Written By: Zer0_Green
---------------------------------------------------------
Nang makita kita sa bahay ng tito ko, biglang tumibok ang puso ko, parang nag slowmotion ang lahat nang makita kita..
Bakit ikaw pa ang unang nagpatibok ng ganito sa puso ko
Hindi ko inexpect na pagdating ko sa school, nakita muli kita, sobrang saya ko dahil magkaklase tayo, mas naging masaya ako nang ikaw ang naging partner ko sa isang Project
Bakit ikaw pa ang naging kapartner ko sa project?
Ayan tuloy, naging crush na kita, Naging close na tayo, masaya ako dahil dun, kaso pinagtapat mo sa akin ang sekreto mong mahal mo na ang classmate kong si Geraldine, ang masaklap pa ay kaaway ko siya.
Bakit siya pa ang minahal mo?
Makalipas ang ilang araw, naging bestfriend kita, nanghingi ka ng pabor sa akin, tinanggap ko naman, at ang masakit ay Kailangan kong ipaglapit kayong dalawa ni Geraldine, yan ang pabor mo sa akin
Bakit ako pa ang hiningan mo ng pabor.
Ginawa ko ang kagustuhan mong ipaglapit kayo ng mahal mo, kinaibigan ko si Geraldine kahit mahirap, dahil nga magkaaway kami, sinet up ko kayong dalawa, at iniwan kayong masayang nag-uusap sa plaza, hindi ko alam na umiiyak na pala ako.
Bakit ikaw pa ang naging dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon.
Makalipas ang isang araw, kinuwento mo sa akin ang pinag-usapan niyo ni Geraldine, sinabi mo na pala ang nararamdaman mo para sa kanya at ngayon ay nililigawan mo na siya, Kahit nanliligaw ka panga sa kanya ay nagmumukha na kayong magshota.
Bakit ba? Ano bang nakita mo sa kanya?
Isang araw, may sasabihin ka sa akin, akala ko "I love you" pero hindi, nag assume lang talaga ako ng sobra, ang sasabihin mo lang pala ay sinagot ka na ni Geraldine, ang saya saya mo nga eh, masaya naman ako kung masaya ka, ganun siguro magmahal
Bakit ikaw pa ang minahal ko?
Kumalat sa buong campus na naging kayo, Perfect Couple daw kayo.. Wala ka ng time sa akin, Kinakausap mo lang ako kapag may kailangan ka, sobra na talaga akong nasaktan, minsan nga, pinagsisihan kong umagree sa favor mo eh, kaso dun ka sasaya..
Bakit ikaw pa ang dahilan kung bakit ako nasasaktan?
Nung time na yun, hindi ko inasahan ang nakita ko, nakita ko si Geraldine na may kahalik na ibang lalake, sobra akong nagalit sa kanya.. sinumbong ko sayo ang nakita ko pero ayaw mong maniwala, sa halip ay nagalit ka sa akin at tuluyan mo na akong iniwasan
Bakit ayaw mong maniwala?
Sobra akong nasaktan, bestfriend mo ako, hindi ko kayang magsinungaling sayo pero hindi mo ako pinaniwalaan... Hindi mo na ako pinapansin, kinakausap.. Siguro kailangan na kitang kalimutan pero Hindi ko kayang limutan ka
Bakit ang hirap gawin?
Isang araw, Nabigla nalang ako nang magtext ka na magkita tayo sa plaza, ngumiti ako dahil baka gusto mong maging friends tayo ulit... nang makarating ako dun, bigla mo nalang ako niyakap at umiyak sa balikat ko, tinanong kita kung bakit ka umiiyak, ang sabi mo "Sorry, sana pala pinaniwalaan kita, Totoo palang may ibang lalake si Geraldine, Sorry dahil iniiwasan kita, Nagalit kasi ako dahil akala ko, sinisiraan mo si Geraldine sa akin, sorry talaga"
Bakit Mo pa ba ako pinapaasa!
Pinatawad kita at pinangiti... Nagulat nalang ako sa sinabi mo
"Bakit Sa dinami daming tao dito sa mundo ay ikaw pa ang naging 1st cousin ko, sayang mahal pa naman kita"