CHAPTER 7: MOVING-ON.
Lei's POV.
Ilang linggo na rin ang nakakalipas ng maganap ang revenge ko kay Ivy at Timothy. Ngayon ay okay na ako. Wala na akong paki sa kanila.
About naman sa pagcocomfort sa akin ni Kian. Pagkatapos noon ay hindi ko na ulit siya nakita. Hindi ko na rin siya minsan makita sa school.
Wala naman akong number niya para tawagan siya at matanong kung bakit hindi na siya pumapasok.
Pauwi na ako ngayon, nagsimba ako upang magthank you at humingi ng tawad sa mga ginawa ko. Hindi naman porket maldita ako ay wala na ako karapatang magsimba.
Malapit na sana ako sa kotse ko ng may biglang humarang na lalaki. Problema nito?
"Hey, nice meeting you again Amazona." sabi ni Kurt. Pormang-porma siya ngayon. Akala mong kung saan pupunta.
"Malayo pa ang pasko. Excited much?" tanong ko at tumingin sa suot niya.
"Nagsisimba ka pala? Buti 'di ka nalulusaw." sabi niya pa. Elleina, pigilan mo please. Kakasimba mo lang.
"Tumahimik ka dyan bago ikaw ang lusawin ko." sagot ko sa kanya.
"Nalulusaw na nga ako sa titig mo 'e." sabi niya naman at kinindatan pa ako. Yuck!
Sipain ko kaya ang isang to. Ang yabang 'e. Pasalamat talaga siya at kakasimba ko lang kung hindi baka ilinibing ko na siya ng buhay.
"Aalis ka ba dyan o itutulak kita paalis?" tanong ko naman sa kanya. Ayoko ng makipagtalo sa kanya.
"Masyado ka namang high blood dyan babe. Let's have some coffee, tara!" pang-aaya niya.
"Ayoko, ikaw na lang." sagot ko naman. Asa naman siyang sasama ako sa kanya.
"Choosy ka pa? Gwapo na ang kasama mo." saad niya. Yabang talaga.
"Gwapo? Nasaan?" tanong ko naman at kunwaring naghahanap.
"Kahit saan ka maghanap hindi mo makikita dahil 'eto lang naman ako sa harap mo. Tsk." sagot niya naman.
"Saan ka ba pinaglihi ni Tita Liezel at ganyan ka-taas ang confidence mo?" tanong ko naman.
Ayan na nagsisimula ng madagdagan ulit ang mga kasalanan ko. Itong lalaki naman kase na'to ngayon pa nagpakita kung kailan kakasimba ko lang.
"Anong tita? Mom-my. Mommy na itatawag mo kay Mommy." sabi niya pa.
"At bakit ko naman gagawin 'yon? Wala naman akong gusto sa'yo."
"Ang sabi ko lang naman Momy itatawag mo, hindi ko naman sinabing may gusto ka sa'kin. Napaghahalataan ka." sagot niya naman. Inirapan ko lang siya
"Ano na? Sasama ka ba o hindi?" tanong niya naman.
Hinawi ko siya at pumunta na sa kotse ko. Ayoko na siyang sagutin baka mamaya kung ano pa ang masabi ko mas lalo lang madagdagan ang mga kasalanan ko. Umalis na ako at iniwan na siya. Gusto kong magshopping ngayon.
- MALL -
Nandito na ako ngayon sa mall at kasalukuyang nag-iintay ng pagbukas nitOng elevator. Nang bumukas na ay kaagad na akong sumakay.
"Good Morning ma'am" bati ng elevator girl sa akin. Nginitian ko lang siya.
First time ko lang ngitian ang taong bumabati sa akin. Imbis kase na ngitian ko minsan ay tinatarayan ko sila.
Maya-maya pa ay biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito para basahin kung sino man ang nagtext.
From: Chloe
Girl, anong oras na? Bakit wala ka pa dito? Ang dami na naming nagawa.
Saka ko lang naalala na kailangan pala naming mag-ayos ngayon sa stage. May mini concert kase tomorrow.
Imbis na makapunta ako ng 4th floor. Bumabalik ako sa first floor upang makapunta na ng school.
Dumiretso na ako ng parking lot. Upang kunin ang kotse ko. Kaloka naman kase, bakit ko nga ba nakallimutang may gagawin kami ngayon.
- SCHOOL -
Nandito na ako naglalakad palapit sa kinaroroonan nila Chloe. Busy sila sa pagdedesign ng stage at mukha ngang matatapos na nila.
"Buti naman dumating ka pa." bungad niya saken.
"Buti nga at pumunta pa ako 'e." sagot ko naman.
"So utang na loob ko pa pala ngayon." saad niya.
"Ikaw ang nagsabi nyan ah, hindi ako." sagot ko naman.
Naupo lang ako at pinanood ang ginagawa nila. Wala naman na kase akong gagawin pa dahil matatapos na sila.
"Long time no see."
"Kian?" tawag ko sa lalaking kaharap ko ngayon.
"Kamusta ka na? Okay ka na ba?" tanong niya sa akin.
"Okay naman na. Anong ginagawa mo dito? Saka bakit nga pala madalas kang hindi pumapasok?" tanong ko sa kanya.
"Nagrerehearse kasi kami. May production number kase kami bukas." sagot niya naman.
"Good luck. Hindi ko alam na sanay ka pala kumanta." sabi ko pa. Napakamot naman siya sa ulo niya at nginitian ako.
Siya lang yata yung lalaking hindi ko matarayan. Hindi ko alam pero para kaseng nakakahawa yung kabaitan niya 'e. Matapos niya akong icomfort.
"Elleina, may gusto lang sana akong sabihin sayo." sabi niya naman at naupo sa tabi ko.
"Ano naman yun?" tanong ko sa kanya.
"K-kase a-ano.." sabi niya ng nauutal.
"Ano nga?" tanong ko ulit.
"Hmm.. k-kase-- ang ganda mo ngayon." sagot niya naman.
"Iyun lang hindi mo pa masabi. But anyway thanks." saad ko.
Pagkatapos naming mag-ayos ay umuwi na ako sa bahay. Gusto kong mag-relax sa garden namin. Maganda kase ang ambiance doon at saka malamig din.
Naweirdohan pa rin ako kay Kian. Feeling ko kase kilala ko talaga siya bago pa man siya mag-transfer sa school namin. Saka iniisip ko kung sino ba ang kamukha niya. Siguro si Kurt kase, mag-pinsan nga pala sila. Saka iniisip ko rin kung ano ba talaga yung sasabihin niya kanina. Halata kase sa mata niya may gusto siyang sabihin. Pero bahala na kung ano man 'yon. Ang mahalaga hindi na ako madalas mag-taray sa kanya. Nakahanap na ko ng boy friend. What I mean is lalaking kaibigan hindi ka-ibigan.
~~~~~~
BINABASA MO ANG
Casanova In Disguise
Short StoryHighest Rank No.1 in #bes Paano mo iimaginin ang buhay na masaya kung araw-araw badtrip ka? Kakayanin mo ba mahalin ang isang tao na kinamumuhian mo? Paano kung hindi mo na siya kilala?