Chapter 11

236 3 0
                                    

Period



Pagkatapos nang pagkain namin ay unang bumalik silang dalawa sa field bago ako, pinaiwan ako ni Sir Augustus dahil meron daw siyang ipapadala sa aking mga gamit. Hindi ko naman alam kung ano 'yon. Napaigtad na lang ako nang marinig ko si Sir Augustus na nasa naglalaptop pero ang sama naman ng tingin sa screen.

Ano kayang problema ng lalaking 'to, bakit palaging naiinis siya sa lahat ng bagay?

"Sir Augustus," tawag ko. Tumingin siya sa akin at lumingon bago lumunok. Hindi ko alam kung bakit lumilingon siya dahil sa tinawag ko siya sa kaniyang first name. "Hindi po ba talaga ako makakasunod sa kila Yuziel?" tanong ko sa kaniya.

Sinamaan niya ako nang tingin at umirap.

"Hindi. Dito kalang," may awtoridad niyang saad. Nakapameywang naman akong nakatingin sa kaniya, bakit ayaw niya? Hindi ko tuloy ma eexperience ang reunion.

"Bakit naman, Sir Augustus?" tanong ko.

"Dito ka lang, and y-you.... call my first name," pansin niya. Sus, ang dami ngang tumatawag sa kaniyang ganoon, at ako lang talaga ang tumatawag ng second name niya.

"Eh ano naman ngayon," tugon ko. Bahagya siyang umirap at isinarado ang laptop niya, lumapit siya sa akin at nahigit ko ang aking hininga nang inayos niya ang kaniyang buhok at sinuklay pataas kahit naman bumabagsak ito.

"I like it."

"Sa first name niyo po? Palagi namang may tumatawag sayong ganiyan ah..." segunda ko. Narinig kong ngumisi siya sa aking sinabi at umiling iling.

"Iba nga sayo," tipid niyang sambit. "And mas gugustuhin ko kung wala ng 'Sir' diyan sa pangalan ko," pansin niya. Ngumuso ako at hindi na siya pinansin.

"S-sige na nga... Augustus," iyon ang unang pagsambit ng aking pangalan sa kaniya. Natigil din siya nang sabihin ko 'yon, narinig ko naman ang kaniyang pagngisi at umupo sa ibabaw ng table habang nakapatong ang dalawang kamay sa likuran at nakasayad naman ang paa sa sobrang laki ng biyas niya.

"I like it more, when you call me by my name," kumento niya. Ngumiwi ako dahil sa kaniyang sinabi at hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kaniya. Sa huli tuloy parang kinikiliti ako sa mga sinasabi niya sa akin, kinikilig ako sa lahat ng sinasabi niya.

"Augustus...." tawag ko ulit.

Pumihit siya palingon ulit sa akin nang akmang haharapn na naman siya sa laptop. Bakasyon ngayon pero puro na lang siya trabaho!

"Yes?" tanong niya.

"Eh ikaw, kailan mo ako tatawaging baby?" birong tanong ko.

"Ngayon na. Baby...." kaagad akong nasamid sa sarili kong laway nang tawagin niya akong ganoon. Parang 'yung mga bulate ko siya tiyan ay mga nagpaparty dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko ngayon. "Why, baby?" tanong niya ulit.

Hindi na naman ako makagalaw dahil 'don. Gago talaga ang sarili ko, inuutos ko sa kaniyang tawagin akong baby pero nang matawag niya ako tyaka naman ako naging ganito.

"Ligawan mo muna ako, bago mo ko tawaging ganiyan," palusot ko. Umupo na ako sa sofa patunghay sa kaniya habang hindi ako makatingin. Pero napaimposible ng hinihiling ko bago mangyari 'yon, mukha ngang hindi pa siya nakakamove on.

"Huh? Hindi naman na uso 'yon, pakakasalan nalang kita," derederetsong saad niya. Nagulintang ako sa kaniyang sinabi.

Nanginig ang tuhod ko dahil sa mga sinasabi niya, lumapit ako sa kaniya at sinalat ang kanyang leeg kung may lagnat ba siya o wala. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

The Culprit (De Viola #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon