"Uy! Tara kain, Daddy Dok." Anyaya ni Dreams sa bagong dating na si Kaiden na may dala-dalang dalawang paperbag ng grocery item sa magkabila niyang mga kamay.
Naroon si Dreams sa sofa na nakaupo at nakalapag sa mesa na kaharap niya 'yong panghapunan niyang binili niya sa labas. Akma niyang tutulungan si Kaiden nang mabilis na pinigilan siya nito kaya wala siyang nagawa kundi ang maupo at panoorin na lang ang doktor na pumunta sa kusina.
"Dont' tell me ginamit mo 'yong lutuan ko?" Masungit na usal ni Kaiden nang maupo siya sa may dining table, nakatingin siya kay Dreams na ganadong-ganado na kumain.
Mabilis na sumagot si Dreams sa agresibong tinig kahit puno pa ng pagkain sa kanyang bunganga."Uy! Hindi kaya, binili ko 'to sa labas." Tumayo ito at nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig. "Bumili ako ng lutuan ko saka mga kubyertos ko't spices na gagamitin sa pagluluto. Binili ko rin 'yong mga cravings ko para matahimik si baby sa tyan ko. Syempre, 'yong ilang vitamins rin na kailangan kong inumin, binili ko na rin." Pagpapatuloy nito't itinungga ang baso ng tubig.
Napahalukipkip si Kaiden na tumingin sa babae. "Madami ka pa lang pera e. Mukhang kaya mo namang buhayin ang bata na wala ako."
Salubong ang mga kilay ni Dreams na itinapon kay Kaiden ang kanyang tingin. "May natira lang ako sa ipon ko saka wala naman akong choice kundi gastusin 'yon pambili ng mga gamit ko since ayaw mo ng ginagalaw 'yong sa'yo." Nakangusong tugon ng babae at isinarado 'yong refrigerator.
Hindi na umimik pa si Kaiden at pinanood na lang si Dreams na bumalik sa sofa at ipagpatuloy ang pag-kain. Tumayo si Kaiden at kumuha ng beer sa refrigerator pampawala niya ng pagod. Nakasanayan na niyang uminom ng beer pag-uwi para mahimasmasan siya ng konti. Pagkatapos ay minadali niyang ayusin 'yong mga pinamili niya para makakain na rin siya ng dinner.
Matapos niyang maluto ang kanyang kakainin, naupo na siya sa dining table. Napansin niya na sa tagal niyang nagluto ay hindi pa tapos kumain si Dreams. Animo'y gutom na gutom ang babae sa paningin niya. Dalawang kamay ang nakahandang sumubo sa kanya ng pagkain at halos hindi na matalon ng pilay ang kabundok na pagkain sa plato nito.
Napakamot si Kaiden sa kanyang ulo dahil sa nakakawirdong nakikita niyang inaasta ni Dreams. Nakikita niya pang inuulam ng babae ang ice cream. Hinihigop ang sabaw na may halong ketchup, ang texture nito ay talagang nakakasuka. Nasusuka siya kung tutuusin pero wala naman siyang choice. Iyon ang craving ng babae at wala siyang karapatan para pagbawalan ito.
Nataranta si Kaiden nang mahuli siya ni Dreams nanakatingin sa kanya. Para siyang tinakasan ng sariling lakas nang magtama ang kanilang tingin.
"Gusto mo, Dok?" Alok ni Dreams sa sabaw na may halong ketchup na nakalagay sa maliit na mangkok. "Masarap 'to, promise."
Kaagad na humindi si Kaiden dahil talagang nasusuka siya't nandidiri siya. Para sa kanya, sobrang weird ng craving ni Dreams. Normal naman iyon sa nagbubuntis pero hindi niya inaasahan na ganoon katindi kay Dreams.
"No, I'm okay, kainin mo na lang 'yan." Usal ni Kaiden at napalunok ng dalawang beses. Hindi niya ipinahalata kay Dreams na nadidiri siya sa mga kinakain nito. Gusto niyang sitain ang babae pero umatras ang dila niya nang mapansin niya ang ganadong paglamon nito.
Natapos na siya't lahat na kumain ay hindi pa rin tapos si Dreams. Nakailang balik na rin ang babae sa rice cooker nito upang kumuha ng kanin. Pati 'yong natirang pagkain ni Kaiden sa lutuan nito ay hiningi ni Dreams, hinayaan naman nita ito dahil mukhang gustong-gusto ng babae ang pagkain niya. Kahit papaano ay natutuwa si Kaiden na makita si Dreams na ganado kung kumain. Nakikita na lang niya ang sarili na nakangiti habang pinapanood itong kumain. At hindi niya maiwasang tumingin sa hindi pa kalakihang tyan ng babae.
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Teen FictionDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...