Chapter 21.

627 23 0
                                    

Lucas’ POV.

Napatingin kami lahat kay Fiara, nakasimangot na pumasok sa dining area. Para siyang binagsakan ng langit at lupa dahil sa kaniyang mukha. Mukha siyang disappointed na paiyak. Nakanguso pa siya habang hawak-hawak ang tray ng pagkaing hindi man lang nagalaw o nabawasan kahit kaunti. Ganiyan pa rin noong pagdala niya papalabas dito. Tila alam ko na kung bakit ganiyan ang reaksyon niya.

“Hindi pa rin ba lumalabas?” Tanong ni Tito nang padabog siyang umupo sa upuang kaharap ko pagkatapos niyang ilapag ang tray sa countertop.

It’s already eight in the morning and we are having our breakfast here. Inutusan siya ni Tito na dalhin ang pagkain ni Ate sa kwarto nito o hindi kaya palabasin ito upang kumain. But as we always expected, she didn’t even open the door. And I know that she didn’t even answered Fiara’s call, as she also did to one of us every time we called her on the front of her room’s door. Hindi na kami magtataka roon. After what happened? Himala na siguro kung lalabas siya. I would kneel in front of her if she’ll do that.

Fiara shook her head in disappointment. “No, Daddy. Hindi pa rin siya lumalabas, as always,” she answered. There’s a hint of sadness in her voice. Who would, right?

Nagbuntong hininga na lamang ako saka nagpatuloy as pagkain. Bigla kong naalala kung bakit siya nagkakaganito.

I woke up when I heard a loud thud outside the mansion. Narinig ko na para bang kinakalampag ang aming gate. At sa tingin ko’y nasira na iyon dahil sa malakas na pagkalabog na tila ba’y nahulog. I can hear the fast steps towards the mansion. Who ever she or he is, I know that she is running.

 

 

I heard a loud thud again making me sat on my bed. I think it was the front door. Narinig ko pa ang pagkasira noon. Kahit na nandito ako sa kwarto ko’y naririnig ko ang nangyayari.

 

 

Napamura ako nang may marinig ulit na pagdabog na tila’y nahuhulog na mga gamit. Tila nag-sink in sa akin kung anong nangyayari. May kalaban sa mansion!

 

 

Mabilis akong umalis sa kama and was about to open the door when I heard a loud voice making my hand stop on the mid air.

 

 

“Yeron? Yeron!” I heard a loud thud again and I know it's a door. Sunod-sunod ang naririnig kong yapak sa labas. “Yeron? Hon? Where are you?! Yeron! Talk to me! Yeron! Baby! Nasaan ka na?!” it’s Lavander’s voice! I know it's her. But why is she shouting?

 

 

Agad na tumalima ang aking katawan nang marinig ang sunod-sunod na pagbukas ng pintuan. Agad ko ring binuksan ang aking pintuan at saka lumabas. At tama nga ang hinala ko. I saw the others outside their doors. Magkakatabi at magkakaharap ang mga kwarto namin kaya madali lang naming mapuntahan ang isa’t isa. We all looked at each other, trying to question everyone one of us what is happening using our eyes. Ngunit wala man lang nakasagot kung ano ang nangyayari.

 

 

Napalingon kami sa hagdanan nang marinig ang sigaw ni Lavander na tila'y hinahanap si Yeron. May narinig rin kaming mga nahuhulog roon. I looked at one of us, trying to find Yeron. But he is not with us and that makes my forehead creased. Where is he? Anong nangyayari?

Unknown Connection (Completed).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon