Epiphany [One-Shot]

84 4 4
                                    

He was my everything.

Lumaki ako na kasa-kasama ko siya kahit saan ako magpunta. Hindi niya ako iniwan lalong-lalo na sa mga panahon na nag-aaway sina mama at papa.

He will be there crouching beside me sa loob ng kabinet sa kwarto ko. He would whisper that everything would be alright. I would believe him, then pag wala ng mga sigaw sa kwarto ng mga magulang ko, matutulog ako sa loob ng yakap niya.

Kung may mang-aaway sa'kin sa school, pinapatahan niya ako at binibilhan ng lollipop. Tapos, sasabihin niya na karma na lang ang dadating para sa mga umaway sa'kin.

We used to spend the whole Sundays to ourselves sa pinakamalapit na park. Naglalaro ng tagu-taguan, luksong baka o magkakarera. Pag napagod na kami, bibili kami ng dirty ice cream ni Kuya Mike. I used to get chocolate then vanilla naman sa kanya.

We were inseparable... before.

Noong 10th birthday ko bigla nalang siyang nawala...

Pagdilat ko ng mga mata sa umaga ay wala na siya sa tabi ko. Hinanap ko siya sa bahay, kahit sa pinakasulok-sulokan ay ginawa ko, pero wala. Kahit may selebrasyon sa bahay ay tumakbo ako sa park nagbabakasakali na nandoon siya at nakaupo lang sa swings, minsan kasi ay nagiging emo siya at bigla nalang nawawala, pero doon lang pala siya tumatambay.

Pero... wala pa rin.

Bumalik ako sa bahay na umiiyak, baka nandoon siya at kasabwat lang nila mama sa isang sorpresa, biglang nawala ang mga luha ko dahil baka totoo ang iniisip ko. He would never leave me.

Pagdating ko ay may sorpresa nga sina mama at papa, nandun lahat ng kamag-anak namin. Nanatili ang ngiti ko buong araw dahil lagi nila akong binabati pero ang mga mata ko ay laging gumagalaw para hanapin siya.

Mabilis na dumating ang gabi. Nakatulog ako sa kakaiyak... mag-isa.

10 years na ang nakakaraan pero di ko pa rin siya malimutan, kahit isang beses ay hindi na siya nagparamdam ulit sa akin.

My life went on at nage-enjoy naman ako. Marami akong naging kaibigan. Hindi na ako binu-bully at hindi na rin ako umiiyak mag-isa.

Nasa isang coffee shop ako kasama ang nanliligaw sa'kin nang may nahagip ang gilid ng mata ko. Bata pa kami noon pero naalala ko parin lahat ng features ng mukha niya at hindi ako nagkakamali na siya nga iyong lalaking nakatitig sa'kin.

Naglalakad siya palayo! 'Di dapat siya mawala ngayong nakita ko na siya.

Tumayo ako dahilan ng pagkagulat ng kasama ko, wala akong pake basta lang ay maabutan ko siya. Malapit ko na sanang mahigit ang blue polo niya nang may isang barkada ng teenagers ang humarang sa akin.

Umuwi akong malungkot noon.

Buti nalang ay may nag-aya sa'kin na pumunta ng club. Kailangan ko siguro ng distraction, minsan lang naman 'to.

Nagbihis ako at pumunta sa club kung saan plinanong mag-saya. Tahimik lang ako sa table namin dahil ako lang ang walang karelasyon, lahat sila sweet na sweet sa kanya-kanyang partners. Di ko kayang magmahal ng masyado dahil sa trust issues ko nang mawala siya.

Habang lumalalim ang gabi ay nararamdaman ko na ang pagkalungkot. Tumango agad ako nang may nag-ayang sumayaw.

Nag-e-enjoy ako nang bigla akong hinigit ng sino sa papulsuhan. Hinigit ako papunta sa parking lot na mag-dyowang naghahalikan at mga sasakyan lamang ang laman.

Hindi ko kayang pumiglas dahil may pamilyar na bango ang lalaki.

Pagkadating namin ay humarap agad siya sakin, yinakap niya ako at ikinulong ang mga pisngi ko sa kanyang palad.

Di ko malilimutan ang mga katagang sinabi niya "Wag mo na akong hanapin. Aalis na ako pero bago ako lumayo ay sana malaman mo na... minahal" He trailed off "at mahal parin kita."

Umiiyak ako dahil miss na miss ko na siya. Patuloy ang agos ng luha ko sa pisngi. Mainit ang kanyang palad at komportable ang lagay ko, parang wala ng problema sa mundo. Hindi ko kayang hindi humagulgol.

Pagdilat ko ay nawala na naman siya. Ano bang trip niya at naglalaho nalang siya bigla para iwan ako? Hinding-hindi niya ito magagawa.

Kinabukasan noon ay determinado na akong hanapin siya, bahala na kung saang lupalop sa Pilipinas siya nakatira.

Una kong pinagtanungan ang mga magulang kong nandyan sa tabi ko simula pa pagkabata.

Ang mukha ni papa ay di mawari habang si mama ay napataas ang kilay.

Ang mga sunod niyang sinabi ay parang mga bomba na sinabog lahat ng kaloob-looban ko.

"Wala kang kalaro noon! Naaalala ko pa nga nung nagsasalita ka mag-isa eh, ang weird mo! Kaya nag-aaway kami ng papa mo noon ay dahil sa kondisyon mo! Baka kasi praning ka na kaya nagsasalita ka mag-isa, naglalaro ka pa nga mag-isa na parang may kalarong iba eh. Pero buti nalang at tumigil ka na, baka imahinasyon mo lang yun. Ano nga tawag nila doon? Ah! Imaginary friend! Alam mo naman... bata."

Date published: May 27, 2015

Epiphany [one-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon