"Goodmorning, Daddy Dok." Masiglang bati ni Dreams sa lalaking bagong ligo na lumabas sa kwarto nito. Nakasuot ito ng pormal na damit at nakasabit sa braso nito ang puting coat.
Hindi siya binati pabalik ni Kaiden kaya hinayaan niya lamang ito. Nagtungo si Kaiden sa kusina upang maghanda ng breakfast niya. Habang abala sa pagtitimpla ng kanyang kape ay napansin niya si Dreams na naroon sa likod ng pintuan, nakatitig sa kalendaryo na may nakasulat na mga task niyang dapat na gawin.
"Hey! Don't forget the rule." Paalala nito sa babae.
"Tinitignan ko lang, hindi ko naman hinahawakan." Sagot nito't itinaas ang kaliwang kamay.
Inilapag ni Kaiden ang tasa ng kape niya sa mesa saka nagtungo sa refrigerator para kunin 'yong apple na breakfast niya. Pagbukas niya ay wala siyang nakitang apple roon. Nakailang check na rin siya pero wala talaga siyang makita.
"Hanggang anong oras ka, Daddy Dok?"
Pag-angat ni Kaiden ng tingin ay nakita niyang na kay Dreams 'yong apple na hinahanap niya. Pinakiramdaman ni Dreams si Kaiden at doon niya napansin na 'yong apple na hinahanap ni Kaiden ay iyong kinakain niya pala. Halos huminto ang mundo ni Dreams dahil sa hiya.
"Heto ba ang breakfast mo?" Nakapamulat na tanong ni Dreams hawak-hawak 'yong apple na marami ng kagat.
"Tsk!" Padabog na isinarado ni Kaiden 'yong ref saka nagtungo sa dining table para ubusin na lang 'yong kape na tinimpla niya.
Samantala, patakbong kumuha ng kutsilyo si Dreams para bigyan ng hiwa ng apple si Kaiden. "Uy! Sorry, hindi ko naman alam na ito pala 'yong breakfast mo. Nagcrave kasi ako bigla ng apple e, ayon nakita ko siya dyan sa ref kaya kinuha ko na." Kagat labi na paghingi ni Dreams ng sorry saka nagslice siya ng apple.
"Alis na 'ko." Malamig na tugon ni Kaiden at dinedma 'yong alok ni Dreams na hiwa ng apple. Hinabol siya ni Dreams dahil nakaramdam siya ng guilt sa pagkain niya ng apple na breakfast nito. Hindi niya napigilan na kunin 'yon saka kainin dahil ilang araw na siyang nagcrave ng apple.
"Huwag mong iwala 'yan," hinagis ni Kaiden 'yong duplicate key ng pintuan kay Dreams. Pagkatapos ay dire-diretsong nagtungo sa may hagdanan pababa.
"Goodbye, Daddy Dok, ingat sa pagmamaneho." Pahabol nitong tugon at kinawayan pa ang lalaki kahit nakatalikod na ito sa kanya. Bumalik sa loob si Dreams at napahinto ulit siya nang makuha ng atensyon niya 'yong picture frame na naroon sa ibabaw ng lamesa.
"Malalaman ko rin ang totoo kung bakit kinaiingat-ingatan kayo ni Daddy Dok." Pakikipag-usap niya sa picture frame saka kumagat sa apple na pagmamay-ari ni Kaiden na kinain niya. Papalitan na lang niya ito tutal naman mamimili siya ng kanyang mga gamit at pagkain.
* * *
"Seryoso? Pinatira mo na siya sa apartment mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Oheb sa kanyang kaibigan nang nasa canteen sila upang kumain ng meryenda.
"Hindi naman kakayanin ng konsensya ko na hayaan siyang manirahan don sa squater gayung buntis siya." Sagot ni Kaiden saka pinaikot ang hawak na tinidor para makuha ang pasta ng spaghetti na inorder niya.
"Naks! Nagkakapuso na ah." Asar ni Edward sa kanya.
"Pre, nilalagnat ka ba? Bumait ka yata?" Pinahik ni Marco ang leeg ni Kaiden gamit 'yong likod ng kanyang kamay upang icheck kung nilalagnat ba ito o hindi.
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Teen FictionDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...