Try lang...

590 37 12
                                    

"Uy Honey! Okay ka lang?"

Tanong sa akin ni Zander.

Kaibigan at kaklase ko rin last school year, bakasyon na kasi ngayon.

By the way, hindi po endearment yan, that's my name-- Honey.

Kim Honey-imnida, half-Korean, half-Filipino, 17 years old.
No Boyfriend Since Birth.

"Uy Honey! Okay ka lang ba???" Anyare ba dito? Bakit nanyuyugyog?

"GWAENCHANA! HINDI MO AKO KELANGAN YUGYUGIN!!!" Sigaw ko sakanya.

"Sorry naman..." sabi nito sabay kamot sa ulo.

I just rolled my eyes on him at binaling ang tingin sa mga couples na nagswi-sweet sweetan sa daanan.

Nandito kasi ako, nakaupo sa isang bench sa may park na malapit sa bahay namin.

"Eh kasi naman, bakit ka ba nakatulala?" Tanong ulit ni Zander na kasalukuyang nasa tabi ko.

"Wala." Simpleng sagot ko.

"Weh? Meron eh!"

"Wala nga! Bakit ba ang kulit mo?

"Eh kasi nagtatanong lang naman ehh... Bakit ka nga kasi nakatulala diyan?"

Tss. Ang kulit talaga.

Hindi ko na lang siya pinansin. Masisira lang araw ko.

Gwapo nga, ang kulit kulit kulit kulit kulit kulit naman!

Oo, gwapo siya, matangkad, maputi pero okay na. Okay na SANA.

Kaya nga lang may times na sumosobra sa kulit at nakakainis na minsan.

"Uyy. Siguro naiinggit ka sakanila noh?" Sabi nito sabay tusok sa tagilirin ko.

"Hindi noh!" Sagot ko sa kanya.

"Weh? Yung totoo? Naiinggit ka eh!"

Hay nako. Kilala na talaga ako ni Zander, medyo matagal na rin kasi kaming magkaibigan.

"Oo na! Slight lang naman." Sagot ko.

"Ahhh.. Sabi ko na eh!" Pang-aasar niya. "Hmmm... Gusto mong ma-try magka-boyfriend?"

Hmmm... Napaisip tuloy ako.

Gusto ko nga ba?

Syempre naman! Sino bang babae ang ayaw maranasang magkaboyfriend? Yung ipaparamdam sayo na espesyal ka at may halaga ka. 'Di ba?

"Hmm.. Ewan. Siguro. Oo." Sagot ko.

"Eh di try natin!"

Ano raw? Try? NAMIN?

"Try natin ang ano?" Naguguluhang tanong ko.

"Try nating maging tayo! Kasi ako rin naman hindi pa nagkaka-girlfriend ehh..."

Nagulat ako sa sinabi niya.

Pero.
Nagulat ba ako dahil hindi pa siya nagkaka-girlfriend sa gwapo niyang yan?

O dahil sa sinabi niyang try naming maging kami?

"Ha? Adik ka ba?" Tanong ko sakanya.

"Oy Honey! Hindi ako adik noh! Gusto ko lang din kasing matry magka-girlfriend eh." Malungkot niyang sabi. "Kaya nga try nating maging tayo! Para maranasan mong magka-boyfriend at ako, maranasan kong magka-girlfriend."

Try lang // one shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon