being maangas is natural to us, astig kc, so when someone tells you,
"ang angas mo!" just turn back and say,
"apektado ka? Walang gamot sa insecure!""
"Chase,do you love me or am I just a substitute for what you can't have?"
Si Chase ay tinagurian na isang playboy kaya hindi siya basta-basta nagpapadala sa mga pa-sweet talk nito.Ngunit nalingat lang siya ay walang kahirap-hirap nitong nabihag ang puso niya.
Niligawan siya nito noon,ngunit basted ang inabot nito sa kanya.Natatakot siya na mahalin ang isang katulad nito,at baka sakit sa damdamin ang mapapala niya.Pero mas masakit palang pinakawalan niya ang pagkakataon na yun,dahil nabaling nito sa iba ang atensyon.
Isang araw ay nalaman niyang may iniibig na ito at nagtagal din yun ng dalawang taon.Sinubukan niya itong kalimutan.Nang magkahiwalay ang mga ito ay nagparamdam ulit ito sa kanya,dahil lang siguro sa nasaktan ito sa pagmamahal kay Nadine.
Papayag ba siya sa gusto nito kahit alam niyang masasaktan lang siya sa huli?
ABANGAN: WAIT FOR YOU(IT'S COMPLICATED)
WAIT FOR YOU (it's complicated)CH 1
PALAGING napapabuntung-hininga si Anika sa klase.Eh pano naman kasi,hindi siya kuntento sa pagtuturo ng mga guro dito sa kanyang kasulukuyang pinapasukan.
Mas pinapahalagahan kasi ng mga ito ang mga estudyanteng nasa mas mataas na antas kesa sa kanilang section.
Hindi naman ibig sabihin na nasa last section siya,di naman siya ganun katamad mag-aral,hindi lang siya kabilang sa section ng mga estudyanteng maraming matatalino,hindi naman siya bobo pero di naman sobrang talino.Mas pinag-tutuunan ng mga ito ng pansin ang nasa higher levels.
Hindi naman tama yun dibah?Pareho lang silang mga estudyante at dapat pantay-pantay lang ang turing nito sa kanilang lahat.Kung sino pang mas matalino yun pa ang mas pinapatalino.Nasa public school siya at 2nd year high school na.Mababa nga ang tuition fee doon pero hindi naman maganda ang kalidad,kung minsan kasi ay wala silang masyadong natutunan dahil palagi silang walang pasok.Nanghihinayang naman siya sa mga araw na yun,pagkakataon na sana yun na mas marami siyang matututunan.Kaya nagbabalak na siyang lumipat ng ibang school at doon na mag-ti-third year.
Lilipat siya sa Immaculate Heart Academy.Narinig niya kasi na maganda ang pagtuturo doon,base na rin sa mga sinabi ng kanyang kaklase sa elementary na doon na pumapasok.
Nasa ganun siyang pag-iisip nang kalabitin siya ng kaklase at pinakamalapit niyang kaibigan sa skul,si Kaye.
"Hoy,kanina ka pa nakatunganga diyan ah?Ano bah iniisip mo or should I say sino?" tanong nito na may pagka-malisyoso ang tinig sa huling tinuran.Tumingin siya dito at sumimangot .
"Eh,kasi hindi na ako masaya dito sa school natin,tsaka hoy yung sino na yan,wala yun,eh sino naman iisipin ko aber?Ni wala nga akong nobyo eh" sagot niya sa kaibigan.
"Anong ibig mong sabihin na hindi ka na masaya?" nagtataka nitong tanong.Tumikhim muna siya bago sumagot,alam niya na mabibigla ito sa desisyon niya na lumipat ng ibang school,tiyak malulungkot ito,pero kailangan na niya itong sabihan para maihanda ang sarili nito sa paghihiwalay nila sa hinaharap.Oktubre pa kasi kaya medyo matagal pa,pero sasabihin na niya rito para nga malaman na nito agad at makapaghanda na ito.
"Ah,alam ko napapansin mo rin na medyo hindi maganda ang pagtuturo nila sa atin diba?Kaya..m-may balak akong lu-lumipat ng skul" nagkandautal-utal niyang sabi,di niya kasi gustong malungkot ang kaibigan dahil masyado na silang close nito.Kagaya nga ng inaasahan niya,nabigla ito at nalungkot at the same time.