Prologue

33 1 0
                                    


Strangers → Acquaintance → Friends → Close Friends → Mutual Understanding → Couples → Enemy → Strangers

That's how it goes. Sabi nga nila lahat ng bagay ay umiikot lang, kumbaga cycle lang. Pabalik-balik lang, paulit-ulit hanggang sa magsawa kana lang talaga.


Sa una, Kukunin cellphone number mo sa mga kaibigan mo o sa mga malalapit sayo na kilala niya kung nahihiya sayo tapos itetext ka. Makikipagkaibigan yan sayo tapos magiging mabait siya, maalaga at maalalahanin, yun bang akala mo anghel tapos magiging sobrang close kayo. Yung as in close na halos bawat sekundo at oras gusto mo siyang makita at makasama. Siya nalang lagi mong iniisip. Yung mga ganong keme ay. Hahaha Pagkatapos pag nagkaroon ng lakas ng loob at pagkakataon, liligawan ka dahil gusto ka na daw niya at mahal kana niya sa saglit na panahon palang na nagkakilala kayo. Sa panliligaw niya ayown, papakiligin ka pagkatapos gagawin kang parang isang prinsesa niya. Ikaw naman sobrang kikiligin dahil sa mga effort niya. Mga effort niyang kahit mapagabi man, tanghali, umaga at kahit madaling araw pa yan kaya kang puntahan sa bahay niyo mabigyan ka lang ng paborito mong pagkain o ano pa man. Darating ang araw na sasagutin mo na siya at magiging couples na kayo. Sa umpisa, punong puno kayo ng pagmamahalan, ka-sweetan, at halos di na kayo mapaghiwalay. Aakalain mong wala nang hanggangan ang lahat sa inyo dahil ramdam niyo ang pagmamahal ng isa't isa. Ngunit sa bawat relasyong nabubuo hindi maiiwasan ang selos, tampuhan, away at hanggang sa umabot na nga ito sa paghihiwalayan. Paghihiwalayan na siyang magiging dahilan para magkaroon kayo ng sakit ng loob sa isa't isa at galit hanggang sa kalimutan niyo nalang ang pagmamahalang binuo niyo at tiwalang binigay sa isa't isa.


Isa ako sa mga taong minsan nang nagmahal ng sobra at iniwan. Binago ko ang sarili ko para sa taong mahal ko. Iniwasan ko ang mga taong ayaw para sakin ng mahal ko kahit mahalaga sila sakin. Ginawa ko lahat ng gusto ng mahal ko kahit labag sa kalooban ko. Nagbulag-bulagan at bingi-bingihan ako dahil sa sobrang pagmamahal ko. At kahit nahihirapan na ako hindi ko na maramdaman dahil sa ang puso't isip ko ang gusto na lamang ay pasayahin siya at mahalin. 

Nang iniwan niya ko naisip ko, ANG TANGA KO!
Ang tanga tanga ko para baguhin ang sarili ko para sakanya. Ang tanga tanga ko para kalimutan at iwan yung mga taong nagpapahalaga sakin at hindi ako kayang iwan para lang sa gusto niya para sakin. Ang tanga tanga ko para maging bulag sa katotohanan at maging bingi para sa mga kasalanan niya para lang wag niya kong iwan. ANG TANGA TANGA KO PARA MAHALIN SIYA KUNG GAYONG IIWAN LANG DIN NIYA KO! T.T

Pagod na kong umiyak, sawa na kong umasa at ubos na ubos na ko. Kaya kahit masakit, kahit mahirap at kahit ayoko pa, TATANGGAPIN KO NALANG. TATANGGAPIN KONG WALA NANG PAG-ASA PANG MAIBALIK ANG DATING PAGMAMAHALANG MAYROON TAYO PARA SA ISA'T ISA. Kaya't patawarin mo ako at patatawarin kita.

Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita sa hindi mo pagkapit. Patawarin mo ako sa hindi ko pag tahan at patatawarin kita sa hindi mo pag-iyak. Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pag sugal.

Ayoko na. Sawa na ko. Pagod na puso kong mahalin ka at masaktan dahil sayo.

Kaya't babangon ako para sa sarili ko. Papatunayan kong mahahanap ko din at darating din sa buhay ko ang taong nakalaan sakin para pasayahin ako, at mamahalin ng tapat at hindi ako iiwan. Ang "LIFETIME KO." :)

That "Lifetime" thingy. ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon