You Belong With Me [Chapter 34: A.K.I.N]

1.7K 21 10
                                    

Sabine's POV

Hindi na rin ako nagtagal sa mall dahil hindi ko na feel ang mag-shopping. Umuwi na lang ako kaagad at tinext si Red.

>Hooooyyyy! May nakita ako sa mall kanina! :))

<Sino naman?

Ang bilis talagang mag-reply nito. Wala yatang magawa sa buhay,

>Yung ex mo lang naman! Si Paula! Ang ganda pala nun ah. Bagay na bagay kayo. Prinsipe at prinsesa pala kayo sa South High! Bakit ka nakikipag-usap sa isang dukhang katulad ko?

*cellphone ringing

"Hoy Red! Bakit ka naman tumawag?"

"Nagkita kayo ni Paula?"

"Hindi kami nagkita! Nakita ko lang siya tapos ayun kinausap ako at chenez."

"Ano namang sinabi sayo?"

"Hhhmmm. Ano nga ba? Sabi niya layuan na daw kita kasi may Red Jr. na daw kayo" HAHAHA. Pinipigilan ko ang pagtawa.

"Osige, call you later"

"Ano? Bakit?"

"Tatawagan ko lang si Paula. Ayoko sa lahat yung nagkakalat ng maling info tapos sayo pa."

"Ah! Joke lang yun! Ito naman! Hindi yun yung sinabi niya. Imbento ko lang pero totoo na sinabi niyang layuan kita. Prinsipe ka pala! Hindi mo sinasabi sa akin."

"Lalayo ko naman?"

"Kung ito ang dapat kong gawin. Siguro tama rin na tumawag ka. I guees this is goodbye? This is the-"

"Tumahimik ka nga diyan, Manang! Anong good bye yang sinasabi mo? Cannot be! Math error!"

"Pero Red...poor lang daw kami. Hindi ako pwedeng makihalubilo sa isang katulad mo. "

"Ano ba yang sinsabi mo?"

“Sabi kasi ni Paula kayo daw ang nakatadhana para sa isa’t-isa…”

“Ah basta iba ang pangalan na nakasulat sa palad ko”

“Kanino naman? Aber?”

“Ama, Kuya, Ina, Nanay”

Ano daw? Sa nanay, tatay at kuya niya yung mga pangalan? Incest?

“Yung first letter ng bawat word eh makakabuo ng bagong word”

“So… A….K….I….N….? AKIN?”

“Ikaw talaga nang. Sayo ba o sayo nga?”

Baluga talaga ito. Pinag-titripan na naman ako!!

“EWAN KO SAYO! WALA KA NA NAMANG MAGAWA SA BUHAY MO NOH?”

Grabe. Biglang sumakit yung ulo ko sa sinabi ni Red. Nakakainis talaga yung balugang yun. Akala niya naman magpapaapekto ako sa mga kalokohan niya! Lakas trip! Over sa lakas! Muntikan na akong tangayin ng hangin buti na lang nakakapit pa ako.

“Sorry na nang, ito naman”

“Che! Doon ka na sa Paula mo! Tss! Magsama kayo!”

“Okay…”

HA?

“Anong okay?”

“Okay…”

“ANO NGANG OKAY?”

Nakakainis. Okay ng okay! Malay ko ba kung ano yung meaning ng okay na yun. Bwisit.

“Sinasagot na kita” LECHE!

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon