sa basa ko na ang ugali niya. No awkward moments, kahit may mga times na tumatahimik kaming dalawa.

When we were both waiting for a vehicle, tatlong malalaking lalaki ang papalapit sa amin. Nakakatakot ang mga hitsura nito na parang nangangain ng tao.

Then I remember the night when a guy was beaten to death by three big guys. Hindi rin kaya sila 'to? O same vibes lang?

"Pan-Pan!" sigaw nito para magulantang ang lahat ng mga tao sa paligid namin. Kaya naman pala takot si Pan-Pan sa mga pinagkakautangan niya. Malaki pala at mukhang papatay na sa tingin pa lang.

"Radon," he whispered. Radon? Table element number 50 with the elemental symbol Rn. "S-Steel, p'wede b-bang t-tumakbo na tayo..." kinakabahang sambit ni Pan-Pan at kita ko pa ang ilang beses nitong paglunok ng kanyang sarilig laway.

"Magbabayad---"

Isang malakas na suntok ang naging dahilan para matigil sa ere ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng malakas na pagkatumba sa aking gilid.

Four Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon