Chapter 8: Tumawa si Kiel?

25 7 0
                                    


*sa bahay nila Kiel

"Oh ana-- sino yan!?" Tanong ng Papa niya kapasok niya ng bahay

"Kaibigan po. Ma paki asikaso may lagnat"

"Iakyat mo sa kwarto mo anak" mama niya

"Kaibigan o Ka-IBIGAN, anak wala kang sinasabi sa amin ha, mabilis ka masyado para itanan yan" sabi ng Papa niya

"Pa naman eh!" Inakyat niya si Ash

"Sorry Ash" bulong niya. Inasikaso siya ng mama ni K at si Kiel naman sa bakanteng room natulog.

*kina umagahan

"Ang lambot naman ng kama ko ngayon ha at ang bang--- wait di ko pabango ito ha!!" Minulat ni Ash ang mata nya at iginala ito then napatingin siya sa side table at nakita ang larawan ni Kiel

"Nasa kanila pala ako. Buti dumating siya kagabi nakakatakot yung dalawang lalaki ang pula ng mata,adik yata ang mga yun" bumangon siya at nag ayos. Lumabas na siya sa kwarto ni K at bumaba. Nag pupunas siya ng mata kaya di niya masyadong nakikita ang daan

"Booo" sabi ni Kiel na nasa gilid ng hagdan

"Kyahhhh!!" sigaw ni Ash dahil sa pagkabigla napaupo siya sa hagdan

"Ahahahahaha" aba may mali yata?

"Anak anong nangyari?" Mama nya

"Hala iha ayos kalang?" Inalalayan ng Papa ni Kiel si Ash

"Ahahahaha" tawa na tawa si Kiel at napahawak siya sa tyan niya

"Anak ikaw yan?" "K tumawa ka?" Sabay na sabi nila na tatlo

"Masama ba hahaha di kasi tumitingin sa daanan" sabi ni Kiel. Tumawa ba talaga si Ezekiel?? Wow *-*

"Ang babae lang palang ito ang makakapag patawa sayo anak, ligawan mo na!" sabi ng papa niya

"Hi, iha musta ng pakiramdam mo? Ayos ka lang ba?" Alalang tanong ng Mama ni K

"Ah opo ako po so Asher. Kaibigan ni K" sabi ng masaya ni Ash

"Ang ganda naman ng pangalan mo iha. Sinong K?" Mama ni K

"Si Ezekiel po. K po ang tawag ko sakanya kasi laging K ang sagot niya saakin" sabi ni Ash

"Ay ganun ba haha. Tara kain na tayo" pumunta na sila sa kusina at kumain..

"Kiel may magandang balita pala kami ng Papa mo!!" Masayang sabi ng Mama niya

"Ano yun?" Sabi ni Kiel. Siniko naman siya ni Ash kasi mag katabi lang sila at kaharap nila ang mag asawa

"Gumalang ka naman!" Sabi ni Ash

"Ayaw ko paki mo?" Sabi ni K

"Parents mo sila galangin mo! Di kaba kumakain ng upo? Di ka nag po po!!" Sumbat ni Ash. Pinanonood lang sila ng mag asawa

"Tsk ano po iyon ma?" Walang ganang sabi niya "happy?" patuloy ni Kiel

"Kayo talaga. Asher sanay na kaming di nag po po iyan" papa ni K

"Kahit na po dapat galangin nya kayo" sabay smile ni Ash

"Tara baba muna tayo doon sa kusina" anyaya ng Papa ni K

"Anak mag kaka kapatid kana!" masayang sabi ng mama ni K. Si K naman nabulunan

"Cough.cough" Kiel

"K tubig oh" inabutan niya ng tubig at hinimas ang likod. Ininom naman iyon agad ni Kiel

"Ano!!?" Gulat na tanong ni K binatukan naman siya ni Ash

"Gumalang ka nga!" Bulyaw ni Ash. Natawa naman ang mag asawa

"Kailangan mambatok? Di pwedeng sabihin nalang!" Inis na sabi ni Kiel

"Ang sweet nyo naman:)" sabi ng Mama ni K

"Tss kain nalang tayo at anong sweet doon? Saddista kaya yan" sabay subo ni Kiel ng pagkain

"Congrats po" masayang sabi ni Asher

"Salamat" mama ni K. Nag usap lang sila buong umaga. Masaya ang mag asawa sa ugali ni Ash masayhin at kalog,pinagtitripan nya nga si Kiel eh kinukulit ng kinukulit at si Kiel sa inis nag kulong nalang sa kwarto at hindi lumabas. Bandang 11 na ng umuwi si Ash.

"Tita,Tito bye po see you again. Diba po sunday bukas? Pag papaalam ko po sana si K na mag simba paki pilit po para may kasama ako. Bye napo salamat po ulit"

"Sige iha. Salamat din." Papa ni K

"Sige Ash akong bahala. Balik ka dito ha" nag wave na si Ash at umalis pauwi. Hindi siya pumunta sa park ngayon,pinanood nya lang ang pag lubog sa likod ng bahay niya. Adik talaga siya sa panonood ng sunset

Kiel's Pov

Buti naman umalis na ang pasaway na yun tsk! Isip bata talaga! Pero ang cut-- ang panget pala. Bumaba na ako para mag lunch

"Oh anak sayang di mo na naabutan si Ash kakaalis lang" si Papa. Pababa palang ako ng hagdan.

"As if I care" sabi ko at dumiretso sa kusina

"Anak mag sisimba tayo bukas ha, mag papasalamat tayo at may kapatid kana" si Mama. Tsk ako ba ang nabuntis? Bakit kaya hindi nalang sila nalang ang mag simba!!

"Ayaw ko!" Sabi ko

"Ihh anak naman sumama ka kahit minsan" parang batang sabi ng Mama ko

"Nahawa na kayo kay Ash. Tigilan nyo nga iyan! 37 na kayo!" Sumbat ko

"Bata pa ako ha! Ikaw lang naman ang nakakapag patanda ng itsura ko!" Sabi ni mama

"Mhie tama na yan masama para sayo yan kain nalang tayo" si Papa. Paano kaya nag katuluyan ang dalawang to?

"Basta sa ayaw at gusto mo mag sisimba tayo" kung mapapalabas nyo ako haha.

A/N:
Hi sana magustuhan nyo ang story ko kahit na begginer lang ako. Comment kayo if may gusto kayong i suggest:). Hi sainyong lahat ingat^•^

A Little Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon