Chapter 1

257 9 4
                                    

Disclaimer: Ang anumang mga sanggunian sa mga kaganapan sa kasaysayan, totoong tao, o totoong mga lugar ay ginagamit nang kathang-isip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Disclaimer: Ang anumang mga sanggunian sa mga kaganapan sa kasaysayan, totoong tao, o totoong mga lugar ay ginagamit nang kathang-isip. Ang iba pang mga pangalan, character, lugar at kaganapan ay mga produkto ng imahinasyon ng may-akda, at anumang pagkakatulad sa aktwal na mga kaganapan, lugar o tao, nabubuhay o patay, ay lubos na nagkakasabay.

All Rights Reserved ® 2020

Chapter 1

~••~

Hindi ko kailanman inasam pang iibig pa.

But, when you came rushing to my life.

Nangarap ako muli ng isang buhay na kasama ka.

Napakasimple lamang ng aking kahilingan, ngunit sobra kung pumagitna ang buhay at kamatayan. Dahil kamatayan lamang ang dala ko sa buhay ng aking pinakamamahal.

~••~

Huminga ako ng malalim sa harap ng salamin. "Mukha na ba akong katanggap-tanggap ng komunidad?" Inangat niya ang tingin niya mula sa librong binabasa niya.

"Hindi." Sumimangot ako sa naging tugon nito. "Bakit ba mas nais mo magsuot ng panlalaking mga kasuotan?" Tinalikuran ko ito at muling nanalamin at ngumiti sa aking sarili.

"Kasi ito lang kaya ng kakarampot kong salapi, Ginoo." Nag-iipon ako kaya hangga't kaya kong tikisin ang aking sarili mas mabilis ako makakaipon.

"Gilbert o Gil na lang hindi ba kako ang itatawag mo sa akin kapag wala tayo sa amin?" Balak ko na nga pala mangamuhan sa iba at hindi na sa mga Daez.

Habang may iba akong iniisip, hindi ko namalayan na tumayo sa tabi ko si Gil. "Hindi kaya hindi mo na ako lalong pagtuunan ng pansin kapag umalis ka at nagtrabaho sa iba? Ang daming mas babagay na pinili ng sastre para sa'yo kanina ngunit hindi mo man lang isinukat. Handa ko namang ipagbili sa iyo ang kahit ilan... kahit lahat."

Tumawa ako ng marahan at umiling habang nakatingin siya sa akin sa salamin. "Hindi dapat pinagkakagastusan ng amo ang isang hamak na nangangamuhan sa kanila. Isa pa, yung kapatid ko lang naman nagpasok sa akin sa inyo. Napakabait nga ng iyong Ama para manilbihan ako sa inyo, sobra akong nagpapasalamat. Ni hindi pa nga ako nakakabayad sa pag asikaso ninyo sa pagpapalibing sa Itay."

Napaisip siya nung palabas na kami ng tindahan. "Pakiusap, pumaroon ka na lang sa amin magtrabaho. Tataasan ko ang buwanang pasahod mo." Umiling ako na may pilit na ngiti habang kami naglalakad sa may Mercado. Hindi alintana sa kagaya ni Gilbert ang magpunta sa masikip at masukal na lugar ng Mercado. Hindi tulad ng ibang nakakasalamuha kong mga mas mataas ang estado sa buhay na kukuha pa ng karwahe o ipag-uutos pa ang kailangan nila sa Mercado.

Si Gilbert siya pa mismo ang magpupumilit sa akin na umalis ng mansyon para magtungo kung saan makalayo lang sa kanila nang panandalian.

"Hindi naman dahil sa pasahod dahil lilisan ako." Wika ko. Habang nagtitingin ng mauulam. Huminto ako sa naglalako ng galungong at talbos ng kamote.

"Dahil ba kay Mama kaya napagpasyahan mong umalis?" Napatigil ako panandali.

"Hindi." Tugon ko. "Napakabait ng Mama mo sa akin hindi mo lang alam."

Natigilan ako nang hawakan niya ako sa pulso at marahang inangat ang manggas ng damit ko at lumantad ang pasa kaya agaran kong hinatak ito pababa. Hindi ko siya mabalingan ng tingin.

"Akala mo ba hindi ko alam ang talagang nangyayari kapag wala ako? Pinagbubuhatan ka ng kamay Mama at kailanman hindi niya ito nagawa sa amin ni Rosario... hindi ko alam kung bakit at ayaw mo naman sabihin sa akin ang rason." Tumingin ako sa ibaba at huminga ng malalim bago ako tumingin muli sa kanya.

Tila nagbalik-tanaw ang isip ko sa isang alaala. Naglalaro ang kapatid kong si Rosario at panandalian ko siyang iniwan para kunin ang sulat mula sa kartero na dumating at pagbalik ko ay may isang pigura ng lalaki ang may bitbit sa kapatid ko na walang kamuwang-muwang na tinapatan ng patalim sa gilid ng leeg nito. Pinagbantaan ako na lumayas sa mansyon.

Bumugso naman ang pagbuhos ng ulan kaya napatakbo na lang kami sa may silong pati mga naglalako kanina sa daan kanya-kanya sila ng paglimas ng mga paninda nila at humanap din ng masisilungan.

"May naisip akong gawin!" Napatingin ako nang hubarin niya ang pantabing niya sa kanyang pang itaas na damit at inabot sa akin. Tinignan ko lang ito at umupo siya patalikod sa harap ko at parang may hinihintay.

"Dayan, sakay na huy!" Tawag niya sa aking palayaw. Lumapit lang ako ng ilang hakbang at marahan niya lang hinatak ang mga binti ko kaya napakapit na lang ang mga kamay ko paikot sa leeg niya. Lalo akong nagulat nang tumayo siya habang nakasalabay ako sa kanyang likod at tumakbo paalis ng sinisilungan namin.

"Naulan pa, Gil!"

"Itabing mo yung damit na binigay ko, aba!" Tawa niya sa akin na talagang hindi alintana na nababasa ng tubig at putik ang bago niyang sapatos. Kalaunan nakisabay na pala akong tumatawa.

"Saan na tayo?" Huminto kami sa may dalawang kalye. Tinignan ko ang magkaibang direksyon.

Bababa na sana ako nang inangat niya ako dahilan para mapatili ako at siya naman tawa nang tawa kaya pabiro ko siyang hinampas sa kanyang likuran.

Kalaunan ay yung kaliwang daan ang pinili namin ayon sa binigay na utos sa akin ng bago kong magiging amo.

"Ang liblib naman pala nitong bahay ng bago mong amo, Dayan." Wika niya tila nabasa ni Gil ang kanina ko pang iniisip nang marating namin ang harap ng bahay nito. Tatlong palapag ang bahay ng magiging amo ko. Malinis nga at wala kang makikitang marumi sa labas ng hardin nito. Napakalawak ng lote't buhay na buhay at sagana ang mga halaman at bulaklak sa paligid. May mga pato pa nga na naglalaro sa maliit na lawa sa gitna.

"Ano nga ulit ngalan ng amo mo?" Tinapik ko siya sa balikat at sumenyas ako na bababa na ako at nang makababa ako ay kita ko kung gaano siya nabasa ng ulan.

"Napakaganda naman dito, hindi ba?" Ngumisi lang siya sa sinabi ko.

"Parang hindi naman." Minsanan may pagkamayabang din itong si Gilbert.

Agad ko namang dinampi ang binigay niyang pantabing sa akin kanina para kahit paano matuyo siya.

Nailang ako sa ginawa kong iyon. Nagiging masyado na akong komportable sa dati kong amo. Titigilan ko na sana nang pigilan niya ang kamay ko at muli niyang tinignan ang pasa sa pulso ko.

"Paumanhin." Umiling ako.

"Wala kang dapat ipaghingi ng dispensa." Kako.

"Halina at bumalik ka na lang sa amin at sisiguraduhin kong hindi ka na makakaranas ng pagmamalupit ng Mama, Dayan." Natahimik na lang ako. Unti-unti nilalapit niya ang mukha niya sa akin. May ilang segundo ang nakaraan na tinitignan niya ang magiging reaksyon ko kung tututol ba ako sa nais niyang gawin. Ni ako hindi ko naman magawang humakbang patalikod bagkus naghihintay ako at unti-unti napapikit hinihintay ang paglapat ng kanyang halik sa akin.

Umihip na lang ang malamig na hangin kaya naman naudlot ang nais gawin ni Gil. Napasinghap ako nang pagmulat ko ay bukas na ang pintuan sa harapan namin kanina na sarado naman.

Doon nakita ko ang isang babae na seyosong nakatitig sa amin ni Gil. "Dayanara Panganiban?"

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Who Rewrote HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon