"Uy Soleil!" Kinalabit ako ni Kristel kaya napalingon ako sa kaniya. Paglingon ko ay pinisil niya ang pisngi ko kaya kumunot ang noo ko at napanguso sa kaniya. "Labas tayo mamaya, ah?" Nakangiting sabi niya.
"Hindi ako pwede mamaya, marami pa akong tatapusing projects."
"Sus reason." Inirapan niya ako kaya tinawanan ko siya.
Narinig ko ang tawanan ng iba kong mga kaibigan kaya napalingon ako sa kanila. Tumatawa sila habang nag p-picture, bumalik lang ako sa ulirat nang may tumamang flash sa mukha ko at nakita si Kristel na iwinawagayway ang kaniyang cellphone habang ipinapakita sa 'kin ang epic picture ko. Para akong tanga sa picture dahil nakatulala lang ako do'n.
"Soleil, sama ka ba mamaya? Gagala kasi kami." Tanong ni Rian.
"May gagawin daw si Soleil ma–" hindi ko na pinatapos si Kristel sa kaniyang sasabihin.
"Sige, anong oras?" Tanong ko kay Rian kaya sinabi niya sa 'kin ang detalye.
"Uy!" Kinalabit ko si Kristel pero inirapan niya lang ako. Kristel is my friend, ako lang ang kaibigan niya sa classroom dahil ayaw niya namang kumausap ng ibang kaklase namin.
"Sumama ka na lang sa 'min mamaya." Pilit ko sa kaniya ngunit nabigo lang ako dahil hindi rin siya pumayag.
Habang nasa gala kami ay iniisip ko si Kristel, na g-guilty ako dahil inaaya niya ako kanina pero sa iba ako sumama. Totoo naman na gagawa sana ako ng project, hindi ko lang magawang tumanggi kina Rian at sa iba kong kaibigan dahil natatakot akong maiwan.
Kinaumagahan nang pumasok sa school ay bumugad agad sa 'kin ang magandang ngiti ni Kristel. Nakahinga ako nang maluwag dahil 'kala ko ay magagalit siya sa 'kin.
"Nag reply sa 'kin si crush, ey inggit pikit." Nakangising sabi niya, natatawa ko siyang inirapan.
"Weh? Nag d-day dream ka na naman yata!" Pang-aasar ko sa kaniya.
"Tingnan mo–"
"Tara Soleil, kulang pa kami ng isa sa group project." Bigla akong hinila ni Rian kaya hindi ko na natingnan ang ipinapakita ni Kristel sa cellphone niya. Sinundan niya na lang kami ng tingin habang nakanguso sa 'kin.
"Punta tayong library, Soleil." Anyaya ni Kristel sabay kapit sa braso ko.
"Sige, basta libre mo ako mamaya ng ice cream ah?" Nag ngiting aso ako sa kaniya.
"Oo na!"
Nang makarating sa library ay naabutan ko ang grupo ng mga kaibigan ko. Napabusangot ako, pupunta pala sila, hindi man lang ako inaya.
"Uy Soleil!" Tawag ni Rian nang mapansin ang presensya ko.
"Dito na lang tayo umupo." Sabi ni Kristel kaya napalingon ako sa kaniya, tumango ako at nauna nang umupo.
Tahimik kaming nagbabasa ngunit rinig na rinig ang tawanan nila Rian, wala pa masyadong tao sa library at wala rin ang librarian kaya walang sumasaway sa kanila.
Napansin ako ni Chin na nakatingin sa kanila kaya sinenyasan niya ako na lumapit. Napatingin ako kay Kristel na seryosong nagbabasa. Tumayo ako at lumapit kina Rian at naupo sa tabi nila. Sinasali naman nila ako sa usapan but I feel like I don't belong to them. I love them so much because they make me laugh. Pero pakiramdam ko parang may kulang, I can't explain this feeling.
Tumayo ako at naglakad papunta kay Kristel ngunit bigla siyang tumayo bitbit ang kaniyang gamit.
"Una na ako." Paalam ni Kristel at nag-iwan sa 'kin nang kaunting ngiti. Napatulala na lang ako at naiwan ang paningin sa kawalan.
Kinaumagahan ay maaga akong pumunta sa school, tingin ako nang tingin sa pinto dahil inaantay ko si Kristel. Nasanay ako na maaga siyang pumupunta sa school ngunit ngayon ay wala pa rin siya. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na nag transfer na pala siya sa ibang school, wala akong gana buong maghapon. I feel empty. Tiningnan ko ang Facebook ni Kristel pero naka deactivate iyon, chineck ko rin ang Twitter niya ngunit wala akong nakita.
Napahilig ang ulo ko sa mesa, 'di niya man lang sinabi sa 'kin na lilipat pala siya ng ibang school. Nangilid ang luha ko, kinapa ko ang panyo sa bulsa ng bag ko. Napansin kong may nakasingit na maliit na papel sa nakatiklop kong panyo. Binasa ko ang nakasulat doon.
I hope you'll find a circle of friends that you deserve.
'yon lang ang nakasulat sa papel kaya napaiyak na lang ako. I just lost a good friend. Ipinagsisiksikan ko ang sarili ko sa mga taong hindi naman ako hinahanap at hindi ko namalayan na sa pagsiksik ko sa iba ay lumalayo na pala ako sa taong humihila sa 'kin pataas. Nasanay ako na palaging iniintindi ni Kristel, nakalimutan ko na napapagod din ang isang tao na umintindi. Sa sobrang takot ko na baka maiwan ako ng ibang tao ay nakalimutan ko kung sino ang palaging nananatili.
Inaamin ko na napapatawa ako ng iba kong kaibigan ngunit na realized ko na iba si Kristel sa kanila.
They made me smile and laugh but Kristel made me feel special and loved. And I've realized that it was clearly different.
I don't know how but I'll try my best to bring back the moments that we had.
I have learned that I must appreciate what I have before time makes me appreciate what I had.
YOU ARE READING
Introducing Life
RandomIntroducing life is about reality and existence. "Some things cannot be taught; they must be experienced. You never learn the most valuable lessons in life until you go through your own journey." -Roy T. Bennett