chapter 18

17 8 0
                                    

.
Elly pov:

Siya nga....

Nandito siya...

Nanubig ang mata ko sa di malaman na dahilan. Nakita ko pa ang pag ngiti ni calix at naglakad na sila papunta sa pwesto namin.

Nang makalapit ay agad kong dinamba nnag yakap si amelia. I miss her so much.

" Let go of me" ani niya ngunit hindi ko ginawa. Pansin ko din na kasama niya pala si Gio. Pagkatapos nang ilang minuto ay kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

" B-bat ngayon ka lang? M-miss kita ah" ani  ko at agad naman itong sumimangot.

" Well, hindi kita na miss" ani niya. Imbes na masaktan ay mas natuwa ako. Hindi parin siya nagbabago, she's not Amelia if she's not a bitch.

" Maiwan ko muna kayo elly. Aasikasuhin ko pa ang booth namin ni ulan" agad kong tinanguan si calix at umalis na din ito pagkatapos magpaalam kina amelia at micz.

" Kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya na agad namang natuon ang attention niya sa akin. Busy siya sa pagtitig kay Gio...amp inlab na siya.

" Ayos naman, maganda pa din"

Nagkwentuhan lang kami ni amelia nang kung anong bagay gaya nang mga nangyare sa kanya. Ipinakitan ko din sa kanya ang sulat na natanggap ko kanina.

Nang sumapit ang lunch ay sinabi ni Dean na isarado muna ang nga booth upang makapag-lunch na kaya agad naman namin itong sinunod.

Ang hinayaang bukas na booth lang ay yung mga may kainan para sa kung sino man ang may gusto kumain sa booth na yun ay maari silang bumili at upang dagdag kita na din.

Sabay-sabay kaming taga gamus kumain.

Budol-fight  ang handaan. Kaming taga gamus ay nasa ibang mesa kase special daw ani zera.

" Mamshie yung balattt nang letson oh hinawakan ni zera" rinig kong sigaw ni yves. Agad namang namula si zera.

" Wala ah... Inggit kalang sa kagwapuhan ko na to bakla ka!" Sigaw pabalik ni zera ay agad na umupo sa upuan na katabi ni shie kaya huli na nang natikman niya ang malutong na batok ni shie.

" Deserve mo yan. Feeler ka kasing patay-gutom ka" ani sarai.

Sila calix at thea ang nag aayos nang pagkain. Pagkatapos nang ilang minuto ay tinawag na kami at agad naman kaming lumapit katabi ko sa kanan si Sarai habang sa kaliwan naman ay si Amelia na katabi si Gio.

" Hoyyyy yung tintin nang letson akin yan bebe zera"-yves

" Sayo na tong balat oh gayuma ko, crispy yan gaya nang pagmamahal ko masarap"-shie

" Teh elly gusto ko nung balat sa may hita" ani sarai kaya agad akong kumuha ngunit huli ma dahil nauna nang kumuha si jenilyn.

" Uhh iba nalang sarai" ani ko at tumango naman siya.

Masaya kaming kumain. Natigil ako nang makita kong nagsusubuan si amber at thea ganun din. Isama na ang mga mag-jowang lily at jake, micz at Christine. Kung hindi ko kaya sila makilala ay matatamasa ko kaya ang ganitong klase na saya?

Tiningnan ko sila isa-isa, masaya ako. Kahit minsan nasasaktan ako but still I can't deny the fact na sila lang ang nakakapagparamdam sa akin nang ganito. I feel special. Sana ganito nalang lage. Walang away, tampuhan at gulo.

Kung balang araw na aalis man ako ay hindi ako manghihinayang na babalik. Aalis man ako nang ilang beses ngunit babalik at babalik ako sa pamilyang toh.

"A penny of your thoughts elly"

Nabalik ako sa sarili nang sinabi iyon ni amelia sa akin at napansin ko na nakatingin na pala sila sa akin. Kahiyaaaaaa...

" Ate anong iniisip mo?" Tanong ni sarai.

" Bakla iniiisip mo kung panu ako gawing lalaki noh?" Sabi naman ni yves na agad kinurot ni shie sa tagiliran nito.

" Nandadamay ka eh" ani shie.

" Uh wala hihi ayos lang ako" ani ko at nakombense naman sila. Agad naming iniligpit ang pinagkainan at bumalik sa kanya-kanya naming booth.

Nang hapon na at agad na kaming pinauwi ni Dean nest moon dahil panahon na daw para sa mga love ones.

Nandito kami sa mansion. As in kaming lahat na taga gamus.

"Papppppsssss hanggangg ngayon ba nilalaro mo pa si granny?" Rinig kong tanong ni yves pero hindi siya sinagot ni calix kasw kausap niya si raine.

" Hi elly! Happy valentines day" bati sa akin ni lily. Sa unting panahon ko sa gamus section nakilala ko din siya. Mabait maman si lily, she's a sweet girlfriend ayon kay jake.

" Happy valentines day din lily" bati ko sa kanya pabalik. Agad siyang tinawag ni jake kaya agad naman siyang lumapit dito.

" Diyan ka na! Kahit kailan ka talaga!" Rinig kong sigaw nang kakalabas lang na si Christine galing kusina.

Agad naagaw nang mag-jowa ang attention nang lahat. Pati sina raine, amelia, gio, shie at calix na seryosong nag uusap ay napatingin din sa kanila.

" Oy sorry na mahal"

Ani micz habang hinahabol si Christine nag mabilis ang hakbang palabas nang mansion.

" Sorry guys i think kailangan ko pang manuyo" ani micz habang may nagmamakawang mukha.

" Ayos lang yan pre, ako nga kakatapos lang manuyo eh" ani naman ni jake na agad nakatanggap nang kurot mula kay lily.

" Ah ganun?" Ani lily.

" Sorry naman asawa ko...alam mo naman na mahal na mahal kita" at niyakap nito si lily sa likod.

Pagkatapos ay umalis na si micz. Biglang bumalik ang temperatura sa loob. Bumalik na sila sa kanya-kanya nilang ginagawa.

Pagsapit nang dilim ay nagulat ako nang bigla akong hinila ni amelia.

" S-saan mo ko dadalhin?" Ani ko sa kanya ngunit agad din itong tumigil.

" Owhhh medyo may nagbago pala" ani niya habang nililibot ang mata sa paligid. Agad kaming naupo bench.

" Oo, matagal-tagal ka din nawala. Kamusta ka na? Ayaw mo na ba mag stay dito?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

" Hindi, hindi na ako mag s-stay dito elly. Saka maayos na ang buhay ko. Being with the man I love, I am already find my life,home and my soul." Ramdam ko yung saya nang pagkakasabi niya. She's so damn inlove.

Hindi ko namalayan ang oras hanggang sa nakauwi na pala sila.

1011 words
Thank you for reading dear.

La Familia De Gamus ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon