Chapter 27 (Edited and Extended)

2.9K 50 0
                                    

27 (Edited and Extended)







Halos isang buwan na simula noong nagpunta si Alex para kausapin at pakiusapan si Jc pero hanggang doon na lamang pala iyon. Hindi na nakarinig pa ng balita si Jc tungkol kay Aleina mula kina Alex.. Pabalik-balik pa nga ito sa bahay nila Jasper upang makibalita at todo tawag na rin ito ngunit hindi nila sinasagot ang mga tawag nya at palagi nyang hindi naaabutan ang mga ito.







"Sht talaga!" halos frustrated nyang bulong sa harap ng katulong nila Alex .







"Pasensya na, sir, wala pa ho talaga sila.. Magdadalawang linggo na."







"E, saan daw ba nagpunta?! Pwede bang pakisabi kapag tumawag na palagi akong nagpupunta dito at naghihintay sa pangako nilang balita!"







Tumango ang katulong at saka umalis na sya upang dumiretso sa bahay nila. Naupo sya sa sofa at yumuko ngunit agad namang tumunog ang phone nya. Nang nakita sa screen kung sino ang tumatawag sa kanya ay agad nyang sinagot ito.









"Alex! God! Wh--"









"Listen, Jc.. Nandito kami ngayon sa Baguio. Kadarating lang ni Aleina from Hawaii. If you're not busy, liparin mo na agad kung pupwede! Mamamatay na kami nila Jasper dahil sa mga nangyayari dito!"








Bago pa makasingit si Jc upang magtanong sana ngunit naunahan na sya ni Alex. "Casa Bianca.. Bukas ay narito ka na dapat Jc. Please!" at narinig nanya ang end button.







Hindi sya agad nakagalaw dahil sa maiksing paguusap nila at nang mahimasmasan ay agad nyang tinakbo ang maliit na maleta nya at doon naglagay ng mga gamit.










Nasa kalagitnaan sya ng pagmamaneho ay nakatanggap ulit sya ng text ngunit galing ito sa kapatid nya.






From: James

Bro, nasa Pilipinas si Aleina? Nandito sa Baguio, baka gusto mong puntahan at kausapin?






Binagalan nya ang pagmamaneho at nagreply sa kapatid.







To: James

I know. Nasa byahe na ako papuntang Baguio. I need my unit to be fixed and I want it clean.





From: James

Sure. May sasabihin rin ako agad sayo pagdating mo. Ingat sa pagda-drive.







Natatakot si Jc sa maaari nyang malaman pagdating nya. Kinakabahan sya na makaharap si Aleina dahil alam nyang susumbatan lang ulit sya nito. Alam nyang nasaktan nya ito, but then he's taking all the risks he has.








"Come back to me, Aleina."








Ilang oras ang pinagtyagaan nyang byinahe upang makarating ng Baguio, isang beses lang itong huminto upang magpahinga ng sampung minuto at bumili ng pagkain.





Dumating sya sa unit nya at agad syang tumawag kay James upang magpasalamat. Dumating rin ilang sandali lamang habang magkausap sila.











"Hindi ba pwedeng ipagpabukas na natin 'to, Kuya? Kailangan ko ng lakas mamaya pa--"






"Kailangan mo ng malaman para hindi ka makagawa ng stupid move mamaya!"







Mistress Turned into Wife ( Mistress Series Part 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon